FIRST DAY
"Please signature on that logbook!" saad ng babaeng nasa registrar office.
Agad akong pumirma rito. Kinuha ko na ang Certificate of Enrollment ko matapos na magawa ang inutos niya.
"Thank you po Ma'am!"
Ngumiti lang ito bilang tugon. Umalis na ako roon para mahanap ko kung nasaan ang classroom ko.
Ang laki talaga ng La Faeldonia University. Bulong ko sa sarili.
"Saan ko ba hahanapin ang classroom ko?" pagmamaktol ko.
Ang lawak-lawak ng LFU at hindi ko alam kung saan ako magsisimulang maghahanap. My ghad! Kung kasama ko sana si Gwen edi sana may kasama akong maghahanap pero sad to say magkaiba kami ng kinuhang kurso. Ako Architecture siya naman Accountancy. Di bale lilibutin ko ang buong LFU mahanap ko lang ang una kong klase. Napangiti na lamang ako sa naisip ko. Hindi na masama kung ganun! First day pa lang naman kaya okay lang malate. Ganun naman pagcollege.
I smiled. Am I crazy? Tss. Non-sense.
At iyon nga naglakad ako ng naglakad hanggang sa mapagod akong hindi ko pa nasisilayan ang classroom ko. Umupo muna ako sa isa sa mga bench ng school. Nakakapagod pero carry lang. Tumingin-tingin ako sa paligid and HOLA! BOOM!
Nakita ko rin sa wakas ang building ng department namin. Tumayo na ako at naglakad patungo sa building na iyon.
"Kaya pala hindi ko mahanap-hanap ng ganun kadali kasi nasa kadulo-duluhan na." Napangisi na lamang ako.
Aapak na sana ako sa unang hanay ng hagdan pataas ng matigilan ako sa ingay dulot ng mga nagkukumpulang kababaihan na mga nagsisigiwan. Out of curiosity. Napalingon ako rito.
Anong nangyayari? Bakit sila tili ng tili at nagkakagulo?
Umiling na lang ako at napagdesisyunan ko ng umakyat patungo sa classroom ko pero sa pagharap ko tila ba may pader na nakaharang sa daraanan ko. I bumped someone. Isang bulto ng lalaki. He looked at me. I didn't mean to stare into his brown eyes.
"Excuse me Miss? But we can't pass by if you still standing there!"
Natauhan ako ng magsalita ang isa sa mga kasama ng lalaking nabunggo ko. Napatingin ako isa-isa sa kanila. Walo silang nakamasid sakin. I feel ashamed.
"Oh..I'm sorry.." Nahihiya kong sagot sa mga ito saka ako gumilid para makadaan na sila. Hahakbang na sana but someone hold my arm.
"Wait"
Lumingon ako rito at laking gulat ko ng makita ko ang mukha niya. Ang lalaking nabunggo ko. Shems! Natigilan ako sandali.
"A-anong kailangan mo?" tanong ko rito saka ko tinignan ang braso kong hanggang ngayon hindi pa rin niya binibitawan. Napansin niya atang tiningnan ko ito kaya binitawan niya na.
Natigilan siya. He staring again. Oh my! Nakakahiya! Kaya iniwas ko na lang ang mata ko.
"I-I just want to.."
Hindi niya naituloy ang sasabihin ng may nagsalita kaya agad kaming napalingon dito.
"Can you guys don't blocked our way?"
Isang lalaking sa tingin ko kasing edad ng nasa harapan ko. Mas matangkad siya kumpara sa lalaking nabunggo ko. Mas malaki ang katawan at aaminin ko ang gwapo niya.
Hayss. Ano ba 'tong iniisip ko? Umiling ako at tiningnan ko ulit sila.WAIT...
His face is familiar. Napaka angas ng dating nila. Napansin kong napapagitnaan pala ako ng dalawang grupo nila.
Ano ba naman Althea ang pinasok mo? Nakakahiya ka! Bulong ko sa sarili. But I can't believe na maririnig nila iyon.
Ang lakas naman ata ng boses ko ko? Kaya lahat ng mga mata nila nakatingin sakin. Napangiti na lang ako ng alangan at tsaka nagpaalam nasa kanila. I feel the tension between the two parties. Ang awkward ng sitwasyon.
"Ahh..sorry. Mauuna nako!"
Alanganin kong paalam dito at dali-daling naglakad paakyat ng hagdan. Alam kong lahat pa rin sila nakatingin sa akin kahit noong paakyat na ako. I sense it.
Finally, nakarating din ako sa classroom ko. And I'm grateful wala pa ang professor namin. Agad akong naghanap ng mauupuan. I found a good spot. Bandang likuran na malapit sa bintana. Umupo nako. Sumilip ako sa bintana and I saw the vast green field of this University.
Nalibang ako sa pagmamasid sa paligid kaya hindi ko napansin na nasa harapan na pala ang professor namin.
At paglingon ko, laking gulat ko ng makita kung sino ang mga kaseatmate ko.
Here they are again!!!
✨ THEAMYLS ✨
YOU ARE READING
SINCE I MET YOU
RomanceOnce you fall inlove you never hold back it. But how you can hold that person if he can't feel the same way towards you? What if that person pretending to love you even if it's not. Do you stay? Do you endure it? Do you fight what you really feel? D...