Chapter 4

278 5 2
                                    

Dahil sa pagiging echosera ko hinawi ko ng kaunti ang jacket na tinaklob ni Sol saakin at nakita kong kausap niya ngayon yung isang lalaking nasa convenience store rin kanina yung humarang sa lalaking kahera. Nagtaka nanaman ako pero tahimik na nakinig ako sa usapan nila.

"Anong ginawa mo sakanya Sol?" sabi nung lalaki. Hindi ko masyadong maaninag yung mukha dahil bukod sa nakamask ito tanging liwanag lang mula sa poste ang ilaw rito kung kaya't malabo talaga na maaninag ko ng maliwanag ang mukha nito.

"Ako na bahala rito." kalmadong sagot naman ni Sol habang nanlaki naman ang mga mata ko dahil sa narinig ko. Tama ba pagkakarinig ko? myghaddd!!! Sindikato kaya si Sol? Papatayin niya ba ko?

"Sige mauna na kami." sabi naman nung lalaki tapos may binigay kay Sol na telang itim. Nakita ko naman na may marka sa kamay iyong lalaki. Hindi lang ako sigurado kung ano ang ibig sabihin non. Pagkatapos ay harurut na pinaandar na yung sasakyan at umalis.

"Saan ang bahay mo? Ihahatid na kita." sabi nito at itinaas na muli ang bintana ng kotse ko. Padabog ko naman na ibinato sakanya yung jacket niyang mabango.

"Hindi pa ako tapos magtanong! Ano ka ba talaga ha? Sino ka ba ha? Anong kinalaman mo sa mga lalaking yon? Anong ginagawa mo sa convenience store sa gantong klaseng oras? bakit? at anong dahilan bukod sa pananakot mo sa kahera? ohh!!! Don't tell me. Hindi ka lang gangster at magnanakaw? S-Sindikato k-ka p-pa?" kinakabahan na tugon ko. Napabuntong hininga naman ulit si Sol.

"Ikaw? Anong ginagawa mo sa labas ng ganitong oras ng gabi? Magma-madaling araw na? normal ba na gawain ng isang babae iyon?" tugon nito.

"Hindi mo nanaman sinagot yung tanong ko. Naroon ako para bumili ng cup noodles!" sabi ko at tinapat sa mukha niya yung hawak ko pang cup noodles na hindi ko nabayaran. Napalaki naman bigla yung mata ko. Ohmyghaddd!!!

"Oh? binili mo ba? ikaw ata ang magnanakaw saating dalawa?" ngiting tagumpay na tugon nito.

"Ikaw puñeta ka talaga! Hindi ko naman ninakaw yung cup noodles. Iniutang ko lang at babayaran ko rin mamaya!" sigaw ko dahil sa inis. Binato ko na rin yung cup noodles sakanya. Pagkatapos kinuha ko rin. Aba'y kakainin ko pa rin yan at gutom ako ano. Sorry cup noodles! Nadamay ka pa sa inis ko. Sorry! Sorry! Sorry!

"Pikon mo masyado. Saan ka ba nakatira? Kapag ikaw hindi mo sinabi iuuwi na kita." seryosong sabi nito.

"Sa Anakda Village." sagot ko naman. Ngumiti naman ito.

"Lagpas na pala tayo." sabi nito at sinumulan nang paandarin pabalik yung sasakyan.

Nanahimik na lang ako buong byahe. Ganon rin naman siya. Isa pa hindi naman kami close at wala akong balak maging malapit sa lalaking ito.

"Nandito na tayo sa village niyo. Anong street ba?" sabi nito.

"Diretso lang tapos kaliwa ka sa pangalawang kanto... tapos kanan ka... tapos diretso lang ulit hanggang sa pangatlong kanto... tapos kaliwa ka na jan tas diretso ka ulit... ayun yung green na gate yun yung bahay ko." sabi ko at bumaba na ng kotse. Bumaba na rin si Sol pagkatapos tinignan niya yung labas ng bahay ko na parang sinusuri niya ito.

"Bakit? may problema ba sa bahay ko?" kunot noong tanong ko.

"Ah wala naman. Maliit lang pala." sabi nito.

"Hindi ko naman kailangan ng malaking bahay. Ako lang naman magisa. Ikaw? Di ka pa uuwi?" sabi ko naman.

"Aaahhh a-ang g-ganda mo?" biglang sabi nito. Tinaasan ko naman siya ng kilay. Ang weirdo naman nitong lalaking 'to. Hindi kaya nakashabu 'to? High na high ata eh.

"Alam ko naman na maganda ako. Wala kang balak umuwi?" tugon ko.

"Ahhh may dumi ka malapit sa tenga." sabi nito at inilapit niya yung kamay niya sa mukha ko para tanggalin yung dumi malapit sa tenga ko.

"Okay? Ano? Wala ka pa rin balak umuwi?" sabi ko ulit. Parang tongaks na kasi.

"Ah lagi mo bang suot yung hikaw mo?" tanong nito. Nagsalubong naman yung kilay ko.

"Oo, Bakit gusto mo?" sabi ko at akmang tatanggalin ko na sana kaya lang pinigilan niya ako.

"Pwede bang maki-ihi sa bahay mo? Ihing ihi na kasi ako." sabi nito at umaktong naiihi. Napabuntong hininga na lang ako at pinasunod na siyang pumasok sa bahay ko.

"Naiihi ka lang pala binola-bola mo pa ako." sabi ko at tinuro ko naman na sakanya yung cr pagkatapos nagpakulo na ako ng mainit na tubig para makain yung cup noodles na binili ko este inutang ko. Lumabas na rin si Sol pagtapos umihi.

"Mauna na ko. Salamat Nyx." sabi nito. Tumango naman ako at hinatid ko na siya papalabas ng bahay.

"Ahm. Sol. May trycicle jan sa kanto. Mag trycicle ka na papalabas ng village." sabi ko. Tumango naman siya at naglakad nang papalayo. Pumasok na ulit ako at inilock na ang pinto.

Tinignan ko yung oras 2:52 am na pala. Pinatay ko na yung pinakuluan kong tubig at kumain na ng cup noodles. Natapos na akong kumain at humiga na ulit ako sa kwarto ko. Ilang saglit lang dinilat ko na lang ulit yung mga mata ko. Hindi na ako makatulog. Bumangon ako at kinuha ko na lang yung laptop ko binuksan ko yun pagkatapos nagsearch ako ng mga tattoo. Kanina ko pa kasi iniisip yung tattoo sa kamay nung lalaki kanina. Sobrang nacucurious lang talaga ako parang may kung ano ang ibig sabihin non.

Inabot na ako ng ilang oras kakasearch pero wala pa rin akong nakikitang tattoo na kagaya non. Dahil na rin sa tinamad na ako magsearch nanood na lang ako ng movies. Hachi, Titanic at Miracle cell in no. 7 yung title ng movies na pinanuod ko. Sa katunayan nga ay ilang beses ko nang napanuod yang mga movie na yan pero hanggang ngayon naiiyak pa rin ako.

6:20am natapos ako manuod at kumilos na rin ako para pumasok sa trabaho. Ginawa ko na yung morning routine ko. Nagbanat ng buto, naligo, nagbihis, nagmake up, kumain, at pumasok na ng trabaho.

Pero ngayong araw na 'to pumasok akong maga ang dalawang mata dahil sa iniyak ko. Bat ba kasi mga nakakaiyak na movies pa ang mga napagtripan kong panoorin!!! Sa susunod mga horror movies naman ang imo-movie marathon ko!!!

BEGINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon