PROLOGUE

43 3 14
                                    


"Thea yang cellphone mo tumutunog!!!" bulyaw sakin ni Mama.

Lumapit na ako kung na saan ang cellphone ko at agad itong sinagot.

"Oh, Gwen napatawag ka?"

Bestfriend ko siya since elementary. Siya ang nag-iisang anak ng mga De Leon. Isa sa pamilyang maimpluwensiya sa lugar namin.

"May good news ako sayo Thea. Kaya makinig kang mabuti ha?" excited nitong wika. Hmm, ano kaya yun?

"Ano ba iyon?" walang gana kong sagot dito.

"Nakapasa ka sa entrance exam girl!!!" patili nitong sabi sa kabilang linya. Kaya agad kong inilayo ang cellphone ko sa tenga. Kahit kelan taga itong babaeng to. Dinaig pa ang birit queen sa ginagawa niya. Pero agad akong nahimasmasan sa pagdidaydream ng maalala ko ang sinabi niya.

"W-what do you mean Gwen?" naguguluhang tanong ko rito.

Matagal pa bago niya sinagot ang tanong ko. Pasuspense lang ang peg??

"Ang sabi ko naman kasi sayo makinig kang mabuti sakin ehhh..Bingi kana ba ngayon?"

Aba, imbes na sagutin ang tanong ko ay mukhang nang-aasar pa ito. Kaya napakunot agad ang noo ko sa tinuran niya.

"Ano ba Gwen! Umayos ka nga!" inis kong singhal dito.

"Okay. Chillax lang girl. Hehehe.." Huminga muna ito ng malalim saka sumagot. "Pumasa ka sa entrance exam ng La Faeldonia University. At hindi lang yan, you can attain the 100% scholarship they offer coz you're the top one of the exam!!"

I am totally shock sa sinabi niya. Hindi ako makapaniwala. As in wow! My dream school in college? Doon ako mag-aaral?? Oh myghad! Thank you!

"Ohhh...myyyyy..waaaaaaaaa" Naiiyak kong turan kay Gwen sa kabilang linya. Napasigaw at napatalon ako ng di oras sa magandang balitang iyon.

Kaya nakuha ko ang atensyon ni Mama na nasa kusina.

"Oh..anong nangyayari sayo Thea?" takang tanong sakin ni Mama.

Ngumiti muna ako bago ko sinagot ang tanong niya.

"Ma nakapasa ako sa LFU! And I can grant the 100% scholarship they offer!"

Napayakap ako kay Mama matapos kong sabihin sa kanya ang good news.

Pangarap din niyang doon ako makapag-aral sa College at doon ko kunin ang kursong gusto ko. BS ARCHITECTURE.

"Talaga? Salamat sa Diyos!" masayang sagot niya sakin. Tulad ko napayakap din siya sakin ng mahigpit.

"Hoy Thea! Andito pako! Mamaya na kayo mag-celebrate." Oo nga pala nasa kabilang linya pa si Gwen.

Napatawa na lang ako sa sinabi niya pero agad itong binawi nang makita ko si Papa na malalim na nakatitig samin habang nakatayo sa labas ng pintuan. Bigla akong kinabahan kaya agad kong pinindot ang call end button ng cellphone ko at agad ko itong inilagay sa bulsa ng short ko.

His eyes full authority makes me scared everytime I see it. Hinawakan ni Mama ang kamay kong nanginginig na.

Napaatras ako ng pumasok ng tuluyan si Papa sa loob ng bahay namin. Natatakot ako sa kanya sa maaari niyang magawa na naman.

"Tama ba ang narinig ko? Mag-aaral ka sa mamahaling paaralang iyon?" he smirked.

Napakuyom na lang ang palad ko dahil alam kong hindi sang-ayon sa kanya iyon. Pinipigilan kong tumulo ang luha ko dala ng sitwasyon namin ngayon. Sitwasyong hindi ko alam kong makakatakas kami ni Mama.

Tiningnan ko si Mama. Ramdam ko ang poot at galit na nararamdaman niya sa ngayon. Bago pa niya ibuka ang kanyang bibig ako na ang sumagot sa tanong ng walang hiya kong Ama! Hindi ko maatim na siya pa ang naging Ama ko. Ang walang awa, walang puso kung manakit sa amin ni Mama na tila ba para kaming hayop kung saktan niya. How bullshit!!

Tiningnan ko siya ng diretso saka ako sumagot.

"Oo, tama nga ang narinig mo mag-aaral ako sa LFU!" lakas-loob kong sagot sa kanya. Ramdam ko ang tensyon sa pagitan namin ngunit hindi ako nagpatinag dito.

His damn smirked again. His devilish smirked is killing me now. Dahan-dahan siyang lumapit sa pwesto namin at si Mama itinago niya ako sa likuran niya na para bang pinoprotektahan ako.

Hinawakan niya ang balikat ni Mama at itinulak ito ng malakas sa gilid. Nakita kong tumama ang likod nito sa pader. Kitang-kita ko kung paano siya pilit tumayo maprotektahan lamang ako. Akma na sana akong lalapit kay Mama ng hawakan ng demonyo kong Ama ang balikat ko. Nasasaktan ako. Gusto ko ng umiyak pero not now. Hinugot ko ang lakas ko maitulak lamang ang demonyong nasa harapan ko ngayon at nagawa ko iyon. Pero bago paman ako makahakbang papalayo sa kanya agad niyang hinablot ang buhok ko at tuluyan niya itong hinila. Shit!

"Walang mag-aaral don. Hindi ka mag-aaral kahit saan dahil hindi ako papayag!" Maawtoridad na sabi nito habang nanlilisik ang mga mata niya.

"Mag-aaral ako sa ayaw at sa gusto mo!!" balik sagot ko rito ng pasigaw.

Hindi siya sumagot bagkus ubod ng lakas na sampal ang itinugon niya. Napahiga ako sa sahig. Tila ba nabibingi ako at nandidilim ang paningin ko. Hayop siya! Wala siyang kwentang Ama!

Hindi ko namalayan nakalapit na pala sakin si Mama. Umiiyak na naman siya. I can't endure it.

Pinapangako ko sa sarili ko na kahit anong mangyari makakapag-aral sa pinapangarap kong unibersidad. No one can stop what I dream of.

Unti-unting nararamdaman ko ang panghihina ng katawan ko pati paningin ko nandidilim na rin. Hinang-hina nako.

Umiiyak si Mama habang yakap-yakap ako.

Unti-unti na ring pumipikit ang mga mata ko. Wala na akong magawa kundi magpatianud na lamang sa panghihinang nararamdaman ko.

~~




THEAMYLS

SINCE I MET YOUWhere stories live. Discover now