CHAPTER SEVENTEEN
NAKANGISI si Madie nang lumabas sa Faculty Center at tumawid sa Palma Hall. Ga-graduate na din siya finally! Kahit lampas alas-singko na ng hapon ay marami pa ring estudyante sa paligid. Kahit papano ay naisip ng dalaga na nakakahiya naman kung bigla siyang tumalon o di kaya ay sumigaw dahil sa tuwa.
Sinubukan niyang tawagan si Oliver pero naka-off pa rin ang cellphone ng lalake. Naisip niyang hindi pa ito tapos sa final exams. Mamaya ko na nga lang siya guguluhin.
Dumaan muna siya sa CR dahil kanina pa siya naiihi sa excitement, at para maghilamos na rin. Pagkatapos mag-freshen up ay nagbakasakali siyang may maabutang pagkain sa cafeteria. Pero halos lahat ng food stalls sa loob ng CASAA ay sarado na kaya naisip ng dalaga na dumiretso nalang ng shopping center para doon kumain. At para makadaan na rin muna siya sa simbahan na halos katapat lang ng shopping center. Gusto niyang magdasal at magpasalamat sa Diyos dahil sa wakas ay naitawid na rin niya ang kanyang pag-aaral.
Nagpadala muna siya ng text message kay Oliver na sumunod na lang sa shopping center. Alam niyang matatanggap naman iyun ng lalake pag binuksan ang cellphone. Hindi na siya sumakay ng jeep na UP Ikot, sa halip ay tumawid na lamang siya mula sa Palma Hall papunta sa may UP Library. Kaya naman niyang maglakad dahil halos apat na kanto lang naman ang layo ng shopping center.
Kalalampas lang ng dalaga sa may Osmena Avenue at National Engineering Center nang makaramdam ng kaba. Awtomatiko siyang napalingon. Wala namang ibang tao maliban sa isang taong naka-hood na obviously ay galing sa pagja-jogging base sa suot nito. Kumabog ang dibdib ng dalaga habang naglalakad sa Apacible Street. Binilisan pa niya ang lakad, na ang nasa isip ay ang taong nasa likuran.
Bakit siya naka-hood? Masisisi ba siya kung paranoid na siya pagdating sa mga estranghero? Minsan na siyang nakidnap- siguro naman ay tama lang na magduda siya kapag may kakaibang karakter siyang mapansin sa paligid!
Pero agad din niyang naisip na baka ayaw lang ng naturang jogger sa likod niya na mahamugan. Gumagamit din naman siya ng sweat jacket na may hood. Lalo pa niyang binilisan ang paglalakad, halos tumatakbo na nga siya. Natatanaw na niya ang Parish of the Holy Sacrifice- ang pabilog na simbahan sa loob ng UP Campus. Naisip niyang mas mabuting tumakbo na siya tutal naka-rubber shoes din naman siya. Ilang metro na ang natatakbo niya nang maisipan niyang muling lumingon- at kitang-kita niyang bumibilis din ang mga hakbang ng tao sa likod niya. Halos tumatakbo na rin ito! Siya nga yata ang sinusundan!
Oh My God! Gusto nang tumili ni Madie. Buti sana kung may dala siyang tear gas or kahit na anong puwedeng gamitin laban sa lalake sa likuran niya! Ang tanging bitbit niya ay maliit na sling bag!
“Father! Father!” nagsisisigaw si Madie nang makita ang kura paroko ng simbahan. Kalalabas lang nito at mukhang patungo sa parking lot. “Father, tulungan mo ako!”
Nagulat ang pari sa kanya, bahagya pa iyung napaatras. Sa tingin ni Madie ay nasa 50s na ang naturang alagad ng Diyos.
Akmang ituturo ni Madie ang tao sa likod niya pero nagsalita na iyun.
BINABASA MO ANG
The Cavaliers: BREY
Chick-LitThe Cavaliers Book 1 “Hindi ako marunong umatras sa laban, lalo na kapag pag-ibig ang usapan.” Kung kalian nag-aagaw-buhay, saka naman tumibok ang puso ni Brey. Sino naman kasi ang hindi mai-in love sa isang babae na tila ipinaglihi kay Barbie Doll...