Inayawan na ata ako ng swerte ko kasi nag sawa na sa'kin for the last eighteen years. Kaya nangyayari ang eksena ngayon.
"Who are you?"
Isang boses ang nakapagpatigil sa'kin sa paghahanap ng laptop. Inilibot ko ang tingin at napako ang tingin sa isang lalaki na nakatayo sa sulok ng kwarto at seryosong nakatingin sa'kin.
Matangkad ang pigura nito at nakapamulsang nakatingin sa'kin. Iginala ko ang mata ko sakanya. Medyo malaki ang pangangatawan nito siguro nag eexercise, malinis din ang pagkakaayos ng itim nitong buhok, napalunok ako ng magkatitigan kami. Those eyes parang kinikilala ang buo kong pagka tao.
"Miss?"
Napalingon ako sa gilid at nakitang may lumabas sa isang kwarto na cr ata. Magtatanong ang mata nito ng makita ako.
"Bisita ka ng kapatid ko?" tanong nito bago umupo sa dulo ng kama niya.
Napapikit ako ng mapagtantong sa kapatid ni Niña ang kwartong napasukan ko. Pero bakit may pangalan ni Niña yung pinto ng kapatid niya?!
Tumango nalang ako sa sagot niya bago tumalikod para umalis.
"Wait." Pigil sa'kin nung nasa sulok na lalaki sa'kin.
Nagtatakang nilingon ko ito habang hawak ang door knob. "Bakit po?" magalang na saad ko. Malay ko baka matanda pala sa'kin mapagsabihan pa akong walang modo kaya dinagdagan ko ng 'po'.
Kumunot ang noo nito tila may hindi nagustuhan sa sinabi ko. Kumunot din ang noo ko, iniisip kung anong mali sa sinabi ko.
"You were looking for something when you entered the room, what were you looking for?" litanya niya bago umupo sa sofa sa gilid ng kama.
Pinaglaruan ko ang kamay ko, nakakakaba naman to si kuya ako. Teka ba't ba ako kinakabahan eh wala naman akong masamang ginawa.
"Kasi--"
"Blaine! Hala sorry, mali pala ako ng lalagyan nang name ko." Biglang sulpot ni Niña sa pinto. Nakahinga naman ako ng maluwag.
"Tara na Blaine." Tumango naman ako bago lumabas. Hindi ako lumingon kahit na nararamdaman kong may nakatingin sa'kin.
Bago lumabas si Niña ay nilingon niya ang kapatid niya. "Kuya, bumaba daw kayo sabi ni mama para kumain."
Bago niya isara ang pinto ay may kamay na pumigil dito. Halos hindi ako makagalaw ng lumabas yung lalaki sumunod ang kuya ni Niña.
Naunang bumaba ang kuya ni Niña. Samantalang hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Tinapik ni Niña ang balikat ko bago itinuro ang kaharap na pinto ng kwarto ng kuya niya, iyon siguro ang kwarto niya.
Sinimulan ko nang maglakad pababa ng hagdan. Hindi ko nilingon ang lalaki hanggang sa makarating ako sa living room.
Nagtatakang tiningnan ako ng tatlo kong kagrupo. Kunot noo akong sinunod ng tingin ni Cadmus hanggang sa umupo ako sa mahabang sofa.
"Anong nangyari sayo?" tanong ni Cadmus.
Hindi ko ito sinagot. Inabala ko nalang ang sarili ko sa pag check research namin. Ilang minuto makalipas ay bumaba na si Niña dala ang laptop niya, inilapag niya ito sa lamesa. Bago pa siya makaalis ay hinila ko ito sa tabi ko. Nagtataka naman ako nitong tiningnan.
"Why?"
"Bakit nakasabit 'yung name mo sa kwarto nang kuya mo?! Niña, nakakahiya!" saad ko habang hawak ang magkabila niyang balikat at niyuyogyug.
"Sorry na nga eh. Ganito kasi yan, ginagawa namin 'yun kasi late minsan umuwi si kuya galing sa kung saang lupalop man siya galing. Takot yan kay papa kaya ayaw niya mahuli siya," ani Niña.
BINABASA MO ANG
Fools Under The Moon
Teen Fiction(ON-HOLD) Blaine Luxury Cervantes a teenage girl who aspires to be a Doctor. She loves it when something happens and it ended the way she wanted it. Limuel Chance Austria a teenage boy who aspires to be a pilot. He wants to be free in the sky, beca...