Chapter 2

385 5 2
                                    

Nyx's POV

Nanatili akong nakatayo habang tinitignan ang papalayong bulto ng lalake kasabay nito ang muling paghupa ng kaba ko hanggang sa tuluyan na itong nawala sa paningin ko.

"Ma'am ano pa ho ang ginagawa niyo rito?" biglang sabi ni mang Gido na halos kapapasok lang ng hotel. Bigla akong natauhan.

"Ah, may tinignan lang ako." sabi ko at sumakay na patungong elevator. Naiwan naman si mang Gido sa may lobby.

Nakarating na ako sa office ni Mr.Thomson. Sinalubong ako ng receptionist na nakangiti. Ngumiti rin ako bilang tugon.

"Good afternoon ma'am. Ms. Josefina Nyx Mazata po?" pagkukumpirma nito.

"Yes."

"Please come in." sabi nito at pinagbuksan ako ng pinto papasok sa opisina ni Mr.Thomson.

Pumasok na ako at nakita ko agad si Mr.Thomson.

"Good afternoon Mr.Thomson." nakangiting bati ko.

Ito ang unang pagkakataon na nakausap ko si Mr.Thomson madalas kasi si Maine ang nakikipagusap kapag sa VIP client. Nakiusap lang nakaraan si Maine saakin na ako muna ang magasikaso nito dahil may importante rin siyang kailangan asikasuhin doon sa iba pang VIP na kliyente.

"Good afternoon Ms.Mazata. Thank you for coming." tugon nito.

"No worries Sir." tugon ko.

"Have a seat. What do you like juice, coffee or tea?"

"Coffee please. Thank you." sabi ko.

"Shall we start discussing for the event?"

"Ah yes. Sure sir."

Nagsimula na kaming magusap tungkol sa kontrata atsaka sa mga information na rin para sa event. Nagusap rin kami ng mga gustong set up ni Mr.Thomson. Maayos naman yung naging flow ng usapan. Naging komportable naman akong kausap si Mr.Thomson lalo na at nalaman kong pamangkin niya pala si Maine at nagkwentuhan na rin kami hanggang sa natapos na ang usapan.

"Okay sir, thank you for trusting us. It's nice to meet you." paalam ko.

"Sure iha. It's nice to meet you too. Btw, uncle is much better and also send my regards to Maine iha." sabi nito ng nakangiti.

"Noted po Uncle at mauuna na po ako." pagpapaalam ko.

Lumabas na ako sa opisina at sumakay na ng elevator papuntang lobby. Muling bumalik sa isip ko ang pamilyar na bulto ng lalaking nakatalikod. Napabuntong hininga ako at umiling iling.

No Nyx. Hindi siya yun okay. Pagpapakalma ko sa sarili ko.

Nasa lobby na ako at nakita ko na si mang Gido. Nagulat ito pero lumapit saakin.

"Magandang hapon ho ma'am. May kailangan po ba kayo?" naalangan na tanong nito sakin.

"Tapos na kong makipagusap kay Mr.Thomson. Balik na ho tayo sa opisina mang Gido."

"Ma'am bat hindi niyo ho ako tinawagan para sana naihanda ko na yung sasakyan?" tanong nito.

"Ah, magreretouch lang ako saglit sa cr. Pakihanda na po yung sasakyan."

"Sige po ma'am. Antayin ko na lang po kayo sa labas." sabi nito at umalis na para kunin yung sasakyan.

Dumiretso naman ako sa cr para magretouch saglit. Pagkatapos ay umalis rin ako agad at pumunta na sa labas ng hotel na sakto naman na pagdating ng sasakyan. Sumakay na ako at tahimik na naupo hanggang sa makarating na kami sa kompanya at dumiretso naman ako sa opisina ni Maine para ibigay yung mga papeles kanina.

"Kamusta ang trabaho?" bungad nito pagkabukas ko ng pinto.

"I did well." maikling sagot ko at bumeso kay Maine.

"Expected, bawi na lang ako sayo. Thank you sis." paglalambing nito.

"Really?"

"Oh my mistake! What the h3ll do you want?"

"I'll think about it. And Maine.."

"Yeah?"

"Uncle mo pala si Mr.Thomson?"

"Seriously Nyx? Yeah. Bat mo natanong? bakit anong ginawa sayo ni Uncle?"

"Hindi ko kasi alam na tito mo pala yun. Masaya kasi kausap atsaka sabi ni Mr.Thomson na Uncle na lang rin ang itawag ko. Naiilang ako kapag makikipagusap ako at Uncle ang sasabihin ko." sabi ko.

Unang beses ko pa lang kasi nameet si Mr.Thomson at talaga ngang napaka humble nito. Matanda na rin pero ang itsura mukhang nasa 40's lang at wala rin itong mga pimple sa mukha o marka ng katandaan. Sa katunayan nga ay makinis pa ang balat nito.

"Okay lang yan. Sobrang bait non ni Uncle James."

"Yes. Pinapakamusta ka nga pala ni Mr.Thomson. Balik na ako sa opisina ko. Bye!" sabi ko at lumabas na ng opisina niya.

Naglakad naman na ako patungong elevator papunta sa opisina ko. Pagkapasok ko ay nandon pa rin sila. Binati lang nila ko pagkatapos ay bumalik na sa ginagawa nilang trabaho. Naupo naman na ako at nagsimula nang magtrabaho ulit. Sinimulan ko nang magedit pa ulit ng mga pictures ni John pagkatapos ay gumawa na rin ako ng plano at sinend kay Bianca para maicheck niya.

"Yes! Pwede na akong umuwi." sabi ko dahil tapos na akong magtrabaho.

"Diba may meeting kayo nila TJ?" tanong ni Bianca.

"Ah oo. Kaya lang nagkaroon ng emergency si TJ kaya sa susunod na araw na lang." sagot ko habang nagaayos ng gamit.

"Ah okay. Sis pabigay naman nitong pipirmahan ni Maine bago ka umuwi. Thank you sis." sabi nito at iniwan na sa lamesa ko yung mga papel. Napabuntong hininga na lang ako at kinuha na yung papel na pipirmahan ni Maine.

Naglakad na ako papaalis sa opisina ko at bumalik sa opisina ni Maine. Sinubukan kong buksan ang pinto kaya lang nakalock ito. Napakunot ang noo ko. Hindi naglolock ng pinto si Maine sa opisina. Kumatok ako at hinanda ang sarili ko. Pinihit ko ulit ang pinto nagbabakasakaling mabubuksan ito pero hindi nabuksan. Kinabahan na ako kung kaya't kinatok ko ng kinatok ang pinto hanggang sa nagbukas na ito.

Napahinto ako ng mabuksan ng matipunong lalake ang pinto na kinalampag ko. Moreno ang kulay ng balat nito na medyo mamula mula ang mukha. Malaki ang mata nito. Laban na laban sa tangos ng ilong at makalaglag kulangot ang panga nito. Tumikhim ito dahilan para matauhan ako.

"A-Asan si Maine?" sabi ko at agad na pumasok sa opisina nito.

"MAINE! MAINE!" sigaw ko pa. Sinundan naman ako ng lalaki at muling tumikhim ito.

"Who are you? What are you doing here?" kalmadong sabi nito.

"Seriously? Ako dapat ang nagtatanong saiyo nyan. Who are you and what are you doing here? Ni hindi ka nga empleyado sa building na 'to." buong tapang na sagot ko.

Paano ko nasabi? Unadahil kung empleyado siya dito kilala niya ako. Pangalawa alam niya kung saandapat siya lulugar. Pangatlo wala siyang suot na company ID. Kaya sure ako asin sure na sure na hindi ito empleyado dito.

BEGINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon