Chapter 5

264 4 2
                                    

Mahigit isang linggo na ang nakararaan ng huling makita ko si Sol. Sa totoo lang hanggang ngayon nababahala pa rin ako. Hindi man lang ako nakapagpakilala ng maayos at marami pa rin akong tanong sa isip ko. Pero ang pinaka bumabagabag sa isip ko ay kung anong relasyon ni Maine kay Sol? Kung bakit nasa office ito ni Maine nung nakaraang araw lang? At sa tagal ko nang kilala si Maine hindi niya man lang nabanggit saakin ang tungkol kay Sol. Isa pa, hindi si Sol ang tipuan ni Maine. Ayaw ko rin naman itanong kay Maine dahil abala rin ito sa trabaho.

"Nyx pasend naman sakin lahat ng files na related sa event ni Mr.Ariel next week na kasi yun. Nung kay Ana pa yan. Pinafollow up lang kanina. Makisuyo lang. Salamat." sabi ni Bianca sakin dahilan para mabalik ako sa realidad at mawala sa iniisip ko.

"Ha? Sige magrerequest ako ng files ni Ana. Kelan mo ba kailangan? May inaasikaso pa rin kasi ako." tugon ko naman.

"Before Wednesday sana kung okay lang?" sabi naman ni Bianca.

"Ah sige bukas ko na lang ibibigay. After lunch." sabi ko naman.

"Salamat Nyx. Mauna na ko may meeting pa ko eh." sabi naman ni Bianca at umalis na.

Bumalik na rin ako sa ginagawa kong proposal. Kailangan na kasi bukas at kailangan kong tapusin ngayon para malaman ko kung maaprobahan ba.

"Sis!!!! Tara sabay na tayo kumain." sabi ni Shinna na nasa gilid ko na pala. Tumango naman ako at kinuha ko yung wallet ko. Sumakay na kami sa elevator pagkatapos kumain na kami sa 1st floor ang canteen ng companya.

Kumain kami ng beefsteak at ng salad. Natapos na kaming kumain at muling bumalik na sa trabaho.

"Yes!! Finally tapos ka na rin na proposal ka!" sabi ko pagkatapos kong i-send kay Maine at nagayos na rin ako ng gamit. May meeting pa kong pupuntahan pero dadaan pa ko kay Maine para ibigay itong papeles at mapirmahan na kung sakaling naaprobahan.

Pumunta na ako sa office ni Maine. Pagkapasok ko ay nakita ko agad na kumakain si Maine.

"Kanina pa lunch ha? bat ngayon ka lang kumakain?" tanong ko naman.

"Katatapos lang ng meeting ko sa VIP client kaya ngayon lang ako nakakain. Bakit ka nandito?" sabi naman ni Maine.

"Tapos ko na gawin itong proposal. Pirma atsaka apporve mo na lang kailangan." sabi ko at inilapag sa table niya.

"Sige salamat Nyx. Alis ka na agad?" sabi ni Maine.

"Oo. May meeting kami kasama ko sila Axel pero magkikita kita na lang kami don. Mauna na ko Maine ha?" sabi ko at bumeso na kay Maine na paraan ng pamamaalam ko para umalis.

Nakarating na ako sa kumpanya ng kliyente namin. Naglalakad na ako papunta sa meeting ng biglang makita ko ang papalapit na si Sol papunta sa direksyon ko. Naka formal attire at nakasuot ng pulang neck tie si Sol na bumagay naman sa kagwapuhan nito.

"Bakit ka nandito?" seryosong tanong nito na kasalukuyan na nasa harapan ko na ngayon.

"Bakit? Bawal ba ako dito? Ikaw? Anong gimik yan? Hanep!!! Mukha kang yayamanin sa suot mo." masayang tugon ko. Trulalo naman kasi talaga parang nakaraan lang mukha siyang gangster tas ngayon para na siyang si Christian Grey ng fifty shades. Charot. Hahaha.

Magsasalita na sana siya ng biglang nagsigawan yung mga tao sa gilid. Dali dali naman tumakbo si Sol at agad na tinignan yung lalaking nakahandusay sa lapag ngayon. Dahil na rin sa pagiging chismosa ko kaya lumapit na rin ako para tignan kung anong nangyari. Para akong nanigas sa kinatatayuan ko ng makitang puno ng sariling dugo yung lalaking nakahiga sa sahig. Kasunod non ay ang biglaang pagdilim ng buong paligid sa lugar dahilan upang magkaroon ng sigawan at banggaan sa loob. Agad naman bumilis ang tibok ng puso ko. Ano nanaman ito?

"Nyx!!! Nyx!!! Nasaan ka?" narinig kong sigaw ni Sol.

"S-Sol..." sabi ko habang papaiyak na sa takot at dahil na rin sa dami ng nakabangga kong tao.

"NYX!!!!" narinig kong sigaw ni Sol.

"SOL!!! NASA GILID AKO!" sigaw ko naman.

Ilang saglit lang naramdaman ko na ang matipunong katawan ni Sol. Alam ko rin ang amoy ng pabango niya kaya sigurado ako na si Sol ito.

"Okay ka lang?" bulong nito. Tumango naman ako bilang sagot.

Umakbay naman si Sol sa balikat ko. Ramdam na ramdam ko ang malamig na kamay nito habang ipinulupot ko naman ang kamay ko sa bewang niya. Dinig na dinig ko ang mabilis na pagtibok ng puso nito.

May pinasukan kami na isang maliit na kwarto kung saan hagdan ang bumungad samin. Dali dali naman akong hinatak ni Sol papanik at pumasok kami sa loob ng isang kwarto. Hindi ako pamilyar sa lugar na 'to pero sa tingin ko naman alam na alam ni Sol ang building na 'to. Dahil siya ang nagbukas ng emergency light ng silid kasunod non agad naman itong tumakbo papasok ng cr.

Napabuntong hininga na lang ako at umupo sa gilid habang hinihintay si Sol. Pero ilang minuto na ang nakakaraan wala pa rin si Sol.

Ahhhh... baka kinabahan sa nangyari kanina kaya ang tagal sa cr. Atat ka naman Nyx eh. Ayyy!!! Baka naman nagising ko ata yung alaga dahil sobrang lapit namin kanina? gaga!! Umayos ka nga Nyx sabi ng utak ko.

Napailing-iling naman ako dahil sa naisip ko. Myghaddd!!! Kakahiya! Wag niyo ako tularan.

"Magpalit ka na ng damit. Nalagyan ko ng dugo yung damit mo dahil binigyan ko ng first aid yung lalaki kanina." sabi nito dahilan para mabalik ako sa realidad ng mundo.

"H-Ha? s-sige s-salamat." sabi ko at kinuha na yung damit na puti at tuwalya sa kamay nito. Dali dali naman akong pumunta papasok ng banyo. Napatingin ako sa kamay ko. Shocks!!! May dugo nga at pati na rin ang damit ko. Ohh no!!! Magandang klase pa man din ng tela itong suot ko at mahirap labhan kapag namantsahan. Huhuhu. Kung mamalasin ka nga naman.

Naghilamos na ako ng mukha pati na rin naglinis ng kamay. Nagpalit na rin ako ng puting damit na bigay ni Sol. Medyo malaki ito kaya tinack-in ko na lang. Tahimik na lumabas ako ng banyo at naabutan ko naman si Sol na nakaupo sa swivel chair katapat ng malaking lamesa na puno ng papeles. Nakapikit ito at mukhang nagpapahinga.

Lumapit ako ng kauti at tinignan ang gwapong mukha nito. Napansin ko na nagpalit na pala ito ng polong puti. Nilibot ko na lang ang mata ko habang nagpapahinga si Sol at agad ko naman nilapitan ang nakaagaw sa atensyon ko.

Helios Thomson, Owner of the Company, 25 years old at etchetera etchetera at mga iba't-ibang awards o gawad parangal na mga nakalagay sa picture frames.

Wow! Ang talino naman pala ni Helios Thomson ang may ari ng kompanya at siya rin ay isa sa mga VIP client ng company namin. Kaya rin ako nandito dahil may meeting kami kasama siya. Infairness naman at kasing edad ko lang. Ano kaya itsura? Wala naman kasi akong nakita na litratong nakalagay o kung meron man ay hindi ko nakita. Makikita ko rin naman siya mamaya sa meeting.

Maya maya lang ay napagod na akong magtitingin sa mga naka display. Lumapit na lang ulit ako sa natutulog na mukhang maamo na si Sol. Ilang saglit lang ay biglang bumukas na ang mga ilaw at nabalik na ang kuryente. Kasunod non ay napatingin naman ako sa pangalan na nakalagay sa lamesa Helios Thomson. Helios Thomson.. Helios Thomson...

"WAAAAHHHHH!!!!!" sigaw ko.

BEGINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon