𝒞𝒽𝒶𝓅𝓉ℯ𝓇 𝒻ℴ𝓊𝓇𝓉ℯℯ𝓃

56 5 0
                                    

sᴘᴇʀᴍ ʙᴏʟᴅᴀᴢᴏʀ
ᵇʸ ᶜˢ

🇨 🇭 🇦 🇵 🇹 🇪 🇷 
🇫 🇴 🇺 🇷 🇹 🇪 🇪 🇳 

"Zeus, tama ba itong ginagawa natin?" nagdadalawang isip kong tanong.

"Oo naman, trust me."

"Pero kase, hindi ba p'wedeng magpaalam na lang ako sa text? Baka kase hintayin pa ako ni Rem sa school."

"'Wag na, uuwi rin 'yon kapag nainip."

"Hindi naman niya kase alam na sasabay ako sa'yo pauwi. Kilala ko si Rem, baka mag-alala rin 'yon sa akin."

"Osige, ganito na lang. I-text mo siyang nakauwi ka na paglipas ng limang oras,"

"Grabe ka naman sa limang oras!"

"Naaawa ka ba sa kaniya? Paano magiging successful ang plano natin kung ngayon pa lang nagiging marupok ka na?" Nakangising tanong niya.

"Baliw! Hindi naman sa gano'n, pero s'yempre kung ako ang maghihintay ng limang oras sa wala. Maiinis din ako," paliwanag ko.

"Sundin mo na lang ako, worth it ang gagawin natin. Tiwala lang," kinindatan niya pa ako na parang alam na niya ang kahahantungan ng plano.

Wala na rin akong magawa kundi ang sundin si Zeus kahit pa labag sa loob ko. Ayoko naman masira ang plano namin dahil lang sa karupukan ko.

Nang makauwi ako sa bahay dahil sa maagang paghatid sa akin ni Zeus ay pumasok na agad ako sa loob ng bahay at sinalubong agad ako nila mommy at daddy.

"Mom! Dad!" Masayang tawag ko sa kaniya.

Sinalubong naman ako nang yakap nila mommy at daddy.

"Hindi mo ba kasama si Rem?" Tanong ni mommy.

"Ahm.. Nasa school pa po siya," sabi ko na lang.

"Hindi ba kayo naghihintayan?" Tanong naman sa akin ni dad.

Napalunok naman ako sa tanong ni daddy.

"Uhm.. Naghihintayan po kami p-pero pinauna muna niya akong pauwiin," pagsisinungaling ko.

"Ah gano'n ba? O'sya sige magbihis ka muna sa kwarto mo. Bumababa ka na lang mamaya para sabay-sabay tayong makapag dinner ng daddy mo, okay?"

"Okay po mom,"

Hinalikan ko muna sila sa pisnge bago ako umakyat sa taas at nagpalit ng damit.

Humiga ako sa kama at napatingin sa cell phone ko nang makita kong nag text sa akin si Zeus.

Zeus:
'Wag maging marupok.

Napailing na lang ako sa text niya at kasabay no'n ang pag ring ng cell phone ko. Tumatawag si Rem! Nakailang ring pa ang cell phone ko at sunod-sunod na siyang nag text sa akin.

Rem:
Where are you?

Rem:
Answer your phone!

Rem:
Whinny, are you okay?

Rem:
Nakauwi ka na ba?

Rem:
Sino ang kasama mo?

Rem:
Cell, hinihintay kita.

Rem:
Nasaan ka ngayon? Pupuntahan kita.

Rem:
Nag-aalala na ko.

Napapikit ako ng mariin bago ko pinatay ang cell phone ko. Huminga ako ng malalim at nagpalipas ng ilang oras.

Nakaka tatlong oras pa lang ang nakalipas nang biglang umulan ng malakas. Hindi ko na kayang paghintayin pa si Rem ng matagal do'n sa school lalo na't umuulan pa.

Sperm Boldazor (Young Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon