"This one suits her best." Itinapat niya ito sa harap ko habang pareho kaming nakatingin sa isang malaking salamin.
Nilingon ako nito. "Darling, you can sit here. We'll start your makeup in a few minutes," saad nitong beking mag me-makeup sa'kin.
Tahimik kong sinunod ang utos niya at umupo. God what did I get myself into?
Noong kinausap ako ni Limuel ay may hiningi siyang pabor saakin. Ako naman itong si lutang at kinakabahan kaya agad akong umoo.
Iyong pabor nahinihingi niya lang naman ay kung pu-pwede daw akong maging date niya sa anniversary ng lolo at lola niya.
Napapikit nalang ako sa kaba. Ano bang pumasok sa isipan ko at pumayag ako? Nahipnotismo ba ako? O kaya naman nahulog lang ako sa kagwapuhan niya. I mean sino ba namang hihindi. Shit king ano-ano na ang iniisip ko.
Lord, kayo na po ang bahala saakin. Kahit iyong swerte ko lang po ang ibalik mo, okay na ako.
Natauhan ako sa pagiisip ng sinimulan na akong ayusan ni Ate Veki. Literal na pangalan niya yan.
Sa guest room ako ng condo ni Limuel inaayusan. Siya naman ay sa kwarto niya.
"Open your eyes," wika ni Ate Veki.
Medyo nasilaw pa ako dahil sa tagal ng pagkakapikit ko.
Nagtatakang nilingon ko si Ate Veki at ang kanyang mga assistant na tulalang nakatingin saakin.
"Baklang to! Ang beauty!" sigaw niya.
"Sis yung mata ang ganda," dinig kong sabi nung isa niyang assistant.
"Ok! Mamaya na natin ubusin ang ganda ni Ms. Blaine. It's time for the dress." Ibinigay ito saakin ni Ate Veki bago ako matabang itinulak sa loob ng banyo.
Habang nagsusuot ay narinig ko ang pag bukas ng pinto sa labas. "Ms. Blaine si Sir Limuel naman ang aayusan namin," paalam nila.
"Ok po!" sigaw ko.
Minutes later pagkatapos ko Isuot ang dress ay lumabas na ako. Agad kong tinungo ang salamin para tingnan ang itsura ko.
Nanlalaking mata kong tiningnan ang sarili. Alam ko naman na maganda ako pero hindi ko naman inaakala na may igaganda pa ako.
I'm wearing a dark blue maxi dress paired with a silver heels. A pearl earrings and a simple necklace. Ang itim kong buhok ay naka messy bun na may konting takas sa gilid ng mukha ko. Kaya kitang-kita ko ang likod ko. Yung tipong naka V sa likod ganon.
Agaw pansin ang kulay ng mata ko, golden eyes. Lahat kaming magpipinsan ay ganito ang kulay ng mata. Sabi ng mama ko namana namin ito sa lolo namin.
"Beautiful."
Gulat kong nilingon ang pinto at nakitang nakasandal sa hamba ng pinto si Limuel.
Naramdaman kong uminit ang pisngi ko sa sinabi niya. "Thank you."
Nagsimula itong humakbang papalapit saakin. Nakasuot siya ng puting long sleeve napapatungan ito ng dark blue na blazer at itim na pants.
Umupo siya sa dulo ng kama bago tinapik ang tabi niya. Nagaalangan naman akong lumapit pero syempre ako tong si tanga, umupo din sa tabi niya.
"Some of my cousins are outside," wika ni Limuel bago ako nilingon.
Agad naman akong nakaramdam ng kaba. Bakit nga ba ako pumayag?!
Tumawa siya ng makita ang reaction ko. "Don't worry they don't bite."
Inirapan ko siya bago nagsalita. "I have a question," saad ko.
BINABASA MO ANG
Fools Under The Moon
Teen Fiction(ON-HOLD) Blaine Luxury Cervantes a teenage girl who aspires to be a Doctor. She loves it when something happens and it ended the way she wanted it. Limuel Chance Austria a teenage boy who aspires to be a pilot. He wants to be free in the sky, beca...