Tahimik lahat sa loob ng bus siguro dahil hindi kami magkakakilala. Inabala ko ang sarili ko sa pagkain ng maalala na nasa likod ko pala si Alex.
Simula ng pagkapasok ko kanina ay hindi ako nito tinawag o kaya pinagbigyang pansin. Pumihit ako sa pagkakaupo para malingon si Alex. Nakita ko siyang tulala sa bintana.
"Alex," tawag ko.
Ngunit parang wala siyang narinig. Kunot noo ko siyang pinagmamasdan, anong nangyari sakanya?
Nilingon ko si Limuel ng makitang kinuha nito ang bag ko. Siguro nakita niyang medyo nahihirapan ako sa pwesto ko habang nakasilip kay Alex.
Pabaliktad akong umupo. Iyong tipong nakaharap sa sandalan at nakaluhod sa upuan. Nagmumukha siguro akong tanga, nasa unahan pa naman ako kaya kita ng lahat.
Naramdaman kong lumapat ang kamay ni Limuel sa likod ko tila sinusuportahan ang likod ko para hindi ako mahulog. He tugged his jacket that I'm wearing down para matakpan ang legs ko.
"Psst Alex, napano ka? What happened?" tawag ko sakanya.
Nang hindi parin ako nito pinansin ay kinuha ko kay Limuel ang bag ko at ibinato ito sakanya. Magaan naman yun dahil pagkain ang laman, yung isa kong bag ay nasa paanan ko.
Kunot noo kong nilingon ang lalaking katabi niya ng makitang sinalo nito ang bag na ibinato ko kay Alex.
Hindi ko napigilan ang sariling pagtaasan siya ng kilay kasabay ng masamang tingin na ipinukol ko sakanya.
Mabilis pa sa alas kwarto kong hinablot sakanya ang bag ko sabay bigay kay Limuel bago inirapan ang lalaki. Bihira maging ganyan si Alex, may kutob akong malaki ang kinalaman ng lalaking katabi niya kaya ganon ang inakto ko.
Narinig ko ang munting tawa ni Limuel habang nakatingin sa lalaking nasa likod bago ako nilingon. Inirapan ko siya, magkakilala pala sila ng lalaking yan.
Nilingon ko ang babaeng biglang lumapit kay Limuel.
"Hey." Napairap ako ng marinig ang boses niya, parang inipit ang punyeta.
Ang lintek na Limuel ay sinuklian pa ng ngiti ang babae. "Hi."
Hah! Mag sama sila! Teka ba't ba ako naiinis eh buhay niya yan.
Parang tangang inipit ng babae ang takas niyang buhok sa tainga niya bago inabot kay Limuel ang hawak niyang cellphone. Kaklase ko pala 'to eh!
"Can I get your cellphone number?"
Huminto sana bigla ang bus para matumba ka jan sa pwesto mo!
Tila nakalimutan ko si Alex at padabog na umupo. Bakit ba ako nagdabog eh wala naman kami ni Limuel. Tangina nababaliw na ata ako jusko.
Padabog kong kinuha ang bag ko sa kanya kaya nakuha ko ang atensiyon niya mula sa babae niya.
Kinuha ko ito at bahagyang niyakap bago ipinikit ang mata. I'll just sleep this feeling off.
I felt someone tugging my shirt kaya dumilat ako at tiningnan ng masama si Limuel.
"What?!"
"Did I do something wrong?"
Did I do something wrong daw ampota bahala ka!
Inismiran ko lang siya bago pinihit ang sarili sa bintana patalikod sakanya.
"Hey."
Pilit na kinukuha ni Limuel ang atensiyon ko pero hindi ko siya tinapunan ng tingin.
Siguro na halata niya na hindi ko siya pinapansin kaya hindi na ako nito inistorbo. Medyo malayo ang EK kaya naisipan kong matulog muna.
BINABASA MO ANG
Fools Under The Moon
Novela Juvenil(ON-HOLD) Blaine Luxury Cervantes a teenage girl who aspires to be a Doctor. She loves it when something happens and it ended the way she wanted it. Limuel Chance Austria a teenage boy who aspires to be a pilot. He wants to be free in the sky, beca...