sᴘᴇʀᴍ ʙᴏʟᴅᴀᴢᴏʀ
ᵇʸ ᶜˢ🇨 🇭 🇦 🇵 🇹 🇪 🇷 🇫 🇮 🇻 🇪
🇳 ᴀɴᴅɪᴛᴏ lang ako sa loob ng k'warto ko. Iniisip ko kung ano bang magandang gawin. Umuulan kase kaya hindi ako makalabas ng bahay pero bigla akong napaisip na maligo na lang sa ulan tutal wala naman akong magawa rito at hindi pa naman ako naliligo kaya napagdesisyonan kong lumabas ng k'warto 'tsaka ako lumabas ng bahay.
Malakas ang pagbuhos ng ulan kaya ma-e-enjoy ko ang pagpapaulan. Napangiti ako sa isiping matagal na rin magmula noong naligo ako sa ulan kasama ko pa noon 'yong kaibigan ko na si Eliz, naawa nga ako sa kaniya no'n dahil pinalo siya ng Mama niya dahil nagpaulan daw siya sa ulan. Buti na lang si Mama ay hindi mas'yadong namamalo pero mabunganga lang siya kapag nagagalit.
Tsinelas pa ang ipinalo kay Eliz no'n na pumalahaw ng iyak. Gusto ko sanang tumawa dahil sa hitsura niya. Lumalaki kase ang butas ng ilong niya kapag binabanggit niya 'yong 'Mama.' Naparang nagmamakaawang kambeng.
Kaso naisip ko na baka pati ako ay mapalo kaya kahit gusto kong tumawa ay pumikit na lang ako at kinagat ang ibabang labi para pigilan ang tawa ko.
'Tsaka lang ako tumawa ng tumawa nang umuwi na sila sa bahay nila. Naglumpasay pa nga si Eliz habang umuuwi sila. Sobrang sakit talaga ng t'yan ko no'n dahil sa mukha ni Eliz. Kamusta na kaya siya? Naliligo pa rin kaya siya sa ulan kagaya ko tapos makikita siya ng Mama niya at papaluin ulit?
Sayang naman, wala na ako do'n para panoorin ulit siya kung paano lumaki ang ng butas ilong niya habang pinapalo ng Mama.
Natigilan ako sa pag-iisip nang hindi ko na maramdaman ang ulan. Ang akala ko ay tumigil na ang ulan kaya nalungkot ako bigla pero umuulan pa rin sa ibang parte kaya napatingin ako sa taas at nakita ko ang isang payong na nakasulong sa ulo ko. Bumaling ako sa nag mamay-ari ng payong at nakita ko si Sperm na walang emosyon ang mukha kaya napanguso na lang ako. Galit pa rin ba siya sa akin? Nag-away kase kami kanina dahil may kinausap akong batang lalaki sa labas bago umulan.
"Bakit ka nagpapaulan? Gusto mo bang magkasakit?" sarcastic niyang tanong.
"Ayaw," nakangusong sabi ko.
"Oh, bakit ka nagpapaulan?"
"Masarap kayang maligo sa ulan," sabi ko 'tsaka ako umalis sa pagkakasilong sa payong pero ibinalik ulit ni Rem ang pag payong sa ulo ko. "Ano ba! Gusto ko ngang maligo sa ulan," inis kong sabi.
Lumayo ako sa kaniya ng ilang hakbang 'tsaka ako dumila sa kaniya pero kinunutan niya lang ako ng noo na parang naiinis. Hindi ko na lang siya pinansin at itinuloy ko na lang ang pagliligo sa ulan.
Sabi kase ng mga matatanda kapag may bungang araw ka sa katawan, maligo ka lang daw sa ulan ay mawawala na 'yong bungang araw mo. E, wala naman akong bungang araw gusto ko lang talagang maligo sa ulan kase na miss ko lang. At isa pa, madalang na lang umulan ngayon kaya sinusulit ko na.
Umalis na si Rem na hindi ko na pansin. Amp! Bahala nga siya sa buhay niya. Kapag nagpapapansin ako ay hindi niya ako pinapansin. Ngayon naman siya 'yong nagpapapansin sa akin! Magtiis siya!
Hanggang sa tumigil na ang ulan ay napanguso ako dahil saglit lang 'yong ulan. Pumasok na ulit ako sa bahay para magbanlaw 'tsaka ako nagbihis ng damit na si Bubbles ang nakaprint. Hanggang sa sumapit ang gabi at parang pabigat ng pabigat ang pakiramdam ko. Habang kumakain kami sa hapagkainan kasama sila Tita Grace ay parang nawawalan ako ng ganang kumain at pakiramdam ko sa sarili ko ay nag-aapoy sa init. Ang init ng pakiramdam ko pati 'yong mga mata ko ay nagluluha na.
![](https://img.wattpad.com/cover/226234733-288-k194258.jpg)
BINABASA MO ANG
Sperm Boldazor (Young Series #1)
Teen Fictionsᴘᴇʀᴍ ʙᴏʟᴅᴀᴢᴏʀ ʏᴏᴜɴɢ sᴇʀɪᴇs #1 Ayaw na ayaw ni Rem na tinatawag siya sa buo niyang pangalan dahil sobrang weird nito kung tutuusin pero ibahin niyo si Cell, dahil imbis na pandirihan ang sariling pangalan ay mas naligayahan pa siya dahil sa pagiging...