𝒞𝒽𝒶𝓅𝓉ℯ𝓇 ℯ𝒾ℊ𝒽𝓉ℯℯ𝓃

51 6 0
                                    

sᴘᴇʀᴍ ʙᴏʟᴅᴀᴢᴏʀ
ᵇʸ ᶜˢ

🇨 🇭 🇦 🇵 🇹 🇪 🇷 
🇪 🇮 🇬 🇭 🇹 🇪 🇪 🇳 


🇮 ᴛᴏ na ang pinakahihintay nang lahat . Ang prom night. Nakatingin ako sa salamin habang nakangiti.

Pinagmamasdan ko ang sarili sa salamin dahil sumobrang bumagay 'yong gown sa akin. Gusto kong maiyak dahil sa tuwa pero bawal baka masira ang make up ko.

Kanina ay may dumating na make up artis para make up-an ako, si mama pala ang nagpapunta sa make up artist kaya sobra ang tuwa ko dahil ang galing niyang mag make up at bumagay 'yon sa suot kong gown.

May kumatok mula sa labas ng pintuan ng k'warto ko.

"Pasok!" Sigaw ko mula sa loob ng kwarto.

Binuksan ni manang ang pinto at sumilip.

"'Nak nand'yan na ang sundo mo," nakangiting sabi ni manang.

Ngumiti naman ako at tumango sa kaniyang.

"Pakisabi po manang, sandali lang."

Tumango naman siya sa akin bago siya umalis.

Nag spray muna ako ng pabango at ngumiti ulit sa salamin. Huminga ako nang malalim bago ako lumabas ng k'warto at pumuntang sala.

Ang akala ko ay si Rem ang naghihintay sa akin sa sala kaya naman ay nakaramdam ako ng disapointment.

"Zeus.."

"Akala mo si Rem 'no?" Tudyo niya sa akin habang may mapang-asar na ngisi.

Inirapan ko nga siya. "Ewan ko sa'yo."

Tumawa naman siya sa inasal ko.

"Sobrang ganda mo naman ngayon Cell," papuri niya sa akin.

"Salamat!" Ngumiti ako ng malapad. "Ikaw din, ang pogi mo sa tuxedo."

"Tsk! S'yempre, ako pa ba?" Nag pogi sign pa siya at ngumisi.

Napailing na lang ako at natawa.

"Tayo muna ang partner ngayon, gusto ko munang asarin si Rem at makita kung paano magselos ang isang Boldazor at saka para umamin na rin talaga siya sa'yo." Paliwanag niya at kumindat pa sa akin.

"Mas'yado mong kina-career ang pang-aasar kay Rem, baka gusto mong madagdagan 'yang pasa mo."

"Ayos lang para sa'yo naman 'tong ginagawa ko e," seryoso niyang sabi.

Tumikhim naman ako sa sinabi niya.

"Ano, tara na?" Pag-aaya ko.

Inabot naman niya sa akin ang braso niya kaya kumapit ako do'n at naamoy ang mabangong pabango ni Zeus. Hindi gaanong matapang ang pabango niya kaya parang ang sarap amoy-amoyin no'n.

Inalalayan niya ako sa pagsakay sa kotse bago siya umikot sa driver seat at nagmaneho patungong event.

"Sigurado akong mamamatay sa selos si Rem kapag nakita niya, na ako ang partner mo. Bukod sa ka-g'wapuhan ko, sobrang ganda mo ngayon kaya magseselos talaga siya." Paliwanag ni Zeus at binuntutan niya pa ng tawa habang nagmamaneho.

"Loko ka talaga, kakaayos pa nga lang namin kahapon tapos ga-galitin mo na naman."

"Ayos na pala kayo?" Parang hindi na siya nagulat sa sinabi ko. "Hulaan ko, siya ang pumunta sa'yo para humingi ng sorry."

"Oo."

"Sabi na e," natatawa niyang sabi habang napapailing.

"Kapag nagka-anak kayong dalawa, ako ang gawin mong ninong ah. Tapos tatawagin niya akong, ninong pogi."

Sperm Boldazor (Young Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon