CHAPTER 7

14 3 12
                                    

A Show

"Ma, bakit di na lang tayo umalis dito! Iwanan na lang natin siya Ma!" umiiyak kong pagsusumamo kay Mama.

Hindi siya sumagot bagkus umiling lang ito.

"Ma bakit ba hindi mo kayang maiwan ang asawa mong walang kwenta! Sinasaktan na niya tayo Mama. Please lang umalis na tayo rito Ma bago pa mahuli ang lahat..." pagpupumilit ko rito.

Humagulhol ako sa puntong iyon matapos ko itong sabihin.


"T-Thea..w-wala tayong magagawa pa sa ngayon....magtiis na lang muna tayo ha..." saad ni Mama sa gitna ng paghikbi nito. Napailing ako sa tinuran niya.


"Bakit Ma ano bang meron sa kanya kaya hindi mo siya maiwan???"

Napasigaw nako dahil sa halo-halong emosyong nararamdaman ko.


"P-Papatayin niya tayo Thea..kahit tumakas tayo rito mahahanap at mahahanap niya tayo. Malakas ang pwersa ng grupo ni Simon. Hindi tayo makakatakas ng ganun kadali..hintayin lang natin ang isang tulong na matagal ko ng hinihintay."

Hawak-hawak na niya ngayon ang kamay ko at ang mga mata niyang nangungusap para sumang-ayon ako rito.

"Okay, pumapayag ako sa gusto mo Ma pero sa oras na saktan ka ulit niya, saktan niya ulit tayo..hindi ako magdadalawang isip na isumbong siya sa pulisya. Lalaban ako Ma hangga't kaya ko..."

Pinunasan ko ang mga luha ko matapos kong masambit ang mga katagang iyon.

"Aalis nako. Tumawag ka sakin kung dumating siya at k-kung saktan ka niya ulit."

Tumulo ulit ang mga luha kong pilit kong pinipigilan. Tumalikod nako at naglakad na paalis.

Hirap na hirap na ako sa sitwasyon namin ni Mama. Hindi ko maintindihan ng lubos kung bakit niya hindi maiwan ang walang kwenta kong Ama!

Hanggang sa pagsakay ko ng jeep hindi ko pa rin mapigilan ang mga luhang kusang pumapatak sa aking mata.

Fuck this life!

Nandidilim ang paningin ko hindi lang ata dulot ng pag-iyak ko dahil nahihilo ako simula pa nung umalis ako. Mukhang magkakatotoo atang magkakasakit ako.

Bwisit kasi naulanan pa ako ng dahil sa lalaking iyon! Buti na lang pinasakay ako ni...

Nasa babaan na pala ng jeep, agad kong inabot ang pamasahe at agad na bumaba.

Nasa gate pa lang ng LFU may napapansin na akong nagbubulung-bulungan at taas-babang umiirap sa akin.

Ano na naman bang problema nila sa akin?

Napahawak ako bigla sa ulo ko. Nahihilo ako.

Shit! Mukhang may lagnat pa ata ako.

Kahit ganun dumiretso ako sa paglalakad, pagdating ko sa building ng department namin biglang may humila sa akin at masama pa sa buhok ko ito nakahawak ng mahigpit na tila ba gusto itong tanggalin ang buhok ko.

Shit!!! Ang sakit!!

Ang dami nilang sumasabunot sa buhok ko at kumakalmot pa sa katawan ko. Kinaladkad nila ako sa gilid na parte ng department namin.

"Bitiwan niyo ako" halos napapaos ko ng sabi sa kanila.

"Fuck! Shantal what's going on?? Ano bang probema mo kay Althea ha???"

Hinila ni Dexter ang bewang ko habang sinisigawan sila. Napahawak ako sa ulo ko. Damn it! Masyadong sumakit ang ulo ko.

"You know what the hell are you care huh? Bakit ba? Masyado kang pakialamero!!!" mataray na banggit ni Shantal habang umiirap at akma na sanang lalapit ulit sa akin ng maharangan ito ni Dexter.

"Stop it Shantal! Walang ginagawang masama sayo si Althea! Kaya tumigil ka na!!!" sigaw ni Dexter.

She smirked. "Inaagaw niya ang boyfriend ko! She's a bitch and slut!!!" nanggigil nitong sabi at dinuduro pa ako.

"Come on Shantal...wag mong idadamay si Althea dahil hindi naman siya ang unang lumapit kay Zach! Si Zach ang pagsabihan mo...." matigas at diretso nitong pagkakasabi.

Nahihilo ako kaya agad akong napahawak sa ulo ko.

Hindi ko namalayan na sumugod ulit sila sa akin. Sunod-sunod ang mura ko ng mangahas silang punutin ang suot ko.

"Wag kang mangialam dito Dexter kung ayaw mong isumbong kita kay Tito!!!"

"Ano ba Shantal..nasasaktan ako..bitawan niyo ako..." halos pumiyok na ang boses ko. Naiiyak na ako sa sakit ng ulo ko dala ng pananabunot nila sa buhok ko.

I can't believe sa sunod na nangyari. Shantal collapsed after she saw Zach! Napailing ako ng todo. She put on a show now huh? Damn!

"Shantal..." tarantang saad ni Zach saka ito dinaluhan ang mag-iinarteng Shantal.

Napahawak ulit ako sa ulo ko. Shit! May lagnat ako!

"What now Althea? Anong ginawa mo sa kanya??" sigaw ni Zach sa akin.


Magsasalita na sana ako ng matigilan ako. Agad niyang binuhat si Shantal at mukhang dadalhin ito sa clinic.

Napakuyom ang palad ko. He really don't know what happened but he conclude now!

Hahakbang na sana ako paalis ng maramdaman kong bumigay ang katawan ko. Nahihilo na ako ng sobra-sobra. Dumidilim ang paningin ko dulot ng pagkahilo ko.

"Fuck! Ang taas ng lagnat ni Althea!!!"

Naramdaman ko na lang na binuhat ako ng kung sino. Si Dexter na tarantang tinutungo ang iisang direksyon kung saan doon din ang tinahak ni Zach.


Nakita kong madilim na nakatingin sa amin si Zach pero hindi ko na ito pinagtuunan ng pansin dahil pumikit na ako dala ng sobrang sakit na nararamdaman ng ulo ko.







✨ THEAMYLS ✨

SINCE I MET YOUWhere stories live. Discover now