CHAPTER TWO

14K 327 5
                                    

CHAPTER TWO

NAPABALIKWAS si Madie nang marinig ang malakas na tunog ng alarm clock. Ibig sabihin, alas-singko na ng umaga. Dali-dali siyang bumangon at tumakbo sa banyo na nasa loob din ng kanyang ginagamit na kuwarto. Nagshower ng mabilis saka nagbihis. Kahit medyo basa pa ang kanyang buhok na hanggang balikat ay lumabas na siya ng kuwarto para gisingin si Ava- ang kanyang alagang artista.

“Ava? Ava?” Kinatok niya ang pinto ng 21-years old na si Ava Lane, ang kontrabida sa pinakasikat na teleserye ng bansa.

Nang wala pa rin siyang marinig sa kabilang pinto ay nilakasan pa ni Madie ang pagkatok. Alam niyang puyat sa taping si Ava, pero may TV guesting kasi ito ng alas-diyes, kaya dapat maaga silang makaalis. Maliligo pa kasi si Ava at magbibihis. Sa studio na ito magpapa-make-up.

“Ava? Gising na, baka ma-late tayo!” Mas malakas na ang pagkatok ng dalaga.

“Gising na ako,” narinig niyang sagot ng artista.

“Ipapahanda ko na ang breakfast mo ha?”

Biglang bumukas ang pinto at tumambad si Ava. Naka-panty lang ito at manipis na tshirt. Kahit bagong gising ay maganda pa rin ito.

“Orange juice lang at chicken sandwich ang gusto ko. Please.”

“Sige, sabihin ko kay manang. Maligo ka na ha?”

Tumango ang babae saka tumalikod na sa kanya. Naiwang bukas ang pinto, na lagi nitong ginagawa kapag nasa condo lang sila.

ACTUALLY ay kababata niya si Ava. Magkapitbahay sila sa Project 6, Quezon City. Bata pa sila ay lutang na agad ang ganda ni Ava- lagi itong kinukuhang muse tuwing may palaro sa lugar nila at maging sa school ay marami itong tagahanga. Mukha daw kasing manika ang itsura ni Ava. Parang Barbie Doll na Filipina version- bilog na bilog ang mga mata na may makapal at mahabang pilik, matangos ang ilong at manipis ang mapulang labi. Pantay din ang kilay nito at may pagka-dark brown ang buhok na umaalon-alon. Pero kahit sikat sa school at sa lugar nila si Ava, never na nainggit o nainsecure si Madie sa kababata.

Ang maipagmamalaki naman kasi niya ay ang pagiging consistent honor student. Lagi din siyang nananalo sa mga quiz bee at essay writing contest. Ilang beses na rin siyang nag-represent sa school nila sa mga interschool competition. May sarili din naman siyang 'fans' bukod sa pamilya niya. Bilib sa kanya ang mga teachers niya at ilang kaklase dahil nga matalino siya.

Kaso, may mga araw na nagdadalawang-isip si Madie. Minsan kasi iniisip niyang mukhang mas importante sa mundo ang panlabas na ganda kaysa sa talino. Halos magkaedad lang sila ni Ava, nasa bente dos anyos, pero ang layo na ng agwat nito sa kanya in terms of financial capability. Pagka-graduate kasi ng highschool ay agad na sumali si Ava sa isang model search at nanalo. Napansin ng ilang talent scouts at inilapit sa isang malaking TV network. Ni hindi na ito nag-college.

Noong una ay mga maliliit na roles pa lang ang nakukuha ni Ava pero after two years ay napansin na ito ng husto. Dumami ang projects sa TV at nagkapelikula pa. Nakapundar na si Ava ng sariling bahay para sa pamilya at ilang sasakyan. May town house pa ito sa Mandaluyong area at vacation house sa Tagaytay.

The Cavaliers: BREYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon