Ipinikit ko nalang ang mga mata ko sa sobrang inis at sa sobrang ingay.
"Liliko daw pag may nakita na tayong poster ni Kathryn Bernardo," saad ni Ryker.
"Tanga! Sabi ni Niña diretso lang daw hanggang makita natin yung 7/11," kontra naman ni Alex.
"Liliko sabi eh!"
"Diretso nga!"
"Liko!"
"Diretso!"
"Liliko ba talaga tayo o diretso lang?!" sigaw ni Cadmus sa dalawa sabay hampas nang manibela. Halatang naiinis na sa away ng dalawa.
"This is stupid, why don't we just call Niña?" Sumingit na ako sa usapan. Dahil hindi ako makasingit kanina sa sobrang bilis nilang mag salita.
"Wag!" sabay na sabi ng dalawa. Bago mas itinago sa likod nila ang cellphone namin ni Cadmus. Kinuha nila ito samin kanina nang sinubukan kong tawagan si Niña.
"Bakit naman?!" Inis kong nilingon ang dalawa. Mag dadalawang oras na kaming palibot-libot dito at alam ko konti nalang itatapon na sila palabas ni Cadmus sa kotse niya.
"Gusto kong ipamukha sakanya na tama ako," ani Ryker bago inirapan si Alex.
"Gago ka. Sinasabi ko sayo diretso lang," wika ni Alex bago itinulak si Ryker kaya nauntog ito sa salamin. At dahil siya si Ryker gumanti din ito kay Alex.
Kung bakit naman kasi itong dalawa pa ang napagsabihan ni Niña kung paano pumunta sa bahay nila.
Wala sa oras akong napamasahe sa ulo ko dahil sa away ng dalawa sa likod. Nilingon ko si Cadmus na katabi ko dahil ihininto nito ang sasakyan.
"Get out."
Natigilan ang dalawa sa likod dahil sa sinabi ni Cadmus. Tila naging ang mga tuta ito at naging tahimik. Nilingon ako ni Cadmus at sinenyasan akong kunin ang cellphone namin.
Nilingon ko ang dalawa sa likod at inilahad ang kamay ko. Hindi pa din sana nila ibibigay pero nakatanggap sila ng masamang tingin kay Cadmus kaya inabot na nila sakin.
Inilagay ko sa ibabaw ng hita ni Cadmus ang cellphone niya bago tinawagan si Niña. Makatapos ang dalawang ring ay sinagot na ito.
"Hello Niña."
["Blaine! Bat wala pa kayo? Kanina ko pa kayo tinitext pero wala kayong reply."]
"Itong dalawang bata kasi nag away nanaman."
["Si Alex at Ryker? Sus love language nila yan."]
Napangisi naman ako sa sinabi nito bago nilingon ang dalawa na tahimik sa likod dahil nakabantay si Cadmus sakanila.
"Pano nga ulit makapunta jan sa bahay niyo?"
["Diretso lang hanggang sa may 7/11 tas liliko pag nakita niyo yung malaking poster ni Kathryn Bernardo. Pagkaliko niyo makikita niyo yung blue na gate yun ang bahay namin. Pero wag kayo mag alala hihintayin ko kayo sa labas para hindi kayo lumagpas."]
Muntik na akong tumawa sa sagot ni Niña. Tama pala ang dalawa pero hinati nga lang sa dalawa yung sinabi sakanila ni Niña kaya nag away.
Ibinaba ko na ang tawag bago minessage si Cadmus kung saan dadaan. Mas mabuti nang hindi marinig ng dalawa dahil mag iingay nanaman sila at baka mag away ulit.
Nilingon ako ni Cadmus at pinagtaasan ng kilay. Inginuso ko naman ang cellphone niya na nasa hita niya. Nakuha naman agad nito ang ibig kong sabihin kaya pinaandar ulit nito ang sasakyan.
Tahimik kong ipinagdadasal na sana hindi mapansin ni Alex na diretso ang tinatahak ng kotse papunta sa 7/11 ngunit hindi ata ako dininig ng swerte ko ngayon.
BINABASA MO ANG
Fools Under The Moon
Teen Fiction(ON-HOLD) Blaine Luxury Cervantes a teenage girl who aspires to be a Doctor. She loves it when something happens and it ended the way she wanted it. Limuel Chance Austria a teenage boy who aspires to be a pilot. He wants to be free in the sky, beca...