𝒞𝒽𝒶𝓅𝓉ℯ𝓇 𝓈ℯ𝓋ℯ𝓃

73 9 1
                                    

sᴘᴇʀᴍ ʙᴏʟᴅᴀᴢᴏʀ
ᵇʸ ᶜˢ

🇨 🇭 🇦 🇵 🇹 🇪 🇷  🇸 🇪 🇻 🇪 🇳 

🇲 ᴀʙɪʟɪs lang ang paglipas ng taon kasama si Sperm. Parehas na kaming highschool ngayon at iisa pa rin ang pinapasukan naming dalawa. Akala ko ay magbabago ang lahat nang makauwi na ako sa bahay namin, simula kase na naging highschool kami ni Sperm ay umuwi na ako sa bahay namin pero kapag bored na ako sa bahay ay pupunta lang ako sa bahay nila at doon makikitulog o makikikain bale parang dalawa ang bahay ang tinitirhan ko.

Busy pa rin sila mama at dada sa business namin at naiintindihan ko naman 'yon.

Tulad na lang ngayon, nandito na naman ako sa bahay nila Sperm dahil wala naman akong makausap sa bahay bukod sa mga katulong kaya dumayo na lang ako dito pero, minsan si Sperm naman ang pumupunta sa bahay este pinapapunta ni tita Grace para i-check ako.

Si Sperm? Ayon, wala pa ring pinagbago. Kung gaano siya katahimik noon, mas lalo siyang tahimik ngayon.

Pero kapag kinukulit ko siya ay lagi naman niya akong sinasamahan or magsasalita lang siya kung may nagtatanong sa kaniya o 'di kaya ako 'yong kausap niya.

Sa nagdaang taon, parang wala namang bago sa amin ni Sperm. Kumbaga normal na sa amin ang ganitong sitwas'yon.

"Rem?" tawag ko sa atensyon niya habang abala siya sa pagbabasa ng libro.

Inayos niya 'yong salamin sa ilong niya bago ako tinapunan nang tingin at ibinalik muli 'yong atens'yon sa libro.

Tumaba si Sperm at nagkaroon ng mga pimples pero kahit gano'n ay hindi pa rin nabawasan 'yong ka-gwapuhan niya. Tumaba man 'yong katawan at pisnge niya at nagkaroon ng mga pimples. Hindi dahil pabaya siya sa katawan, kundi dahil na sobrahan na siya sa kaka-aral. Hindi na kase siya nakakapag exercise dahil mas gusto pa niyang magbasa na lang ng libro na inaabot ng umaga kaya nagkakaroon siya ng mga pimples dahil sa puyat at idagdag mo pa 'yong panlalabo ng mga mata niya kaya siya may suot na salamin.

"Bakit?" tanong niya habang abala ang mga mata sa libro.

Napanguso ako at napabangon sa kama niya. Nag indian seat ako bago ko inabot 'yong junkfood sa gilid.

"May plano ka na ba sa college?" tanong ko sa kaniya bago ko binuksan 'yong hawak kong junkfood saka ako kumuha at sinubo 'yon.

Natigilan naman siya sa pagbabasa, tiniklop niya 'yon at inilapag sa malapit na lamesa at tinutok sa akin ang buong atens'yon.

"Bakit?" tanong niyang muli.

Nagkibit balikat lang ako sa kaniya. "Curious lang ako kung anong kukunin mong course," sabi ko sabay alok sa kaniya ng junkfood.

"Pangarap kong mag doktor pero sa pagiging architect nakatadhana 'yong future ko," aniya sabay kuha ng junkfood na inalok ko. "Ikaw ba?"

Noong unang alok ko kay Sperm ng junkfood ay lagi niyang tinatanggihan dahil hindi raw healthy pero nang lumaon ay naging hobby na niya ang pagkain ng junkfood kaya siguro nakadagdag sa timbang niya ngayon.

"Wala pa rin akong maisip e, kaya kita tinanong para makahingi ng advice mo," sabi ko sabay sipsip ng daliri dahil may naiwang flavor sa hintuturo at hinlalaki ko.

"Sa totoo lang parehas lang tayo. Hindi ko rin alam kung saan o ano ba ang gusto ko," aniya. "Pangarap kong mag doktor pero mahina naman ako sa agham kahit anong aral ko bumabalik pa rin 'yong isip ko sa pagiging architect."

"Buti ka nga mayroong pamimilian ako kase gusto ko sanang mag FA kaso baka 'di ako pasado sa pagiging FA kaya kung 'di ako papalarin magiging ibon na lang sana ako," seryosong sabi ko.

Sperm Boldazor (Young Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon