Overnight with him
The number you have dialed is now unattended. Please try your call later....
Kanina ko pa sinusubukang tawagan ang kaibigan ko pero hindi ko ito macontact. I can't reached Gwen. Nakailang attempt nako sa kakatawag sa kanya pero hindi niya ito sinasagot. Panigurado mahimbing na ang tulog 'non. It's already 12:35AM. Shocks! Mag-uumaga na pero hindi pa kami nakakauwi nitong kasama ko.
Nasa loob kami ng kotse niya. Hanggang ngayon sinasamahan pa rin niya ako. My Ghad! Nakakahiya! Alam kong antok na antok na ang isang ito. Mukha kasing tulog na si Gwen. Napabuntong hininga na lang ako matapos hindi pa rin ni Gwen sinagot ang pang huling tawag ko.
I turned my head and I saw Tyron staring at me. Tila ba kanina pa niya ako pinagmamasdan. Bigla tuloy uminit ang pisngi ko dahil sa paraan ng titig niya sa akin. Maraan akong napalunok ng hindi sinasadya.
"You can't reached her???" He asked with his husky voice and eyes full of concerns.
I sadly nodded to him. Napanguso na lang ako.
"So??? What's your plan now?" Balik tanong niya ulit habang hawak ang manibela ng sasakyan at pinaglalaruan ang mga daliri niya roon. Naghihintay sa isasagot ko.
"Sa bahay na lang ata ako. Bahala na!" Nag-aalinlangan na sagot ko sa kanya.
"Are you sure?" Naninimbang na ngayon ang tinig niya. Ilang segundo siyang tumahimik bago nagsalita ulit. "Hmm..Thea if you want...you can stay at my condo tonight. It's fine to me" Alanganin pa itong ngumiti sa akin bago nag-iwas ng tingin.
"P-pwede ba ako roon? Baka kasi----"
"It's my condo so pwede ka roon magstay muna. I'll go home then as long as I know you're safe" litanya nito na nakatitig pa rin sa labas ng kotse.
"Thank you, Tyron!"
I'm happy to what he said so to my shock I'll definitely hugged him. Mukhang nabigla siya sa ginawa ko dahil naramdaman kong hindi siya nakagalaw matapos ko siyang yakapin. Kaya agad din akong bumitaw. Tss. Wrong move, Althea!
"Sorry..hehe..nabigla lang ako. Pero salamat ulit" Nahihiya kong turan at ngumiti.
He smiled awkwardly then he started the engine of his car and drove going to his condo unit.
One night Althea, it's fine. It's fine to be with him in one night. Wala naman ata siyang gagawing masama sa akin diba? Kinagat ko ang ibabang labi ko dahil sa mga malisyosong naiisip ko sa kanya. He is my friend and I trusted him. Dahil sa malalim na pag-iisip ko hindi ko namalayan na nakarating na pala kami sa condo unit niya. Nasa parking lot kami ng building ng condo niya. Agad siyang bumaba at bago ko pa man mabuksan ang pinto ng kotse niya, nabuksan niya na ito.
"Thanks" sabi ko na lang at napayuko. Agad akong sumunod kay Tyron ng magsimula siyang maglakad matapos mailock ang kotse niya, pinindot niya lang naman ang susi ng kotse niya.
Habang nakasunod lamang ako kay Tyron, napalingon ako sa labas ng parking lot ng building. Nahagip ko ang isang itim na kotse. It's tinted kaya hindi ko makita sa loob kung sino ito. I think it's following us. Nagkibit-balikat na lang ako at binilisan ang hakbang para mahabol si Tyron.
"Upo ka muna. Ayusin ko lang iyong kwarto"
Umupo ako sa single sofa. Agad namang pumasok si Tyron sa loob ng kwarto, na sa tingin ko ay iyon ang bedroom niya.
Inilibot ko ang paningin sa kabuuan ng condo niya. Malaki at malawak ang sa loob nito, parang pampamilya ang condo niya dahil sobra naman ito sa kanya gayong nag-iisa lamang ito. O sadyang mayaman lamang siya. Hindi ko maiwasang mapahanga sa ganda ng interior design ng condo niya. Tanging kulay itim, gray at puti lamang ang makikita sa loob ng condo niya. Pati ang mga kagamitan sa bahay ay ganun din ang kulay. Maayos at kompleto ang gamit. May dirty kitchen din at dining table sa malapit. Napakaayos at napakaganda.
YOU ARE READING
SINCE I MET YOU
RomanceOnce you fall inlove you never hold back it. But how you can hold that person if he can't feel the same way towards you? What if that person pretending to love you even if it's not. Do you stay? Do you endure it? Do you fight what you really feel? D...