𝒞𝒽𝒶𝓅𝓉ℯ𝓇 ℴ𝓃ℯ

204 15 3
                                    

sᴘᴇʀᴍ ʙᴏʟᴅᴀᴢᴏʀ
ᵇʸ ᶜˢ

🇨 🇭 🇦 🇵 🇹 🇪 🇷  🇴 🇳 🇪 

"Sperrrrrmmmm!!!"

Dumagundong ang sigaw ng kaniyang Ate na si Neigh.

"Yes?" pa-inosenteng tanong ni Sperm nang makalapit sa kaniyang Ate.

"Where's my capo?" magkasalubong na ang mga kilay nito at parang gusto na siyang kainin ng buo.

"Capo? What's capo?"

"Yes. The clip of my guitar!"

"Ahh . . ." tumango-tango naman si Sperm na parang alam na ang tinutukoy ng kaniyang Ate.

"Nasira ko po," magalang niyang sabi na parang wala lang sa kaniya kung papagalitan o sisigawan siya ng kaniyang nakakatandang kapatid.

"W-what?! P-paanong nasira?! Sperm naman! Bigay 'yon sa akin ni Keith at sa U.S niya pa 'yon binili! Bakit mo naman sinira?!" histerikal ng kaniyang Ate at ang tinutukoy nitong Keith ay ang tatlong taon na nitong nobyo.

"Naglalaro kasi ako."

"Ano bang klaseng laro 'yon at nasira mo 'yong capo ko?!"

Napakamot sa sentido si Sperm at nakangiwing tumingin sa Ate na masama na ang tingin sa kaniya.

"Barirl barirl-an."

"Ayusin mo nga 'yang pagbabanggit mo sa 'R'"

Umismid lang si Sperm sa Ate niya.

"Alam mo namang bulol ako sa 'R' at 'S' Ate."

"Whatever Sperm, bakit mo ba ginagawang laruan 'yong capo ko e, hindi naman 'yon baril para paglaruan mo! Ang dami-dami mong laruan pero 'yong capo ko pa 'yong pinagdiskitahan mo?!"

Nagkibit lang ng balikat si Sperm na parang hindi big deal ang capo ng kaniyang Ate kaya halos mapatay na siya nito sa kakasigaw nang biglang dumating ang kanilang ina na nakakunot na ang noo.

"What's the matter?"

Maganda ang kanilang ina at parang hindi na nga ito tumatanda. Napagkakamalang pa ngang magkakapatid lang sila kaya labis ang tuwa ng ina kapag gano'n ang sinasabi ng mga tao sa kanila.

"Hi mom," bati ng kaniyang Ate na parang maamong tuta na humalik sa pisngi ng kanilang ina.

"Where's my hug kiddo?" naka-open arms na ang kaniyang ina.

"I'm not a kid anymore, Mom!" 'tsaka siya lumapit dito at yumakap sa ina. Halos hindi na siya makahinga sa higpit ng yakap nito.

"Yes, you're not a kid anymore but still, you are my baby boy."

"Mommy!"

Ngumisi lang ang kaniyang ina.

"I'm just kidding. Anyway, bakit kayo nag-aaway na naman ng Ate mo Rem? Ano na naman bang ginawa mo?" nakataas na ang kilay ng ina nang humiwalay ito sa pagkakayakap sa kaniya.

Sperm Boldazor (Young Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon