CHAPTER FOURTEEN

9K 263 3
                                    

CHAPTER FOURTEEN

BIGLANG bumukas ang pinto. Napapikit ang dalaga dahil feeling niya bumalik ang mga kidnappers at this time ay papatayin na sila.

“Madie! Madie!”

“Brey?!” Hindi makapaniwala ang dalaga. Nasa harap niya ang lalake at kinakalagan siya. Mabilis ito kumilos. Nakita niyang maraming kasama si Brey. Ang isang lalake ay kinalagan din si Ava.

“Kailangang madala sa ospital si Miss Ava!” sigaw ng kasama ni Brey.

“P-papano…. Papano niyo nalaman na nandito kami?” Nakumpirma ni Madie na hindi siya nananaginip o nagdidiliryo lang nang yakapin siya ni Brey matapos matanggal ang tali.

“God, mabuti nalang at ligtas ka. Ligtas kayo.” Agad ding kumalas si Brey sa kanya at nilapitan nito si Ava. Naglabas ito ng panyo saka pinunasan ang mukha ng artista. “Let’s go to the hospital.”

“Thank you.” Humawak si Ava sa braso ni Brey. Nakatingin lang si Madie.

Mag-isang tumayo ang dalaga. Isang pulis ang lumapit sa kanya at umalalay. Hanggang sa makasakay sila sa sasakyan ni Brey ay halos hindi hinihiwalayan ng lalake si Ava. Sa front seat pa niya ito pinaupo- samantalang siya ay nasa likod, katabi ang isang lalakeng nagngangalang Clyde.

Habang nagda-drive ay ikinuwento ni Brey kung pano sila natunton. As it turned out ay sa may A. Bonifacio Street pala sila dinala ng mga kidnappers nila- malapit sa C3. Nahuli sina Mrs. Torres-Villa sa may North Luzon Express Way- papunta sana ang babae sa Subic. Ang hindi nito na-anticipate ay ang pagkakaroon ng GPS tracker ng dalawang SUV nila, na matagal na palang ipinakabit ni Damian Torres-Villa. Hindi pa sana aamin si Mrs. Torres-Villa pero nang makita nito na kasama ng mga pulis ang kanyang asawang si Damian ay sinabi rin nito kung saan dinala ang mga kinidnap. At alam din pala ni Damian Torres-Villa ang bahay na iyun dahil nakatakda na nilang ibenta ang naturang property.

Nakiusap naman si Ava na wag nang iparating sa media ang nangyaring kidnapping. At inamin nitong ayaw na niyang magsampa ng reklamo.

“Pero kelangan nilang pagbayaran ang ginawang kasalanan!” protesta ni Brey.

“Ang importante ay ligtas kami. Ayokong maging circus ang buhay ko. Kahit itong pagpunta sa ospital, kung puwede nga lang na hindi na rin malaman ng ibang tao.”

“May tita akong duktor sa Chinese General Hospital. Doon na tayo tumuloy,” suhestiyon ni Clyde. “At least malapit na yun dito.”

Bago makarating sa naturang ospital ay natawagan na ni Clyde ang tiyahin kaya may sumalubong na sa kanila sa may entrance. Dinala sila sa emergency room at agad na ginamot si Ava. Pati si Madie ay chineck-up na rin. Matapos magamot ay agad na dinala sa isang private room si Ava para doon na tanungin ng mga pulis na sumunod.

“Magpahinga ka muna,” narinig ni Madie na pahayag na Brey. Nasa isang separate na kuwarto siya, katabi ng kay Ava. “Puwede kang matulog muna.” Lumapit sa kanya ang lalake saka masuyo nitong hinimas ang ulo niya.

“Okay lang ako,” sagot ng dalaga. Bakit ganun? Nasa tabi niya si Brey pero nakakaramdam siya ng lungkot. Gusto niyang umiyak ng umiyak.

“You don’t look okay to me. After what you’ve been through, I know you deserve a decent sleep.” Mukha ding harassed ang itsura ni Brey, magulo ang buhok nito at gusot ang puting tshirt. “Alas onse na ng gabi.”

Hinalikan siya nito sa noo. Mayamaya ay hinahalikan na siya sa labi. Pumikit na lamang ang dalaga at nagpaubaya. Baka halik ni Brey ang magpapaalis sa lungkot na nararamdaman niya!

Biglang bumukas ang pinto kaya biglang napaatras si Brey. Para namang naalimpungatan ang dalaga. Nakita niyang pumasok ang nanay niya, umiiyak ito. Kasunod naman ang tatay niya at dalawang kapatid.

“Anong nangyari, anak?” Hinawakan siya ng nanay niya at naramdaman niyang nanginginig pa ito. Bigla siyang naawa sa nanay niya- tiyak na grabe ang emotional stress na pinagdaanan nito. “Nakidnap ka daw.”

Hindi na napigilan ni Madie ang mga luha. Napaiyak siya nang makita ang pamilya. Hindi niya kasi akalain na makikita niya pa ang mga iyun. Hindi na rin niya namalayan na nakalabas na pala si Brey.

“OKAY ka lang, bok?” tanong ni Clyde sa kanya. Ang lalake na ang nag-volunteer na mag-drive ng sasakyan niya dahil mukha umano siyang nasalanta ng bagyo.

“Ngayon ko lang naramdaman ang pagod at gutom. Ni hindi pa pala ako nagla-lunch, hindi rin ako nakapag-dinner.” Kumakalam na ang sikmura niya. “Hanap muna tayo ng makakainan, kahit drive-thru lang.”

“Kanina ko pa nga sinasabi sayo na kumain ka muna, kaso di mo naman ako naririnig. Ang atensiyon mo ay nasa dalawang chicks.”

“Ano ka ba, siyempre nakidnap sila.” Lihim na namang nagpasalamat sa Diyos si Brey. Hindi niya alam ang gagawin kung may masamang nangyari kina Madie. “Saka naaawa ako kay Ava. Nakita mo naman ang nangyari sa mukha niya.”

“Sino ba talaga ang gusto mo sa kanila? Yung artista o yung kasama?” Nakatingin sa kanya ang mistah.

Kahit papano ay natawa si Brey sa sinabi ni Clyde. “Sira-ulo. Kung anu-ano ang hinihirit mo diyan. Ayan ang Mcdonald’s o, dumaan muna tayo!”

Habang nag-o-order ay napaisip din ang binata. Sino nga ba talaga ang mas matimbang sa kanya?

The Cavaliers: BREYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon