CHAPTER TWELVE

8.8K 252 5
                                    

CHAPTER TWELVE

DAHIL sa naturang krisis ay binigyan ng magagamit na kuwarto sina Brey, karugtong lang halos ng main headquarters. Doon sila nagpulong ng mga kasamang marines at PNP.

“Sir, tutulong ho kami sa abot ng aming makakaya,” pahayag ni Brey kay Supt. Secillano, ang PNP officer na in-charge sa binuong task force para mabawi sina Madie at Ava. “Alam ko hong kaya niyo ‘to pero please let me assist you sir.”

“Lt. Abesamis, I understand your concern. Sabi mo nga, malapit sayo itong mga nakidnap at alam kong gusto mo silang mabawi. Handa naman kaming makipagtulungan sayo dahil ikaw ang may lead sa naturang kaso.”

“Bok, anong balita sa cellphone ni Madie?” tanong ni Clyde sa gilid niya.

“Nawala na nga siya sa linya. Kanina, narinig ko pa habang bumibiyahe sila. Ang sabi, dadalhin sila sa boss nila. Pero naputol na e.”

“Wala bang paraan para mapa-trace natin ang cellphone?” tanong ni Clyde sa ilang technical persons na naroroon- mga taga-CCTV. Pero umiling sila.

“Kung iPhone 4 po sana sir saka naka-Synch sa amin, puwede po. May software application po kasing nakakapaghanap ng cellphone,” sagot ng isang nerd doon.

“I think andiyan na ang result ng pagpapa-trace natin sa plate number ng dalawang SUV,” pahayag ni Supt. Secillano.

Napag-alaman nina Brey na isang nagngangalang Damian Torres-Villa ang nagmamay-ari ng mga sasakyan. At vice-president iyun ng TV network kung saan nagtatrabaho si Ava!

“Bakit naman niya ipapa-kidnap ang artista niya?” tanong ni Clyde habang papunta sila sa TV network. Naka-convoy sila sa mga pulis.

“That, I want to find out. Kapag may nangyaring masama kay Madie, ewan ko nalang bok.”

“Madie? Akala ko ba si Ava ang gusto mo?”

Hindi na sumagot si Brey. He just drove like there was no tomorrow.

Tinakasan ng kulay si Damian Torres-Villa nang dumating sina Brey sa opisina niya. Nagimbal ang lalake nang sabihin ng PNP kung ano ang pakay nila. Hindi nito alam na nakidnap si Ava! But he was quick to tell the authorities na huwag iparating sa media ang nangyari. Baka daw kasi magkagulo. Sang-ayon naman si Brey dahil the less people involved, the better.

“P-pero…. ang asawa ko at dalawang anak ang gumagamit ng mga SUV. At ang alam ko, nasa Subic ang mga bata.”

“Nasaan ang asawa mo?” tanong ni Brey.

“She’s…. she’s with them. Hindi naman niya puwedeng iwan lang doon ang mga anak namin. Mga menor de edad pa ang mga iyun.” Sa loob lamang ng bente minutos ay biglang tumanda ng sampung taon ang itsura ni Damian Torres-Villa. Na-stress ito ng husto!

“Tell us about all the possible places na puntahan ng misis niyo,” wika ni Supt Secillano.

The Cavaliers: BREYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon