CHAPTER 1

488 187 341
                                    

Mathematics talaga ang sisira sa buhay ko pero hindi ko inaakala na mag le-level up pa ang kahirapan nito. Lintek na Gen-Math to pinapaikli ang buhay ko.

Halos sabunutan ko na ang sarili ko habang sinasaulo ang equation. Sana lang mamayang recitation hindi ako mabunot sa mahiwagang baul ni Sir.

"Hoy, kanina kapa pinagsakluban ng langit at lupa. Kumain kana muna kaya," wika ni Nickole.

"Kailangan mo kumakain dzai, gigisahin kayo mamaya sa Philosophy," saad ni Kaye bago umupo sa tabi ko.

"Ginisa din kayo? Jusko walang patawad si Ms. Hidel," nakabusangot na sabi ni Adie.

"Nakakakaba naman kayo, maawa naman kayo  sa amin ni Blaine may Gen-Math pa kami bago ang Philosophy," ani Alex. Masama ang timpla ng mukha nito tila ayaw pumasok sa sunod na subject.

"Gusto ko nalang maging hatdog," saad ko bago ipinatong ang noo sa lamesa.

"Piniprepare lang namin kayo," ani Adie bago uminom nang tubig.

Tumango-tango pa yung dalawa sa sinabi ni Adie. Napailing nalang ako bago iniligpit ang notebook ko sa Gen-Math. Medyo confident naman ako sa Philosophy kasi nakikinig naman ako pag nagtuturo si Ma'am.

Sinimulan ko nang kumain para may laman ang tiyan ko incase na patayuin ako mamaya hanggang sa matapos ang time nang teacher namin.

"Meron din ba kayong research?" tanong ko habang ngumunguya.

Tango naman ang isinagot ng tatlo. "Next week ang pasahan namin, kayo?" ani Nickole.

"Sa Monday," sabay na sagot namin ni Alex.

"Lapit na pala, Friday ngayon. Malapit na ba kayo matapos?" tanong ni Kaye.

Tumango ako. "Iche-check nalang namin bukas sa bahay ni Niña tapos ipapa-proofread."

"Ngayon lang kayo mag papa-proofread?" takang tanong ni Adie.

"Oo, nacheck na kasi ni Sir Jiru nung isang araw habang gumagawa kami. Walang mali pero hindi kami sure dun sa isang part," sagot ni Alex.

"Sabagay kagrupo mo si Cadmus at si Blaine," ani Nickole.

Tuwang-tuwa namang pumalakpak si Alex sa sinabi ni Nickole. "Sure ball na papasa pag isa sakanila ang kagrupo mo."

Tumawa naman ako sa sinabi nito. Hindi naman ako ganun katalino talagang nag aaral lang kaya may alam sa gagawin. Si Cadmus talaga ang Matalino, saan kaya pinaglihi ang lintek na yun? Kaladasan nga tulog lang yun sa klase pero pag tinatawag may naisasagot.

Napatingin ako sa relo ko at nakitang malapit nang matapos ang lunch. Kinalabit ko si Alex para yayain nang pumunta sa classroom.

Nakabusangot naman itong tumayo halatang ayaw pumasok dahil baka gisahin mamaya. Natatawa ko naman itong inilingan bago nilingon ang tatlo.

"Una na kami!" Kumaway ako dito bago tumayo.

"Goodluck mga dzai!" sabay na saad ng tatlo.

Tumango nalang kami ni Alex bago lumabas sa Canteen.

Malapit na kami sa classroom ng sinalubong kami ni Ryker. "Blaine sorry," nakangusong saad niya.

Fools Under The MoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon