Chapter 6

218 3 1
                                    

Nagising naman si Sol sa sigaw ko at nagaalalang tinignan ako na anong-nangyari-sayo-look.

"Bakit tayo nandito sa opisina ng may ari ng company na ito?" sabi ko habang nakatingin sa table tent card name.

Ang tanga mo talaga Nyx. Kanina ka pa nagtitingin ng mga naka display at ngayon mo lang naisip na nasa opisina kana pala ng may ari. Tanga ka at mawawalan ka ng trabaho sa ginagawa mo. Huhuhu.

"Ano naman?" kalmadong sagot nito at kinusot kusot pa ang mata.

"Baka mawalan ako ng trabaho. Hay nako halika na nga at lumabas na tayo rito!" kabadong sabi ko at hinatak ko na siya papalabas ng opisina.

Dahan dahan naman akong naglakad at maingat na sumakay ng elevator kasama si Sol. Buti na lang at walang tao sa floor na iyon. Dahil kung hindi baka mapagkamalan pa kaming magnanakaw. Ano na lang ang mukhang ihaharap ko kapag nangyari yun. Nagbukas na ang elevator at bumungad saamin ang maraming tao. Nakita ko na sila Axel kaya agad na lumapit na ako sakanila at iniwan ko na si Sol.

Gulat na gulat ang itsura nilang tatlo (Axel, Shinna at TJ) samantalang si Maine naman ay binigyan ako ng bakit-magkasama-kayo-ni-Sol-look.

"Ah. Eh. Okay lang ba kayo? Ikaw Maine bakit ka nandito?" tanong ko.

"Tinawagan ako ni Shinna nung nagkaroon ng gulo kaya napapunta agad ako dito. Ikaw? Okay ka lang ba Nyx? Bakit nag iba ang damit mo?" nagaalalang tanong ni Maine.

Sasabihin ko ba na kay Sol itong damit?

"Ah. Eh. Oo ayos lang ako. Wag kang magalala saakin. Ah. Eh. Nadumihan damit ko kanina kaya nagpalit ako." pagsisinungaling ko.

Magsasalita pa sana si Maine kaya lang pinapasok na kami sa isang malaking kwarto. Pumasok na kami at naupo. Nanatili naman akong tahimik habang naghihintay na magsimula. Biglang pumasok sa isip ko si Sol. Asan na pala ang isang yun? Napabuntong hininga naman ako at agad na inalis si Sol sa isipan ko. Malaki na siya at bahala na siya sa buhay niya. Di man lang ako nakapagpasalamat sakanya kanina. Hay nako Nyx sinabi nang tumigil kana. Napabuntong hininga na lang ulit ako. Sa totoo lang hindi pa rin ako mapakali sa mga naiisip ko. Ang daming gumugulo sa isip ko.

"Nyx okay ka lang ba talaga?" sabi ni Maine dahilan para mabalik ako sa katinuan.

"Ha? Ano? Bakit?" sabi ko ng makitang nakatayo na silang apat samantalang papalabas na ang iba.

"Hindi ka ba nakikinig? Next week na daw ang meeting dahil sa nangyari kanina." sambit ni Shinna.

"Ah ganun ba? Hehehe." sagot ko.

"Oo kaya halika na at tumayo kana jan. Baka magkaroon nanaman ng kung ano dito." sabi ni Shinna at hinila na ako patayo.

Umalis na kami at papunta na pabalik ng office. Hindi ko na rin nakita si Sol kahit nung lumabas kami. Hinanap niya pa kaya ako? Napabuntong hininga na lang ako at nakatulog sa sasakyan.

"Nyx dito na tayo." pagtatapik ni Shinna sa tabi ko.

Nagising na ako at lumabas na kami ng sasakyan. Tahimik na pumunta ako sa opisina ko dahil medyo masakit ang ulo ko. Ilang saglit lang ay binuksan ko na ang computer at nagsimula nang magtrabaho ulit hanggang sa matapos na ang trabaho. Mas lumala ang sakit ng ulo ko. Kaya nagtaxi na lang ako pauwi sa bahay ko. Nakauwi na ako at dumiretso higa na sa kama ko. Bigla naman nagring ang cellphone ko. Si mama tumatawag.

"Hello ma."

"Hello nak. Kamusta ka na jan?"

"Okay lang naman po ako. Kauuwi ko lang ho galing sa trabaho. Kayo po?"

"Si Junior kasi..."

"Bakit ho? Ano po nangyari kay Junior?"

"Dinampot ng mga pulis. Nak di ko na alam gagawin ko."

"Po? Bakit daw po? Ano daw po problema?"

"Mahabang paliwanag anak. Nagpatulong kami sa pinsan mo. Si kuya Ivan mo. Natatandaan mo pa ba yun? Buti na lang at pulis na siya ngayon."

"Opo ma natatandaan ko ho si kuya Ivan."

"Nak baka pwedeng magpadala ka naman ng pera. Naubos kasi pera namin ng papa mo dahil kay Junior."

"Sige po ma. Magpapadala po ako bukas."

"Salamat talaga anak ha. Sige na. Mag iingat ka lagi jan ha."

"Opo ma. Kayo rin ho mag ingat po kayo lagi ni papa jan. Pakisabi kay Junior makukutusan ko siya paguwi ko jan kapag nagpasaway pa."

"Sige nak. I love you nak. Babye."

"I love you too ma. Ingat po lagi. Babye po." sabi ko at binaba na ang tawag.

Hays grabe talaga! Mas lalo atang sumakit ang ulo ko ng dahil sa kapatid kong pasaway. Umayos na ako ng higa at natulog.

Nagising akong masakit ang tyan dahil sa gutom. Bumangon na ako at agad nagluto ng itlog at hotdog. Kumain na ako pagkatapos ay naglinis ng kusina. Iinom pa sana ako ng gamot kaya lang di na masakit ang ulo ko kaya di na lang ako uminom. Ginawa ko na ang morning routine ko at umalis na para pumasok ng trabaho.

Nasa daan na ako ng maalala kong tumawag si mama kagabi at nanghihingi ng tulong. Kaya dumaan ako sa banko para mag deposit ng pera sa banko ni mama. Kapapadala ko lang halos nakaraang linggo at kalilipat ko lng ng bahay halos nakaraang linggo lang rin at ang dami ko na agad gastos. Mukhang mapapa commute ako neto ng wala sa oras ha. Nakupo!

Pumasok na ako sa trabaho at agad na inayos ang mga files ni Ana. Ngayon ko pa lang gagawin at bakit medyo magulo ito? Ana ka talaga! Napailing na lang ako at sinimulan nang ayusin para matapos agad.

"Bianca eto na lahat ng files ni Ana at inayos ko na rin yan. Inayos ko na rin yung trabaho ko jan tas mas marami akong iniwan na gagawin mo hehehe." nakangiting sabi ko habang nakaupo sa harap ng lamesa ni Bianca. Maaga akong natapos sa trabaho ko ngayon kaya nagkaroon ako ng time para magharot dito sa opisina ni Bianca. Hahaha.

"Thank you Nyx." malungkot na sabi nito.

"Napano ka? away kayo ng jowa mo?"

"Hindi. Bakit? Hah! Siya nga pala. Ikaw ha hindi ka nagsasabi. Boyfriend mo na pala si Sol?" mabilis na pagbabago ng mood nito.

"Ha? Sinong Sol?"

"Si Sol. Yung lalakeng kasama mo sa elevator nakaraan araw lang po iyon. Ano po?" sarkastikong sabi nito.

"HAAAAAAA?" gulat na gulat na sabi ko.

Anak ng!!! Seryoso ba 'to siz? Okay ba tayo jan? Joke time?




A/N: Maraming salamat sa cover Ms. Kring Dumalag! God Bless! <3

BEGINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon