𝒞𝒽𝒶𝓅𝓉ℯ𝓇 𝓃𝒾𝓃ℯ𝓉ℯℯ𝓃

61 7 0
                                    

sᴘᴇʀᴍ ʙᴏʟᴅᴀᴢᴏʀ
ᵇʸ ᶜˢ

🇨 🇭 🇦 🇵 🇹 🇪 🇷 
🇳 🇮 🇳 🇪 🇹 🇪 🇪 🇳 

🇳 ᴀɴʟᴀᴋɪ ang mga mata ko sa gulat. Hindi ako makapaniwalang hinahalikan ako ngayon ni Rem. Halos sumabog na ang puso dahil sa bilis no'n. Gumagalaw ang mga labi niya sa labi ko kaya unti-unting pumikit ang mga mata ko at tinugon ang bawat halik na iginagad niya sa akin.

Napayakap na ako mula sa batok niya habang nakikipag paligsahan sa pinagsasaluhan naming halik.

Napapadaing na rin ako sa kakaibang klaseng halik ni Rem. Hanggang sa kapusin na kami ng hininga.

Ipinagdikit niya ang noo namin at nakatingin na siya sa akin ngayon. Puno ng iba't-ibang klaseng emos'yon pero may isang nangingibabaw doon na hindi ko matukoy.

"Gusto kita Cell-- no scratch that. I love you!"

Tuluyan na akong nabaliw sa sinabing 'yon ni Rem. Halos hindi ko na alam kung ano ang dapat kong sabihin sa biglaang pag-amin sa akin ni Rem. Ito na ba ang sinasabi ni Zeus?

Bakit kahit pinaghandaan na namin ito ay nagulat pa rin ako? Iba ang nararamdaman ko ngayon, gusto kong maiyak dahil sa sobrang saya. Ang matagal ko ng hinihiling ay natupad na. Mahal din ako ng lalaking mahal ko.

Naluluhang ngumiti ako sa kaniya.

"Mahal din kita Rem," sambit ko.

Hinila naman niya ako palapit sa kaniya at niyakap ako kaya, niyakap ko rin siya pabalik.

"Thank you Cell for loving me back."

Lumabas muna kami ni Rem sa events para makapag-usap nang maayos. Nandito na kami ngayon sa labas kung saan naka park ang sasakyan niya. Walang katao-tao dito bukod sa aming dalawa lang ni Rem.

"Ang tagal mo naman kaseng umamin," inirapan ko siya habang natatawa.

"Bakit?" takang tanong niya.

"Si Zeus ang tanungin mo, siya ang may pakana nitong lahat. Ginagawa niya ang lahat para pagselosin ka para sa gano'n ay umamin ka na sa akin."

"So, all this time pinagkakatuwaan niyo kong dalawa?" masama siyang tumingin sa akin.

"Pumayag lang naman ako sa kaniya kung totoo ba talagang may gusto ka sa akin," sabi ko.

"Kahit na, pumayag ka pa rin."

"Ano ngayon?"

"Dahil sa ginawa mong pagselosin, inisin, pag-alalahanin at paiyakin. Mayroon kang punishment."

Kumunot ang noo ko.

"Ano Naman 'yon?"

Ngumisi siya sa akin at nilapitan niya ako. Napaatras naman ako hanggang sa mapasandal ako sa kotse niya.

"Ito."

At walang pakundanggang hinalikan niya ulit ang mga labi ko. Hindi na rin ako nagulat kaya tinugon ko na lang ang halik na ibinibigay niya sa akin. Napakapit na rin ako sa batok niya at mas inilalapit ko ang sarili ko sa kaniya.  Pinalalim namin ang halik sa isa't-isa.

First kiss namin 'to ni Rem pero nakakabaliw na agad ang mga halik na ibinibigay niya sa akin.

Napadaing ako nang bigla niyang kagatin ang ibabang labi ko. Hindi pa rin siya tumitigil sa paghalik sa mga labi ko at mas hinapit niya ako palapit sa kaniya.

Bumaba na ang halik ni Rem at hinahalikan na rin niya ang leeg ko. Napapikit at napadaing ako sa sarap ng sensasyong 'yon.

"Hmm... Rem.." Daing ko.

Sperm Boldazor (Young Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon