CHAPTER SIXTEEN

10.2K 271 2
                                    

CHAPTER SIXTEEN

UP Diliman Campus. Six months later.

KATATAPOS lang ng huling klase ni Madie for the first semester at dahil officially ay sem-break na, naisip niyang maglakwatsa sa mall at manood ng sine. Pero hinihintay pa niya si Oliver sa may Sunken Garden kasama ang kaklaseng si Joy.

“Friends lang talaga kayo ni Oliver? Sigurado ka?” tanong sa kanya ng babae. Tumango siya. “Pero lagi kayong magkasama. Saka bagay naman kayo. Hindi ba siya nanliligaw?”

“Wala. Platonic lang talaga,” sagot ng dalaga.

Mas bata sa kanya ng isang taon si Oliver, naging kaklase niya ito two years ago, bago siya tumigil sa pag-aaral. Natuwa ito nang makita siyang nakabalik sa campus, lalo na at pareho pa silang graduating. Naging madalas tuloy ang pagkikita nila at mas naging close- to the point na napagkakamalan na silang dalawa. Katulad na lamang ng tanong ni Joy sa kanya. Iilan lang ang masasabi niyang kaibigan sa loob ng UP. Ang iba kasi niyang ka-close ay graduate na. Si Joy ay nitong semester lamang niya naging kaklase at kahit papano ay naging close sila.

“Kung ako ang nasa kalagayan mo, hindi ako papayag na platonic lang kami ni Oliver!” narinig niyang komento ni Joy.

“Crush mo siya?” natatawang tanong ng dalaga.

“Hindi naman gaano. Pero crush ng bayan kaya yang si Oliver!” bulalas ng babae. “Nakita mo naman, guwapo, university scholar, mabait at magaling magdala ng sarili. May sarili pang kotse, at least libre ang ride.” Pareho silang nagkatawanan.

“Okay naman siya e. Nakakatuwang kasama.”

“Naku Madie, kung alam mo lang kung gaano karaming babae ang naiinggit sayo dahil lagi kayong magkasama ni Oliver!”

Natawa ang dalaga sa huling sinabi ni Joy. Minsan, nakakalimutan niyang bata pa rin naman siya at ang mga kaklase niya ay mahilig pa rin sa mga kilig topics. Sa dami ng naranasan niya habang nagtatrabaho kay Ava ay nawala sa isip niya ang mga simpleng saya na tulad ng chismisang ginagawa nila ni Joy.

“Pakisabi sa kanila, hindi ako threat sa pag-ibig nila kay Oliver.”

“Di mo talaga siya type?”

“May iba na akong mahal e.” Nanlaki ang mga mata ni Joy sa sinabi niya.

“Sino? Oh my God. Wala kang sinasabi sa akin!” Nakatingin sa kanya ang babae, naghihintay ng sagot niya.

Naisip ni Madie na wala namang masama kung ikuwento niya kay Joy ang tungkol kay Brey- after all, matagal na niyang dinadala iyun sa kanyang dibdib. Sa loob ng fifteen minutes ay ikinuwento niya sa babae ang tungkol kay Brey- the summarized version of how they met at kung paanong may gusto ang lalake kay Ava pero dalawang beses na siyang nakipaghalikan rito. Pati ang kidnapping na naganap at kung paano sila na-rescue. At ngayon nga ay wala na siyang balita tungkol sa lalake. Laglag ang panga ni Joy pagkatapos niyang magkuwento.

The Cavaliers: BREYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon