Chapter 9

77 2 0
                                    

"Hindi ko alam kung masama pakiramdam niya pero bigla na lang siyang bumagsak kanina sa cr." narinig kong sabi ni Andrea.

Napabangon naman ako bigla at agad na umupo. Tinignan ko ang paligid at mukhang nasa clinic ako. Sa harap ko ay ang nagaalalang mukha ni Andrea kausap ang isang lalaking naka suot na damit pang doctor.

"Nyx? Kamusta na ang pakiramdam mo?" nagaalalang sabi ni Andrea ng mapansin na bumangon na ako.

"Okay ka na ba?" nakangiting sabi ng doctor sa harap ko. Napakunot naman bigla ang noo ko dahil pamilyar ang mukha nito.

"Ah okay lang ako." sabi ko pagkatapos kong maalala kung saan ko nakita ang mukha ng gwapong doctor na ito. Siya yung lalaking tumawag ng emergency kanina sa park nung nahimatay yung babaeng dinala namin sa ospital.

"Mabuti naman. Pero kailangan ko muna icheck yung temperature mo at blood pressure mo." nakangiting sabi nito. Tumango na lang ako at ngumiti. Nagalcohol muna siya ng kamay at kinuha na yung gamit. Pagbalik ay tinignan ko naman ng pasimple yung name tag niya. Dr. Nathan Alfonso.

"Normal na ulit yung temperature mo at okay na rin yung blood pressure mo. Pero kailangan mo pa rin uminom ng gamot ngayon. Baka kasi lagnatin ka pa ulit." nakangiting sabi nito pagkatapos inayos na ulit yung mga gamit.

"Ah okay sige maraming salamat doc." sabi ko. Tumango naman siya habang natatawa tawa. Pagkatapos ay binigyan na ako ng gamot.

"Nyx? Okay ka na?" sabi ni Chad pagkapasok sa clinic kasama ni Andrea. Tumango naman ako at ngumiti.

"Hintayin niyo na lang ako sa labas at magaayos lang ako saglit." nakangiting sabi ko. Inaayos ko na yung sapatos ko pati na rin yung pinaghigaan ko. Pagkatapos ay nagpasalamat ulit ako sa doctor at tuluyan nang umalis.

Paglabas ko ay agad na nagpaalam na sina Chad at Andrea sa kausap nila. Kinamusta nila ako saglit at umalis na rin kami.

"Kumain na muna tayo bago ka namin ihatid pauwi." sabi ni Chad habang hinihinto ang sasakyan sa tapat ng mamahaling restaurant. Nasa unahan nakaupo si Andrea at nasa likuran naman ako magisa. Lumabas na ako ng sasakyan at pumasok na kami sa loob ng restaurant. Magkatabi kami ni Andrea ng upuan samantalang kaharap naman namin si Chad. Umorder na si Chad at naghintay na lang kami sa pagkain. Habang naghihintay ay nagsimula nang magkwento si Chad tungkol sakanila ni Andrea. Kitang kita ko ang masasayng ngiti ni Chad habang inaalala ang mga panahon na nagsisimula pa lang sila ni Andrea. Dumating na rin yung order namin at nagsimula na kami kumain hanggang sa natapos na kami ay tuloy pa rin ang kwento ni Chad. Kunwaring natatawa naman ako para hindi halata na ako ay patagong nasasaktan. Pagkatapos namin kumain ay hinatid na ako nila Chad sa harap ng aking bahay. Nagpaalam naman ako sakanila at nagbeso pa kami ni Andrea.

"Talo ka nanaman Nyx." naiiyak na sabi ko pagkapasok ko sa loob ng aking bahay. Umupo naman ako agad sa sofa at nagsimula nang umiyak. Kanina ko pa pinipigilan luha ko dahil ang sakit sa pakiramdam na umasa akong magugustuhan ni Chad.

Noon pa man talo na talaga ako. Si Andrea ay crush ni Chad noong high school pa lang kami. Alam kong mas maganda sakin si Andrea at napaka talented pa pero umasa pa rin ako kay Chad kahit na alam kong talo na talaga ko umpisa pa lang. Si Andrea rin pala ang dahilan kung bakit sumali si Chad sa theatre club noong college kami. Isa si Andrea sa mga magagaling na kasama sa club nila. Sa katunayan nga ay niligawan ni Chad si Andrea noong college kami. Pero hindi niya sinagot si Chad kaya naging mas malapit kami ni Chad. Pero ngayon ay sila pa rin pala sa huli... Pagkatapos ay nakatulog na ako sa sakit.

Gumising akong nakahiga sa sofa. Napabuntong hininga na lang ako ng maalalang totoo pala talaga. Hindi ako nananaginip lang. Malungkot na pumasok na ako sa cr at naligo para pumasok sa trabaho. Maaga akong umalis sa bahay dahil mag cocommute ako ngayon papasok sa trabaho. Ilang saglit lang ay bumaba na ako sa sinasakyan ko dahil maaga pa naman kaya naisip kong bumili muna ng kape at tinapay. Malapit na rin naman ako sa trabaho at pwede ko na rin lakarin papunta roon.

Dala ang aking order na kape at tinapay ay umupo ako sa gilid malapit sa bintana. Habang kumakain ay naramdaman ko naman na may umupo sa tabi ko. Hindi ko na lang pinansin dahil malungkot pa rin talaga ako hanggang ngayon. Natapos na akong kumain at akmang tatayo na sana ng magsalita ang pamilyar na boses sa tabi ko.

"Maraming salamat daw sabi ni Sunshine. Okay na pakiramdam niya ngayon at nakalabas na ng ospital." kalmadong sabi ni Sol habang nakatingin sa labas ng bintana.

"Walang anuman. Sige na mauna na ko." walang gana na sagot ko at nahagip ng mata ko ang pamilyar na bracelet na nakasuot sa kaliwang kamay ni Sol. Sandaling napahinto ako para titigan iyon pero hindi ko na lang pinansin pagkatapos ay umalis na ako.

Tahimik na pumasok ako sa trabaho at nagsimula nang gumawa ng mga gawain. Inuna ko na yung mga kailangan ipasa at inayos ko na rin yung ibang mga papeles na kailangan aprobahan. Napansin ako nila Bianca na tahimik sa trabaho ngunit masama lang pakiramdam ko ang tanging sagot ko. Ayokong magkwento na hindi ako okay. Hindi ko pa kaya at hindi rin ako sanay maglabas ng nararamdaman ko kahit na mga kaibigan ko sila. Isa pa, mas mabuti na gawin kong busy ang sarili ko para makalimutan ang sakit na nararamdaman ko ngayon.

Natapos na ang trabaho at bumili muna ako ng beer bago umuwi. Hindi ko alam pero sa tingin ko kailangan ko uminom para kahit papaano ay macomfort ko ang sarili ko. Baka sakaling mabawasan yung sakit na nararamdaman ko kahit hindi. Nakauwi na ako at nagpalit ng damit. Pagkatapos ay tumambay sa sala para uminom ng beer habang nanunuod ng palabas sa tv.

"Nyx kalimutan mo na kasi si Chad. Matagal na sila ni Andrea! Nagmamahalan sila! Kalimutan muna si Chad please." sabi ko sa sarili ko habang umiiyak at ininom ang huling patak ng beer. Kasunod non ay pagpikit ng mata ko kasabay non ang pagtulo ng mga luha ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 22, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

BEGINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon