CHAPTER 9

167 110 166
                                    

"Blaine," tawag saakin ni Dwayne Edmund.

"Oh?" Pinagtaasan ko siya ng kilay.

"Go to my school later," aniya.

Nanlaki ang mata ko. "What?! Ayoko!"

"Why?" Inilagay niya ang kamay sa baywang niya bago ako tinitigan.

Napalunok naman ako bago kinurot ang sariling kamay. "A-ano kasi haha," kinakabahang wika ko.

"Why are you so nervous?" nagtatakang tanong niya.

"Hindi ah!"

Pinagtaasan ako nito ng kilay. "Then what is it?"

"M-may ano kasi may research kaming gagawin mamaya after school!" saad ko. Sana maniwala ang bibe na ito. Ayaw kong pumunta sa school mo kasi nandoon siya!

He sat down infront of me while crossing his arms. "You just finished your research last month," saad niya.

Agad akong sumagot. "Binigyan ulit kami ng research."

He tilted his head to the right. Parang nagiisip kung nag sisinungaling ako.

Ngumisi ito bago tumayo. "I'll do your research. Just go to my school later."

Nanlalaking mata ko siyang sinunod ng tingin habang naglalakad siya palayo saakin.

"Ano?! Teka, hoy Dwayne Edmund!" tawag ko sakanya. Pero ang lintek pinagsaraduhan ako ng pinto.

Napasabunot ako sa buhok ko bago pasalampak na umupo sa sofa. Oh god! What am I gonna do? There's a huge chance that I'll see him. Magkaklase sila ni Dwayne Edmund.

Shit. Should I pretend to be sick? Or I'll just bail. Napatango ako sa sariling naisip. Tama, hindi nalang ako pupunta.

Wala namang susundo saakin kaya makakatakas ako. Dwayne Edmund seems busy kaya papapuntahin niya ako sa school niya it means hindi siya makakapagdrive. Si Atticus naman ay hindi pwedeng mag maneho dahil wala pa siyang lisensiya. Kaya walang pwedeng sumundo saakin!

"Nabaliw kana ba?"

I glared at Atticus. "What?!"

"Para kang tangang sinasabunutan ang sarili mo tapos may patango tango kapang nalalaman." Umupo ito sa tabi ko.

Inirapan ko nalang ito bago pumasok sa kwarto ko para magbihis. Baka iwan ako ng dalawa, walang maghahatid saakin sa school.

Habang nagsusuot ng medyas ay nahagip ng mata ko ang isang jacket na nakasampay sa likod ng pinto ko.

Tumayo ako at kinuha ito. Nakalimutan kong ibalik sakanya after field trip pero it's been weeks after he asked me out. Wala akong lakas ng loob na makita siya para maibalik ang jacket niya.

•••

"Blaine, umupo ka nga nahihilo ako sayo eh," ani Alex.

Napabuntong hininga nalang ako bago umupo sa tabi niya.

Tapos na ang klase namin. Hindi sumabay saamin sila Adie dahil may gagawin daw sila.

Hindi ako mapakali baka mamaya sunduin ako ng isa sa mga bibe.

"Fuck I don't want to go there." Kinakabahang pinapanood ko ang bawat sasakyan na dumadaan sa harapan namin.

"Eh bakit mo naman kasi nireject si Limuel?" tanong ni Alex.

Y'all heard it right. I said no when he asked me out.

"Eh iyon yung lumabas sa bibig ko eh. Tsaka I was shocked kasi we've known each other for like less than a month tapos gusto niya na ako. What if trip niya lang pala? What if nachachalenge siya saakin? Oh god I can't face him," mahabang litanya ko.

Fools Under The MoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon