CHAPTER TEN

9.3K 247 2
                                    

CHAPTER TEN

“BOK, nawala ka naman kagabi. Akala ko lalabas pa tayo nina Junie.”

Nagulat si Brey nang biglang sumulpot sa harap ng table niya si Clyde. Kanina pa siya nakaharap sa computer pero wala roon ang atensiyon niya. For the first time in his life- nag-daydreaming siya!

“Bakit parang nakakita ka ng multo?” Kinuha ng mistah niya ang bakanteng upuan saka pumwesto sa harap niya. “Anong meron?”

“Wala. May iniisip lang ako.” Sinubukan ni Brey na magmukhang busy by looking at some documents na nasa table niya pero matinik si Clyde.

“Babae, bok? Yung kasama mo sa party?” Nakangisi ang lalake sa kanya. Hindi siya sumagot. “Akala ko ba yung type mo e yung boss niyang artista?”

Natawa si Brey sa sinabi ni Clyde. That was his exact thought- si Ava ang gusto niya, pero si Madie ang nasa isip niya simula kagabi hanggang sa mga oras na iyun.

“Hindi ko pa nakikita ng personal yung artista na crush mo ha, pero yung kasama mo kagabi….”

“Ano?” Napatingin siya sa mistah. Binitin pa siya nito!

“Maganda siya at may class ang dating. I mean, simple pero alam mong hindi basta-basta. May mga babae kasi na kahit gaano kamahal ang suot na damit at kadami ang alahas sa katawan, hindi pa rin impressive kasi alam mong may kulang.”

Alam ni Brey na pihikan sa babae si Clyde kaya wala pa rin itong girlfriend at bihira lang ito kung pumuri kaya alam niyang nagsasabi ito ng totoo.

“Sociology major siya sa UP Diliman. “ He felt proud for Madie. “Nag-iipon daw siya para maka-graduate.”

“Matalino at masipag- two good qualities in a woman, bok.” Kumindat si Clyde kaya natawa niya ng malakas.

“Sira!” Itinaboy na niya ang mistah para hindi nito Makita ang pamumula niya.

Gusto nang mainis ni Brey sa sarili. Dati naman kasi ay hindi siya madaling maapektuhan sa mga panunukso dahil immune na niya at sinanay na niya ang sarili na maging bato. Pero bakit lately ay daig pa niya ang balat-sibuyas? Naisip tuloy niya na nagiging mahina yata siya sa siyudad!

I wonder what she’s doing right now.

IT WAS just a kiss. Ni hindi nga yata umabot ng sampung segundo yun pero hindi pa rin iyun makalimutan ni Madie. Para siyang nasapian ng clown kinabukasan- nakangiti siya the whole day! Kahit nang sunduin niya si Ava sa airport nang gabing iyun ay hindi pa rin nawawala ang ngiti niya.

“Napano ka?” puna sa kanya ni Ava. “Nanalo ka ba sa lotto?”

“Hindi ha!” mabilis na sagot ni Madie. “Masaya lang ako.”

“Bakit?”

The Cavaliers: BREYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon