"I'm Sol Thomson. Kumalma ka muna miss pwede?" kalmadong pagpapakilala nito at inilahad ang kamay.
Tinaasan ko siya ng kilay. Ang kupal ng lalakeng 'to. Kahit gwapo ka, bahala ka manigas ka jan hindi ako makikipag kamay sayo. Ang pabibo masyado. Magpapakilala na sana ako ng biglang marinig ko ang boses ni Maine mula sa likod ko.
"Nyx what are you doing here? What is happening here?" humarap ako kay Maine at inilahad ang papel na pipirmahan niya. Medyo nabawasan rin ang takot na nadama ko nung marinig ko ang kalmadong boses ni Maine.
"I came here because of this. Nakisuyo si Bianca." sabi ko at inabot ang papel rito.
"Thank you sis." tumango ako bilang tugon.
"Bakit nakalock pinto ng opisina mo?" tanong ko. Matatakutin si Maine kaya laging nakabukas ang pinto ng opisina nito.
"Ako naglock ng pinto." biglang sagot ni pabibong Sol. Tinaasan ko ulit siya ng kilay. Bastos! Sabat ng sabat di naman kinakausap.
"Sige mauna na ko. Mag ingat ka Maine ha?" sabi ko na lang at umalis na.
Nakauwi na ako sa bago kong bahay at dumiretso na sa kwarto para makapagpahinga saglit. Ako lang pala magisa nakatira rito. Isang kwarto, maliit na kusina, maliit na sala, at isang cr lang. Kumbaga pang sakin lang talaga. Humiwalay na kasi ako sa bahay ng magulang ko. Walang issue o kung ano pa man. Humiwalay lang ako kasi gusto ko malapit lang sa trabaho. Dahil masyadong malayo ang byahe ko kung sakanila pa ako maninirahan. Nahiga na ako at umiglip.
"Katahimikan ang magproprotekta sainyong pagiibigan." sabi ng isang matanda sa tabi.
"Ha? Ano pong ibig niyong sabihin?" nagtatakang tanong ko.
"Nangyari na ang pagtatagpo ng liwanag at dilim." dagdag pa nito.
"Hindi ko po kayo maintindihan." tugon ko.
"Nawa'y mangyari na ang pagkikita ay maging kabutihan hindi kasamaan..." sabi nito at onti-onting nawala sa aking unahan.
"Sandali lang ho. Hindi ko ho kayo maintindihan. Ano ho ang ibig niyong sabihin?" sabi ko at hinahabol ang papalayong bulto ng matanda.
"HAHHHHHH!!!"
Nagising ako na habol ang aking sariling hininga. Pakiramdam ko ay para talaga kong nakipaghabulan at hingal na hingal ako. Hinawakan ko yung puso ko na sobrang bilis ng tibok. Pinunasan ko na rin yung pawis ko sa noo. Tumayo na ako at lumabas na ng kwarto para uminom ng tubig.
Tinignan ko kung anong oras na. 1:45 am na pala napahaba ang pag iglip ko at naging tulog. Binuksan ko na yung drawer ng kusina. Napabuntong hininga na lang ako ng makitang walang laman. Kalilipat ko lang pala ng bahay at hindi pa ko nakakapamili ng mga pagkain. Iiling-iling na bumalik ako sa kwarto ko para kunin yung wallet at susi ng kotse ko. Nilock ko muna yung bahay at pumunta sa may pinaka malapit na convenience store.
Papasok na ako sa loob ng convenience store. Ako lang ang tao atsaka yung lalaking nagaayos ng mga gamit malapit sa kahera. Bumili na ako ng cup noodles at tumingin ng pwedeng mainom kaya lang wala rin akong napili. Magbabayad na sana ako kaya lang nakita kong susuntukin na sana ng lalaki yung lalaking nasa kahera ng convenience store. Kung kaya't agad agad naman akong napasigaw dahil na rin sa takot. Shet!!! Bida ka masyado self!!! Binaba na nung lalaki yung kamao niya at galit na galit na humarap saakin.
"What the ---" sabi nito at napahinto ang sasabihin ng magtama ang mga mata namin. Nanlaki naman ang mga mata ko. Kahit na nakamask ito at tanging mata lang nito ang nakikita sigurado akong nakita ko na ang pamilyar na lalaking ito. Si Sol Thomson...
Agad na tumakbo papalayo yung lalaking nasa kahera at agad naman itong hinarangan ng dalawa pang lalaking naka itim at nakaface mask rin. Napaatras ako sa takot.
"Arghhh!!!" sigaw ni Sol at tinadyakan yung isang upuan doon. Nagulat naman ako ng biglang hawakan ni Sol ang kamay ko at dali daling tumakbo papalabas sa convenience store.
"Sakay." sabi nito at binuksan yung passenger seat ng kotse ko. Sumakay naman ako ng walang imik. Shookt pa rin ang lola mo at hindi makapagsalita sa takot. Tumakbo naman ito sa kabilang side at pumasok sa kotse ko. Inistart niya na yung sasakyan at dali daling pinaandar iyon papalayo sa convenience store.
"Saan ang bahay mo?" tanong nito habang nagmamaneho. Hindi pa rin ako sumasagot.
Gulat na gulat ako. Anong ginagawa niya? bakit? bakit niya sasapakin yung nasa kahera na lalaki kanina? alien ba siya? at bakit siya nasa office kanina ni Maine? bakit kahapon lang mukhang anghel pa siya? bat ngayon mukhang gangster na siya? ano ba 'to? bakit siya nasa kotse ko? bakit siya nagmamaneho? paano niya nakuha yung susi sa kamay ko? paano? bakit? bakit?
"Hindi ako masamang tao gaya ng nasa isip. Saan yung bahay mo at ihahatid na kita sainyo." kalmadong sabi nito. Napahinga naman na ako ng maluwag dahil sa sinabi nito. Hindi naman pala masamang tao.
"H-Ha? W-Wala naman akong sinasabi na masama kang tao?" sabi ko.
"Ah kaya pala. Halatang halata sa reaksyon mo." sarkastikong tugon nito.
Napatahimik naman ako at kinalma yung sarili ko. Ilang sandali lang nagkaroon na ako ng lakas ng loob magsalita.
"Ihinto mo yung kotse sa gilid. Maraming akong tanong at mababaliw na ako kaiisip ng mga sagot ngayon." sabi ko. Hininto naman ni Sol yung kotse sa gilid ng kalsada.
Nakahinga naman ako ulit ng maluwag ng sinunod niya ito. Aba dapat lang ano! Kapal naman ng mukha niya kung hindi niya ihihinto. Sayang ang gas ko! Malayo naman na kami sa convenience store isa pa lagpas na kami sa village kung saan naroon ang bahay ko. Kalmado na rin naman ako ngayon at nabalik na ang utak ko sa realidad kaya keri ko na.
"Bakit mo sinasaktan yung nasa kahera? gangster ka ba ha?" pagsisimula ng tanong ko.
"Hindi ko siya nasaktan. Umeksena ka. Hindi ako gangster." kalmadong sagot nito. Napatango tango naman ako.
"Ako pa talaga eksena? bakit artista kaba at nagshoshooting kayo para sabihan mo akong eksena? nasira ko ba arte niyo ha? wala naman akong nakitang director ron ha?" sabi ko naman dahilan para mapabuntong hininga si Sol at inihagis sa mukha ko yung jacket niya.
"Huwag ka magpapakita ng mukha mo." kalmadong sabi nito at agad na binuksan yung bintana ng kotse ko.
Magsasalita na sanaako ng biglang tinakpan niya ang bibig ko at pwersahan akong tinakluban ngjacket nito.