CHAPTER 7

201 139 199
                                    

Pagkarating namin sa zoo ay pinapila ko muna ang mga kaklase ko.

"Headcount!" sigaw ko. Para na din sigurado na walang tumakas lalo na't kakarating lang namin. Kilala ko ang mga kaklase ko especially the boys.

Agad akong nakarinig ng reklamo. "Ampota kailangan pa ba yan?" ani Ryker habang nakabusangot.

Mabilis na lumipad sa mukha niya ang hawak kong notebook. "Sorry po."

Inirapan ko nalang siya bago sinimulang magbilang.

"One!" sigaw ko. Para na rin marinig ng mga nasa likod.

"Two," wika ni Cadmus.

"Three!" sigaw ni Alex.

"Four!" Sumunod si Ryker. Ngunit walang sumunod dahil siguro busy sila makichismisan. Napahilot nalang ako ulo ko sa inis.

"Ako nalang tuloy oh, FIVE, SIX, SEVEN!" sigaw ni Ryker. "Nakakahiya naman sainyo, kami nalang mag aadjust." Inirapan niya pa ang kaninang maiingay.

Natawa nalang ako sakanya. Parang kanina ayaw mag Headcount ah.

"At exactly 12:00 PM ay dapat nandito na ang lahat for the second part of the field trip. Enjoy students," saad ng adviser namin bago kami naghiwahiwalay.

As usual kami-kami lang din nila Alex, Ryker and Cadmus. Si Niña naman ay sa sarili niyang group of friends.

Habang pinapanood kumain ang parrot ay tumabi saakin si Alex. "Blaine, first time mo ba sa zoo?" tanong niya sa'kin.

Umiling naman ako bago kinuhanan ng picture ang parrot.

"Really? Kailan yung first time mo?" sabat na tanong ni Ryker.

"Noong bata pa ako nun, so I don't really remember," sagot ko.

Tumango naman sila. Nilingon ko si Ryker, "Eh ikaw first time mo?"

"Medyo hindi."

"Bakit medyo?"

"Isang hayop palang nakikita ko eh. Actually palagi ko ngang kasama," ani Ryker.

Gulat ko siyang nilingon. "You have a pet?"

"Not a pet, but a friend that resembles one." Ngumisi siya bago nilingon si Alex na kanina pa masama ang tingin sakanya.

"Gago ka ah!" Ofcourse nag away nanaman ang dalawa. I'm genuinely curious how the hell can they fight everyday then act like nothing happened the next day.

"Hindi ba sila napapagod?" Nilingon ko si Cadmus na nakakunot ang noo habang nakatingin sa dalawa.

Tumawa naman ako. "Yan ang bonding nila."

Nilingon niya ako. "Let's leave them alone, shall we?"

Tumango naman ako bago sinimulang maglakad para makita ang iba't ibang uri ng hayop na nasa zoo.

We spent the remaining hours admiring tha animals and taking pictures before the clock hits 12. Sa buong oras na yun ay walang ibang ginawa sina Alex at Ryker kundi mag away habang kami ni Cadmus ay lumayo sakanila dahil pinagtitinginan na kami ng mga tao.

Habang hinihintay ang iba naming kaklase ay nilibang ko ang sarili sa pagkain ng takoyaki na binili kanina ni Cadmus habang nagchecheck ako ng attendance.

Pagkompleto na kaming lahat ay sa enchanted kingdom naman kami para subukan ang mga rides.

Napansin kong medyo problemado ang adviser namin kaya naman nilapitan ko siya. "Ma'am may problema po ba?" tanong ko.

Fools Under The MoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon