CHAPTER 2

19 5 8
                                    

ANOTHER CLASSMATES?

It's been one week since the regular class started. In the meantime, my seatmates started to annoy me since the first day of class. Tss. How annoying!

But little by little I can adjust to the new environment. My seatmates no other than the group of guy who says we're blocking their way. Yes, they are my classmates.

Wala naman ng problema sakin iyon kung kaklase ko sila. Minsan lang kasi nakakairita na lalo na iyong isa sa kanila. Tawagin ba naman akong future gf niya! Aba ang kapal ng mukha! Feeling close?

Sa paglalakad ko sa pathway hindi ko maiwasang isipin iyon. Natatawa na lang ako minsan. Pero nang maalala ko kung ano iyong nangyari kanina bago ako umalis ng bahay binawi nito ang ngiti sa aking labi. Hinawakan ko ang braso kong may sugat dahil sa nangyari kanina. Nanghihina ang tuhod ko at parang nahihilo dulot ng nangyari kanina. Nakakainis! Nakakabadtrip! Nakakaiyak!

Hindi ko namalayan nasa tapat na pala ako ng classroom namin. Agad akong pumasok at umupo. Ang iingay nila. Kaliwa't kanan ang pag-uusap ng mga kaklase ko. Ang iba mukhang excited pa sa pinag-uusapan nila.

Ano bang meron?

"Nagtataka ako kung bakit lilipat ang grupo nila sa section natin. Hindi ako makapaniwalang magshishift silang walo sa course natin!"

Hindi makapaniwalang sabi ni Kathie, isa sa mga kaklse kong babae. Napalingon ako rito. Hindi sa pagiging chismosa pero kasalanan ko bang marinig kung ano ang pinag-uusapan nila. Eh, ang lapit-lapit nila sakin!

"Oo nga ehh..kung totoo nga ang balitang iyan! For sure, malaking gulo yan sa section natin. Aba! Andito sa section nato iyong kalaban nila." Tugon naman ni Faith, isa rin sa kaklase ko.

Naguguluhan ako sa mga pinagsasabi nila. Itinuon ko na lang ang atensyon ko sa mga notes ko.

Teka ba't para atang tumahimik sa paligid?
At sa pag-angat ng ulo ko mukha agad ni Dexter Alfonso ang bumungad sakin. Ang malawakan niyang ngiti. Here we go again! The Mr. Annoying!

"Hi, future gf. How are you today?" masigla niyang bati sakin saka umupo sa kanan ko. My annoying seatmate.

Napailing na lang ako at hindi sinagot ang tanong niya. Wala ako sa mood makipagbiruan sa kanya ngayon. Masyadong masama ang simula ng araw ko ngayon at parang masama rin ang pakiramdam ko. Iniba ko na lang ang direksyon ng paningin ko at nakita kong sunod-sunod na nagdatingan ang grupo ni Dexter. Kasunod niya lang din ito.

Pansin ko lang ba't pagdating ng grupong ito tumahimik bigla ang mga kaklase ko?

Nakita ko ang huling pumasok sa grupo nila. Nakabusangot ito.

Daig pa ang babae ah! Bulong ko sa sarili.

Nagkasalubong ang paningin namin. Tinitigan niya ko bago siya umupo sa likuran ko. Tss. Suplado!! Iginiya ko na lang ang sa ulo ko sa harapan kung saan naroon na ang professor namin sa first subject.

"Can I disturb you for a moment Mrs.Lopez?" paunang sabi ng aming adviser na si Mrs.Alcantara.

"Oh..okay"

May ibinulong ang adviser namin dito. Nakita ko kung paano ang gulat niyang ekspresyon sa kung ano man ang sinabi ni Mrs.Alcantara. Tumango na lang ito bilang pagsang-ayon.

"Okay class. I know you all aware the news. Right?" Nakikinig ang lahat maliban na lang sa grupong nakapalibot sakin. They're doing non-sense. "They are eight students from Engineering department shifted to this course. So, it means na magiging classmate niyo sila."

Mga mukhang excited, gulat at dissapointment ang bumungad matapos sabihin ang balitang iyon ni Mrs.Lopez.

"Okay Mrs.Lopez. Thank you. I will call them then."

Lumabas ng classroom ang adviser namin at hindi nagtagal pumasok ulit ito kasunod ng walong estudyanteng nakasalamuha ko na rin minsan.

Napaawang ang bibig ko dahil sa gulat. So, sila pala ang tinutukoy ng classmate ko. Pero teka, bakit nasabi nilang malaking gulo ito? May kalaban ba sila section nato?
Nang dahil sa malalim kong pag-iisip hindi ko namalayan na isa-isa na pala silang nagpapakilala.

"Hey future gf! Are you okay? You looked pale!"

Nagulat ako sa pagsasalita na naman ni Dexter pero mas nagulat ako ng hawakan niya ang kanang braso kong may pasa dala ng nangyari sa bahay kanina. Napasigaw ako sa sakit at agad kong hinawakan ang braso ko. Shit! It's badly hurt. Kasalanan ito ng walang hiya kong Ama!

Napatingin ako sa paligid, bakit lahat sila nakatingin sakin?
Napamura ako sa sarili.

"Ms. Enimedez do you have any problem there? Why are you shouting?"

Gulat ako ng tanungin ako ni Mrs. Lopez. Tss. Nakakahiya. Napayuko na lang ako. Kasalukuyang nagpapakilala ang lalaking minsan ko ng nakita. Pati ito napatitig na rin sa akin.

"Nothing Ma'am. I'm sorry." nahihiya kong sagot dito.

Matapos kong masagot ang tanong niya agad kong itinago ang pasa sa kanang braso ko. Ang sakit talaga. Tiningnan ko si Dexter, titig na titig ito sa braso ko. Kaya mas lalo ko itong itinago gamit ang mga kamay ko. Inirapan ko na lang ito at hindi na pinansin.

"Ahmm..Miss? Can I sit here?"

Napaangat ang ulo ko ng maramdaman kong ako ang tinatanong niya. Oh crap! The guy who I bumped before.

"Y-yeah sure.." Alanganin kong sagot dito.

Umupo na ito sa kaliwa ko. Why I feel so nervous? What happened to me?

"Thank you!"

Nakangiti nitong tugon sakin. I smiled back to him.

"Ma'am!!!"

Napahinto ako sa pagsasalita si Mrs. Lopez nang tawagin siya ng lalaking nasa likuran ko.

"Why Mr. Stewart??" takang tanong nito. Pati kaming kaklase niya nagtataka rin.

"Can I escort someone go to the clinic? I think, she's badly hurt and she looked pale!" pagpapakiwanag nito. Nagulat silang lahat sa sinabi niya at masama ang kutob ko. Huwag naman sana.

"Okay then Mr. Stewart. But by the way, who's the someone you're talking to?"

Nagulat na lang ako ng nasa harapan ko na siya. Napalunok ako bigla. Titig na titig ang dalawang nasa gilid ko sa lalaking nasa harapan ko ngayon na nagtataka.

Huwag mong sabihin na ako ang tinutukoy mo?
Itinayo niya ako.

Kung gulat ako mas gulat ang mga mukha nilang lahat na nakatingin sa amin ng hilain niya ko palabas ng classroom. Natameme silang lahat.

Wala akong nagawa nang hilain niya ako ng tuluyan palabas ng silid na iyon. Ang higpit ng pagkakahawak niya sa kamay ko.



What's wrong with this guy???






✨ THEAMYLS ✨

SINCE I MET YOUWhere stories live. Discover now