Chapter 8

134 3 1
                                    

Naglalakad na kami palabas ng ospital. Hindi ko alam kung magpapasalamat ako kay Sol dahil sa pagtulong niya sakin nakaraan. Gusto ko talagang magpasalamat ngunit nahihiya ako makipagusap. Hays bahala na nga.

"Ah Sol... maraming salamat pala sa tulong mo nakaraan. Hindi ko nadala yung damit... Kung ayos lang... Ah ano ba address mo at ipapadala ko na lang yung damit." mahinang sabi ko.

"Wala yun. Wag mo na isipin yun. Mauna na ako." malamig na sabi nito at tuluyan nang umalis.

Napangiti na lang ako at umalis na rin. Ang importante nakapagpasalamat na rin ako. Ilang saglit pa ay nakarating na rin ako sa bahay at naupo sa sofa. Nilabas ko naman ang mga pagkain na binili ko kanina at nagsimulang kumain ng palabok at chicken habang nanunuod.

"Magpinsan kayo?" sabi ng babaeng bida sa pinapanuod ko. Akala kasi ng babaeng bida ay nililigawan ni lalaking bida yung kaibigan ng babae yun pala ay magpinsan.

Mga palabas talaga kakaloka... kakaloka talaga. Sol... Sol Thomson... shet! Bigla akong natauhan ng maisip kong maaaring mag pinsan si Sol at Maine. Naalala ko nung nakausap ko si Mr. Thomson... Si Mr. Thomson ay tito ni Maine. Si Sol ay nasa office nakaraan ni Maine. Tatay kaya ni Sol si Mr. Thomson? Omg. May sense diba? I'm so proud of you Nyx. Naisip mo rin yan. Sabi ko sa sarili ko.

Mag iisip pa sana ako kay Sol kaya lang naisip ko na bakit ko siya kailangan isipin. Parang tanga lang. Napaiiling na tumayo na ako sa pagkakaupo at naghanda na lang ako para sa date namin ni Chad. Ilang oras na lang at magkikita na kami. Naligo na ako at nagayos. Nagsuot ako ng simpleng white dress. Manunuod pala kami ng musical theatre mamaya. Pangarap talaga ni Chad maging sikat na singer ayaw lang ng magulang niya kaya hindi tinulay ni Chad yung pangarap niya. Maglalagay na ko ng hikaw ng biglang magtext si Chad na malapit na siya. Napangiti ako at nagpabango pagkatapos ay nagsuot na ng sapatos. Sakto naman na bumusina na ang sasakyan ni Chad sa labas ng bahay ko kaya agad na kinuha ko na ang bag ko at lumabas na ng bahay.

"You look beautiful buddy." nakangiting sabi ni Chad pagkapasok ko sa kotse.

"Lagi mo naman sinasabi sakin yan e. Ano kamusta kana?" nakangiting sagot ko.

"Pogi pa rin. May surprise ako sayo mamaya. For sure matutuwa ka." nakangiting sabi nito at pinaandar na yung kotse.

"Okay." sabi ko para kunwari hindi halatang excited. Aamin na kaya si Chad sa feelings niya sakin? Eto na ba talaga 'to? Say yes na ba? Anong sasabihin ko? Oo Chad sinasagot na kita. Ay ang panget. Yes girlfriend mo na ko Chad. Ano ba Nyx natotorete ka na jan. Umayos ka na nga. Sabi ko sa sarili ko.

"Nyx?" sabi ni Chad para mabalik ako sa realidad.

"Ha? A-Ano yun?"

"Okay ka lang ba? Kanina pa ako nagsasalita hindi ka sumasagot sa mga sinabi ko." nagtatakang tanong nito habang nagmamaneho.

"Ah may iniisip lang ako. Ano ba yun?"

"Ano ba iniisip mo? trabaho?" tanong ni Chad.

"Ah oo hehe."

"Makakalimutan mo trabaho mo kapag nanuod na tayo. Maganda papanuorin natin ngayon. VIP ticket pa kinuha ko. Saan mo pala gustong kumain pagkatapos?" masayang sabi nito.

"Bakit libre mo? Kahit saan na lang. Hanep! Big time kana ngayon ha." pangaasar ko.

"Sakto lang... Nandito na tayo." masayang sabi ni Chad. Lumabas na agad siya sa kotse para pagbuksan ako ng pinto. Pagkapasok namin sa lobby ay agad na bumungad samin ang mga dating kaibigan ni Chad nung college kami. Kakilala ko sila dahil sila yung mga kasama ni Chad sa musical theatre. Mga kasamahan ni Chad sa theatre club. Nagkamustahan naman kami at nagyakapan. Ilang saglit lang ay naghintay muna kami habang nakaupo sa gilid.

"Babe!" nakangiting sigaw ng isang babaeng palapit sa pwesto namin ni Chad. Nagulat naman ako ng biglang tumayo si Chad at sinalubong ng yakap pagkatapos ay hinalikan niya pa sa noo.

"Kanina pa kita hinihintay. Btw, babe si Nyx nga pala my bestfriend. Do you remember her?" nakangiting pagpapakilala ni Chad. Nakatulala pa rin ako sakanilang dalawa... Babe?

"Hello Nyx. Kamusta kana? Oo naman naaalala ko pa si Nyx." nakangiting sabi ni Andrea pagkatapos ay bineso niya pa ako. Napatingin naman ako kay Chad na nagtataka.

"Oo Nyx. Tama ka ng iniisip. Girlfriend ko na si Andrea." nakangiting sabi ni Chad.

Magsasalita pa sana ako ng biglang nagannounce na magsisimula na ang palabas. Umayos na kami at pumila na papasok sa loob.

"Okay ba buddy?" bulong ni Chad na nakangiti.

"Oo. Nagulat ako kayo na pala. Kwento mo sakin mamaya yan ha." sabi ko.

Naupo na kami at naghintay na lang magsimula. Nasa gitna namin nakaupo si Andrea habang naghihintay ay nahagip ng mata ko na naghawak ng kamay si Chad at si Andrea. Hindi ko na lang pinansin at nanahimik na lang.

Nagsimula na ang palabas ngunit ang aking puso at isipan ay wala sa palabas. Napaka sakit ng puso ko ngayon. Ang buong akala ko ay magiging kami na ni Chad sa araw na to. Ang tagal kong hinintay si Chad para maging boyfriend pero hindi pala. Si Andrea pa rin pala talaga ang mahal niya. Ang sakit ng puso ko dahil kelan man ay hindi talaga ko mananalo kay Andrea pagdating sa puso ni Chad. Ang sakit isipin na ako yung taong nandiyan para kay Chad pagkatapos sa huli ay si Andrea pa rin pala talaga.

Natapos na ang palabas ngunit nanatili pa rin akong tahimik. Hindi pa kami lumalabas dahil magpipicture pa ang batch nila Chad sa theatre club. Wala rin ako sa mood ngayon. Masyadong masama ang loob ko.

"Chad punta lang ako sa cr saglit. Sa lobby ko na lang kayo hintayin." paalam ko sakanila ni Andrea.

Pumayag naman sila at pumunta na kong cr. Paglabas ko ng cr ay agad ko naman nakita ang nakatayong si Andrea sa harap ng salamin kasabay non ang biglang pagdilim ng paningin ko.

"Nyx? Nyx? Wake up Nyx." huling salita na narinig ko.

BEGINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon