Chapter 7

155 3 1
                                    

 "Aray ko naman! Makasigaw naman sis. Ano gulat na gulat ang peg?" natatawang sabi ni Bianca.

"Paano? Nagkaboyfriend ako ng di ko alam? Nagpapatawa ka ba? Okay ka lang?"

"Ha? Hindi mo alam? Ang sabi ni Maine samin boyfriend mo daw si Sol?" nagtatakang tanong ni Bianca.

"Ha? Si Maine nagsabi?"

"Oo. Bat hindi mo ba boyfriend si Sol?"

"No. Hindi. Never."

"Sige na, umalis kana sa opisina ko at marami pa kong gagawin." sabi ni Bianca at bumalik na sa kanyang ginagawa.

Umalis na ako at bumalik sa opisina ko. Umupo ako habang nagtataka sa sinabi ni Bianca kanina. Kay Maine nanggaling na boyfriend ko si Sol? Bakit kaya niya sinabi yon? Isa pa anong relasyon ni Maine kay Sol? Hindi ko pa rin nakakalimutan na nasa office ni Maine si Sol. Hays! Ang dami ko nang iniisip dumagdag pa ito.

Bumalik na ako sa trabaho para makauwi ng maaga. Natapos na ako sa trabaho ko ngayong araw at dali daling lumabas ng opisina. Nagpaalam na rin pala ko sakanila.

Pumunta na ako ng parlor para magpalinis ng kamay at paa. Wala akong pasok bukas sa trabaho. Hindi lang yon dahil may date ako bukas! Yes. Ako ay lalandi kaya todo paayos ang lola niyo ngayon. Hahaha.

"Mamsh anong magandang kulay ng cutics para bukas?" sabi ko sa aking fairy god mother kuno. Hahaha charot. Close friend ko si Dave sa umaga at Divina sa gabi.

"Bakit anong meron bukas?"

"May date ako mamsh!" masayang sabi ko.

"At kanino naman? Sinong lalakeng yan ha? Siya pa rin ba?"

"Yes. Si Chad pa rin."

"Ikaw na! Kelan naman magiging kayo?"

"Di pa niya ko tinatanong pero yes naman agad pag nagkataon!"

"Ano ba kulay ng suot mo bukas? Itong color red bago. Bagay to sayo nak."

"Hindi ko pa alam susuotin ko pero sige itong color red na lang." masayang tugon ko.

"Okay nak. Relax ka muna jan." sabi nito at umalis para kausapin yung ibang customer. Nanahimik naman ako nagpahinga na lang.

Ilang saglit lang ay natapos na rin ang pagpapalinis ko ng kuko. Ngiting umalis na ako sa parlor at umuwi na sa bahay ko.

Nakauwi na ako at dumiretso sa kwarto para maghanap ng magandang damit na isusuot ko para bukas. Sa totoo lang excited akong Makita si Chad. College pa lang ako at talagang crush ko na siya. Malapit na magkaibigan kami ni Chad. After college nag ibang bansa na si Chad pero dalawang beses sa isang taon dumadalaw si Chad dito sa Pilipinas para sakin. Oo para sakin dahil lagi kaming lumalabas sa tuwing nandito siya. Dahil don lalo kong nagustuhan si Chad. Hindi lang yon dahil sa tingin ko rin gusto na ako ni Chad. Hays! Sana tanungin na ako ni Chad kung gusto ko siyang maging boyfriend bukas! Excited na kasi kong ipakilala siya sa angkan ko. Hihihi.

Pagkatapos kong makapili ng damit ay kumain na ako ng cup noodles sumunod naman ay pumasok na ako sa kwarto ko para matulog.

"Good morning self!" sabi ko sa sarili ko pagkabukas ng mata ko. Excited na bumangon ako sa kama at naligo. Pagkatapos ay pumunta na ako sa park para magjogging. Dalawang beses sa isang buwan ako nageexercise dahil sa sobrang busy ko. Nakarating na ko sa park at nagsimula nang mag warm up. Maganda ang sikat ng araw ngayong umaga at malamig pa ang hangin kaya masarap talagang mag exercise. Pagkatapos magbanat ng buto ay nagsimula na rin akong magjogging.

Napahinto ako sa pagtakbo ng makitang biglang bumagsak yung isang babae sa di kalayuan. Napatingin ako sa paligid ko. Walang ibang tao bukod sa sarili ko. Wala na akong nagawa kaya nilapitan ko na.

"Miss! Miss! Okay ka lang?" nagaalalang sabi ko at inalalayan siyang makatayo ngunit nabigo kaming pareho kaya nagsisigaw na agad ako ng tulong. Maputla na ang itsura ng babae at pawis na pawis na rin siya katulad ko. Mas lalo akong nataranta nang nakitang mas lalong nanghihina si ate. Mas nilakasan ko pa ang sigaw ko hanggang sa may biglang lalaking lumapit at agad na chineck ang kalagayan ng babae. Kasunod nito ay agad na binigyan niya ng first aid si ate girl. Nakatulala pa rin ako sa lalaking nasa harap ko. Nabuhay nanaman ang lalaking ito. Si Sol...

"Tumawag ka na ba ng ambulansiya?" sabi nito para mabalik ako sa realidad.

"Ha? H-Hindi pa..."

"What the? Tumawag kana!" sigaw ni Sol sakin.

"Tumawag na ako. No worries." biglang sabat ng isang lalaki na nasa likod ko. Yumuko na lang ako at nagpasalamat sakanya.

Medyo okay na si ate girl ngayon kumpara kanina pero hinihintay pa rin namin yung ambulansiya para masiguradong okay na siya. Ilang saglit pa ay dumating na ito yung dalawang lalake inaasikaso si ate girl kasama ng isang babae. May isang babae naman na kausap si Sol at tinatanong kung ano nangyari at kalagayan ni ate girl kanina. Ewan hindi ko alam yung mga ganyang bagay. Nagulat naman ako ng biglang hatakin ni Sol ang kamay ko at sumakay kami pareho sa ambulansiya.

"Oh bakit kasama ako?"

"Ikaw unang nakakita sakanya kaya dapat kasama ka."

"Eh wala naman akong nagawa para sakanya."

"Alam ko." malamig na sabi nito. Yumuko na lang ako at hinintay na makarating sa malapit na ospital.

Nang makarating na kami agad naman dinala si ate girl sa emergency room. Naiwan naman kaming dalawa ni Sol sa labas nito. Ilang saglit lang ay dumating na ang nurse at sinabing okay na ang pasyente at ililipat na ito sa isang kwarto. Kinausap rin pala kami kanina tungkol sa nangyari at kino-contact na rin nila ang kamag anak ng pasyente. Pansamantalang naiwan naman kami ni Sol dito sa labas ng kwarto ni ate girl habang wala pang dumadating na kamaganak ito.

"Hays. Buti na lang okay na siya. Thanks God!" masayang sabi ko.

"Tsk. Wala ka naman ginawa bukod sa magsisigaw."

"Wala akong ginawa kasi hindi ko alam kung anong gagawin ko. Natakot ako. Wala rin akong alam sa mga ganitong bagay. Hindi ko naman kasi sineryoso nung ituro ito samin nung hs at college ako." malungkot na sabi ko.

Magsasalita pa sana si Sol nang biglang dumating na ang nanay ni ate girl kasama ng isang nurse.

"Anak! Sunshine! Asan na ang anak ko?" naiiyak na tanong ng nanay ni ate girl.

"Nagpapahinga na po siya sa loob kaya wag na po kayong magalala." nakangiting sagot ni Sol.

"Ganun ba iho? Naku maraming salamat. Maraming salamat sainyong dalawa. Hindi ko na alam kung anong mangyayari sakin kapag may mangyaring masama sa anak kong si Sunshine. Pasensiya na sa abala." emosyonal na sabi nito.

"Wala pong anuman. Mauuna na po kami." sabi ni Sol. Tumango naman yung nanay ni ate girl at muling nagpasalamat samin. Nagpaalam na kami at tahimik na umalis sa ospital.

BEGINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon