CHAPTER THIRTEEN

9K 246 1
                                    

CHAPTER THIRTEEN

“AVA! Ava!” Pilit na kumakawala si Madie habang hindi inaalis ang mga mata kay Ava. There was a terrified look in her beautiful face- naghalo ang luha at dugo sa pisngi niya.

“Madie! Madie! Ang mukha ko!” She was hysterical while trying to break free.

Sinubukan ni Madie na tumayo para makalapit kay Ava but it was almost impossible dahil mahigpit ang pagkakatali niya sa upuan na ubod ng bigat. She tried shouting for help pero duda siya kung may makakarinig sa kanila dahil ang tanging bintanang nakita niya ay yari sa salamin at nakasara iyun. May manipis pang kurtinang nakalagay.

“I don’t want to die! Ayokong mamatay!” Umiiyak si Ava.

“Hindi ka mamamatay. Malayo sa bituka ang sugat mo,” sagot ni Madie. Wala na kasi siyang maisip sabihin. Hindi makakatulong kung pati siya ay magpapanic.

Iniwan ba sila doon ng abductors nila para mamatay unti-unti? Nakatali sila at gugutumin? Baka maubusan na ng dugo si Ava dahil mukhang malalim ang sugat nito sa pisngi.

Paano ba nakakatakas ang mga bida sa pelikula kapag kinikidnap? Hindi naman siya katulad ng mga tao sa paborito niyang series na Heroes na may mga super powers. Wala siyang training sa self-defense at special tactics but she refuses to die without a fight. Sa loob-loob ni Madie, hindi naman puwedeng maghintay na lang sila kay kamatayan habang nakatali? Hell, no!

“Gamitin natin ang natitira nating lakas para makalapit sa isa’t isa. Alam ko mabigat ang upuan pero pilitin natin. Kailangang makawala tayo dito. This is our only chance,” ani Madie kay Ava. Tumango ang babae at tumigil sa kakaiyak.

Pinilit niyang gumalaw ng gumalaw, para kahit papano ay lumuwag ang tali at magkaroon ng movement ang upuan. Pinagpapawisan na siya pero parang hindi man lang umuusad ang upuan. It was very frustrating.

“Kasalanan ko ‘to,” narinig niyang wika ni Ava. Pagtingin ni Madie ay nakita niyang nanginginig ang babae, tila bigla itong tumanda ng limang taon. “Ako lang ang target pero nadamay ka.”

“T-totoo ba lahat ng sinabi nung babaeng… luka-luka?” Hindi agad nakasagot si Ava. Napayuko ito. “Sino ba ang tinutukoy niya?”

“Si Mr. DTV,” sa wakas ay sagot ni Ava. Nanlaki ang mga mata ni Madie sa narinig.

“As in si Mr. Damian Torres-Villa na Vice-President ng network?” Sa pagkakatanda ng dalaga ay nasa 40s na si Mr. DTV, ilang beses na rin niyang nakita ang vice president at mukha namang mabait. Pero hindi pa rin niya maubos maisip na kabit nito si Ava.

Tila nahuhulaan naman ni Ava ang mga naglalarong tanong sa utak niya. Ito na mismo ang nagkuwento. After all, ano pa nga naman ang gagawin nila kundi maghintay ng magliligtas sa kanila.

“Nagpaka-practical lang ako, Madie. Alam kong hindi panghabang-buhay ang pinasok kong propesyon.”

“Pero marami ka namang projects!” protesta ni Madie.

The Cavaliers: BREYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon