CHAPTER ONE

31.2K 495 24
                                    

CHAPTER ONE

HINDI pa siya mamamatay. Yun ang paulit-ulit na sinasabi ni Brey sa sarili. Bagama't sa balikat lang naman ang tama niya- aware siyang marami nang dugo ang nawala sa kanya. Di pa naman siya nakakaramdam ng panghihina- pero dapat ay makarating na ang back-up nila, otherwise, baka ang back-up ng kalaban ang mauna... and of course, hindi na hahayaan ng kabilang grupo na may mabuhay pa sa kanila.

No! Ayaw na niyang isipin yun. Sigurado siyang any moment ay maririnig na niya ang chopper na tutulong sa kanila. Hindi sila mabibigo.

I can't just die here! I refuse to die like this!

From a distance ay nakita ni Brey ang mga nakalaban kanina. Sampung armadong lalake ang nakasagupa ng tropa niya. Apat lamang sila, and yet nakaya nilang patumbahin lahat iyun. Muntik na rin naman sila- after all, hindi naman sila mga superheroes or mga ninja- tatlo silang may tama. Bukod sa kanya ay tinamaan din ang kanyang sarhento sa paa at ang isa pa nilang kasama ay sa braso. Mabuti nalang at walang tama ang isa- si Paez- ito ang tumawag sa kampo nila para magsabi sa nangyari at makahingi na rin ng back-up.

“Sir, mga ten minutes siguro andito na sila.” Tumango lang si Brey kay Paez. Pinakikiramdaman niya ang kanyang paa. Natumba kasi siya kanina nang tamaan. May makirot sa kanang paa niya bagama't wala namang sugat.

Magsasalita sana ang isang sarhento nang may marinig silang ugong. Agad silang naging alerto lahat- kanya-kanyang hawak baril. Si Brey ay napatingala.

“Andiyan na ang Air Force!” excited na pahayag ni Paez na nakatingin din sa kalangitan. “Makakaalis na tayo!” Tinulungan nito ang dalawang kasamahan.

Napausal ng pasasalamat sa Diyos si Brey. At least ngayon, kumpirmadong hindi pa niya oras. Hindi sa Basilan magtatapos ang buhay niya!

NAGMULAT ng mata si Brey nang marinig ang pangalan niya. Pero agad din siyang pumikit uli. Ang bigat kasi ng mga talukap niya- kusang nagsasara.

“Lt Abesamis?” Hindi niya kilala ang boses. Pinilit niya ang sariling sumagot pero parang walang boses na lumalabas sa kanya. Nagkasya na lamang siya sa pakikinig.

“Bigyan niyo ng first aide, tapos padiretsuhin na yan sa V Luna. Mas mabuting doon na siya ma-operahan.”

“Sir, baka di niya kayanin. Mukhang maraming dugo ang nawala sa kanya. Ipa-overnight muna natin dito. Pag stable po siya bukas, puwede na siya ma-airlift.”

Gusto niyang sumagot na okay siya. Inaantok lang siya. Tulog lang ang kailangan niya, and then puwede na siyang bumiyahe kinabukasan. Nasaan na ba siya? Malayo ang Basilan sa V Luna. Kailangang makausap muna niya ang Battalion Commander niya dahil hindi pa siya nakakapagpaalam. May mission ba siya sa V Luna? Antok talaga siya. Siguro naman puwede na siyang makipag-usap bukas.

INAANTOK pa rin si Brey pero sinubukan niyang buksan ang mga mata kahit kalahati.

“Good morning sir,” bati sa kanya ng babaeng nakaputi.

Nagtaka si Brey. At ang pumasok sa isip niya ay- bakit may babae sa kuwarto niya?

The Cavaliers: BREYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon