Tahimik akong nakasunod sa dalawang isip bata habang katabi ko si Niña. Naglalakad kami papunta sa clinic para makuha ang timbang at kung gaano kami katangkad.
"Sa tingin mo mataas ang makukuha nating grades sa research?" kinakabahang tanong ni Niña.
Agad naman akong tumango. Napabuntong hininga naman ito. Natatawang lumapit ako dito bago ipinulupot ang kamay sa braso niya.
"Wag kang magalala. Tsaka ginawa natin lahat na makakaya natin," wika ko bago siya hinila papasok sa clinic.
At syempre pag pasok namin nag aaway nanaman ang dalawa.
"Ako muna kasi," ani Alex bago tinitulak paalis sa timbangan si Ryker.
Tinawanan lang namin ito ni Niña. Kinuha ko ang ruler at itinapat sa tuktok ng ulo niya.
Tumawa ako at bahagya itong kinurot ng mahina. Bahagya kasi itong nakatingkayad. "Umayos ka ng tayo sis. Wag mong dayain height mo." Ngumuso ito bago umayos ng tayo.
"142. Hindi ka man lang tumangkad," wika ko.
Inirapan ako nito bago kinuha ang ruler sa kamay ko. Pumwesto ako sa tapat ng sukatan bago tumayo ng maayos.
Tinapik ni Niña ang binti ko. "Blaine, umayos ka ha bat ang tangkad mo? Dinadaya mo no?!"
"Loka ka. Bilisan mo na at nandyan na yung dalawang bata."
Nilingon ni Niña si Ryker sabay iniabot ang ruler.
"Aanhin ko yan?" tanong ni Ryker.
Inirapan siya ni Niña. "Ikaw tumingin ng height ni Blaine hindi ko makita."
Tinawanan muna siya ni Ryker bago kinuha ang ruler.
"176," wika ni Ryker.
"Sana oll tumangkad," saad ni Niña.
Tinapik ko ang balikat niya. "Try mo kasing tumalon pag new year."
Bumusangot ito. "Hindi naman effective."
Natigilan kami ng biglang bumukas ang pinto ng clinic. Isa-isang pumasok ang players ng basketball team.
At dahil puno na ang clinic, umalis na lang kami. Buti nalang mabilis naming natapos ang pagtimbang.
Kinawayan ko si Niña bago siya sumakay sa kotse nila.
Nilingon ko sila Adie na nakaupo sa bench.
Sabay-sabay akong nilingon ng tatlo bago ngumisi. "Ikaw ha bruha ka may kadate ka pala kahapon!"
Hindi na ako nagulat na alam nila dahil alam kong gigisahin nila ako.
"Ewan ko sainyo."
Tumawa nalang sila. Nang mapansing hindi ko sila sinasagot at hindi na nila ako pinilit pa.
"Hindi pa ba kayo uuwi?" tanong ko bago tumabi kay Alex.
"Nakakatamad umuwi," sagot ni Nickole.
Nilingon ko ito. "Why? May problem sa bahay niyo?"
Umiling ito bago kumuha sa fries na kinakain ni Kaye. Tiningnan naman siya ng masama ni Kaye pero hindi niya ito pinagbigyang pansin.
"Baka kasi nandun nanaman yung hapon," bulong ni Nickole.
Sabay-sabay na kumunot ang noo naming tatlo. "Huh? Anong sabi mo? Lakasan mo kasi sis ang boses mo," sabay-sabay na tanong namin nila Alex, Kaye at Adie.
Inirapan kami nito bilang sagot niya. Bagot na kinuha nito ang cellphone niya sa bulsa ng skirt niya. Sa gulat namin ay agad itong tumayo at walang pasabing umalis.
BINABASA MO ANG
Fools Under The Moon
Genç Kurgu(ON-HOLD) Blaine Luxury Cervantes a teenage girl who aspires to be a Doctor. She loves it when something happens and it ended the way she wanted it. Limuel Chance Austria a teenage boy who aspires to be a pilot. He wants to be free in the sky, beca...