Chapter 1

403 5 2
                                    


Nyx's POV

"Smile baby! okay 1, 2, 3." sabay tunog ng pagclick ng camera.

"Okay. One more baby! smile! smile! Last na." sabi ko at kasunod non ang huling pagkuha ko ng litrato.

"Thank you Nyx." sabi ng matalik na kaibigan kong single mother na si Ana.

"No worries." nakangiting tugon ko at binuhat ang makulit na bata dito sa studio.

Pumasok na kami sa elevator. Papunta na kami ngayon sa 4th floor ang office ko at ng mga kaibigan ko. Nasa 3rd floor kami kanina para sa photoshoot ni John. Malapit na kasi ang birthday ng inaanak ko na anak ni Ana na si John at ang buong team namin ang maghahandle para mag organize sa birthday event.

Nasa 4th floor na kami at bumungad samin si Maine na masayang sinalubong si John na buhat ko.

"Come to tita baby boy!" sabi ni Maine kaya inilapag ko si John at nagmamadali itong tumakbo kay Maine.

Pumunta na ako sa pwesto ko at tinignan na ang mga kuhang litrato ni John.

"Tignan niyo mga pictures ni John ang gwapo talaga ng batang 'to." sabi ni Shinna na nasa likod ko pala.

"Mana sa mommy syempre!" dagdag pa ni Ana dahilan para magtawanan kami.

Inedit ko na yung mga pictures ni John habang nagkwekwentuhan sila. Ilang minuto lang ay natapos na rin ang kwentuhan. Umuwi na sina John at Ana. Bumalik naman na sa trabaho si Maine at si Shinna. Ilang saglit pa ay natapos ko na iedit lahat ng pictures. Nakapili na rin pala ng theme si Ana kaya mas madali na lang gumawa ng mga invitations at mga decorations.

"Hindi pa naman kailangan agad yan kaya magpahinga ka muna at kumain. May appointment ka pa naman mamaya kay Mr.Thomson." sabi ni Louel habang nagsusuklay ng buhok.

"Hala may appointment pa pala ko nakalimutan ko buti na lang pinaalala mo." sabi ko at hininto ang ginagawa ko.

"Oo girl. Anong oras na! Tara kain tayo." sabi ni Shinna na umiiling iling. Tumango na lang ako at ngumiti.

Inayos ko na yung gamit ko at nagretouch na rin. Pagkatapos ay lumabas na kami nila Shinna, Louel at ang magkarelasyon na sina Bianca at Axel. Sumakay na kami sa kotse ni Axel papunta sa isang malapit na chinese restaurant.

Si Axel ang nagdrive habang nasa passenger seat naman ay si Bianca at kami nasa likod. Agad naman kaming nakarating dahil malapit lang. Kung tutuusin pwede naman lakarin na lang. Tamad lang kami at maarteng mainitan ng araw. Papasok na kami sa loob ng biglang nagring ang cellphone ko. Si Maine tumatawag.

"Mauna na kayo sa loob. Sunod ako." sabi ko at pumasok na sila sa loob. Pumunta ako sa gilid at sinagot na ang tawag ni Maine.

"Oh? bakit? napano ka?" bungad ko. Natural na batian namin ni Maine yan.

"Pina-cancel ni TJ ngayong araw yung meeting. Emergency daw."

"Bakit? Anong nangyari?"

"Di ko alam basta emergency daw."

"Ah okay. Sige."

"Bye." sabi nito at binaba na ang tawag.

Pumasok na ako sa loob at kumain. Madalas kaming kumain magkakaibigan dito. Naging regular customer na nga rin kami. Masasarap ang mga pagkain at hindi nakakasawa medyo may kamahalan nga lang pero sulit naman dahil mabubusog ka at maayos ang serbisyo nila. Mababait rin ang mga empleyado.

"Bakit hindi kayo kumain ng maayos? nagsusubuan pa kayo naiimbyerna lang ako sainyo." biglang sambit ni Louel sa dalawang love birds ng squad na kaharap niya.

Natawa naman kami bigla. Bakla kasi itong si Louel at walang lovelife tapos bitter pa.

"Hiyaan mo makakahanap ka rin." sambit naman ni Axel na natatawa tawa.

"Di naman ako bulag pero bat hindi ko mahanap?" sagot naman ni Louel na umarteng malungkot at nagbuntong hininga pa.

"Magpakalalake kana kasi daming babae na naghahabol sayo jan bakla." sambit naman ni Bianca pagkatapos ay kumain ulit.

"No way! Sis alam mo ba sinasabi mo? yuck!" maarteng sabi ni Louel at may pagikot pa ng mata.

"Ang arte nito. Tusukin ko mata mo jan." natatawang sabi ni Bianca.

"Joke lang sis. Si Nyx nga walang lovelife eh, okay lang maging single." sabi ni Louel at nagtawanan sila.

"Ikaw talaga gusto ko Louel." pabirong sabi ko.

"Sis ayoko sayo. Di tayo talo." sabi ni Louel at tinakpan ng dalawang kamay ang dibdib.

"Kala mo talaga babae eh no?" sabi naman ni Bianca na natatawa.

"Yes. Mas girl pa ko sayo sis." sabi ni Louel ng nakangiti.

Nagkwentuhan na lang kami habang kumakain. Ilang saglit lang ay natapos na kami at bumalik na sa trabaho. Nagtake out na rin kami ng pagkain para kay Maine. Marami rin kasing ginagawa si Maine kaya hindi nakasama kanina. Dumating na kami at balik na ulit sa kanya kanyang trabaho. Si Louel rin pala nagabot ng pagkain na tinake out naming para kay Maine. Kung kaya't ginawa ko na yung invitation ni John hanggang sa natapos na ako mag edit at tumawag na sa lobby.

"Hello. This is Patricia what do you need ma'am?"

"This is Nyx. I'll be there in 15 minutes."

"Okay ma'am Nyx. Ipapaready ko na po ang sasakyan na gagamitin." sabi niya at binaba ko na ang tawag.

Alam na ni Patricia ang gagawin dahil alam niyang may appointment ako at VIP ang kliyente. Sasakyan ng kumpanya ang gagamitin.

Pupunta ako ngayon sa THMSN Hotel dahil team namin ang maghahandle ng event ni Mr. James Thomson at samin sila magpapadesign at organize ng event at iba pa na depende sa mapaguusapan.

Nagsimula na akong magretouch ulit. Naglagay ako ng face powder, lipstick na kulay pula, at blush on na hindi ganon kakapal. Nagsuklay na rin ako ng buhok. Pagkatapos ay nagpabango.

Nagpaalam na ako sakanila Louel, Shinna at Maine na aalis. Nagbeso kami at umalis na ako. Hindi ko naman nakita ang lovebirds na sina Axel at Bianca kaya hindi na ako nakapagpaalam.

Pagdating ko sa lobby hinihintay na ako ni Mang Gido sa labas. Binati naman ako nito at ngumiti na lang ako bilang tugon. Pinagbuksan pa ako ng pinto ng sasakyan. Pagkatapos ay sumakay na rin ito at nagsimula nang magmaneho papuntang THMSN Hotel.

Ilang minuto lang ay papasok na ang sasakyan sa hotel. Mabilis lang naman ang byahe kung kaya't maaga rin kaming nakapunta. Huminto na ang kotse sa entrance at bumaba na ako. Si Mang Gido naman ay umalis at nagpark na ng kotse.

Pumasok na ako at napahinto nang nahagip ng mata ko ang pamilyar na bulto ng lalaking nakatalikod.

Bigla akong kinabahan.

BEGINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon