CHAPTER FIFTEEN

9.2K 270 6
                                    

CHAPTER FIFTEEN

NAGING mabilis ang mga pangyayari. Halos hindi na namalayan ni Madie ang mga oras. Pagkatapos masigurong wala namang napinsala sa kanya ay pinalabas na rin siya, samantalang si Ava ay inilipat sa St. Luke’s Hospital. Nagkaroon ng news black out sa nangyaring kidnapping sa kanila- ni hindi nakarating sa media at sa publiko ang insidente.

Sinabihan siya ni Ava na magbakasyon muna sa bahay nila ng ilang araw. Ayaw sana ni Madie pero mahigpit ang bilin ng artista na huwag na muna siyang dumalaw sa ospital. One week later ay pinatawag siya ng babae. Sa Shangri-la Hotel sa Makati siya pinapunta dahil doon tumuloy si Ava nang makalabas sa ospital.

“Take this.” Isang cheke ang iniabot sa kanya ni Ava. Nang tingnan iyun ni Madie ay muntik na siyang malaglag sa kinauupuan.

“One million?” Halos hindi niya mabigkas ang naturang halaga. “Saan galing ito?”

“Let’s just say na binayaran ako ng malaking halaga para hindi na ako magsalita at magdemanda sa nangyari sa atin.” Itinuro din ni Ava ang mukha niya na may bandage pa rin. “Magpepeklat yan, unless ipa-cosmetic surgery ko.”

“Pero…. pero ang laki nito.” Kahit malamig sa loob ng suite room ay biglang pinagpawisan si Madie. Nakaramdam din siya ng pagkabalisa sa tiyan. Magkaka-anxiety attack pa yata siya!

“Malaki talaga ang kapalit ng eskandalo. Pinag-isipan ko din namang mabuti. Di ba sinabi ko sayo, nakapag-ipon na rin naman ako kahit papano. May magagamit ako para sa negosyo kapag hindi na ako nag-artista. And then this- ang ibinigay sa akin na halaga is more than enough to start a new life.”

“Titigil ka na sa pag-aartista?”

“Oo. Pagod na rin naman ako. Walang katapusan ang competition, lagi akong kinakabahan tuwing may bagong mukha sa showbiz, lahat ng gawin ko nasa tabloid, para akong laging nakatulay sa alambre. Lagi akong pagod, pakiramdam ko lahat ng tao, gusto lang akong gamitin. Gusto ko nang magkaroon ng normal namang buhay.”

“Paano ang mga commitments mo? Ang mga shows? Ang pelikula?”

“Tapos na yung pelikula di ba? Sila na ang magpromote. Papatayin na rin ang character ko sa teleserye. Si Damian na ang bahala sa termination ng contract ko sa kanila. Okay na kami, nag-usap na kami.”

“Anong sabi niya? Nasaan ang asawa niyang may topak?”

“Nasa ospital. Nagka-nervious breakdown. Sabi ko doon na siya sa pamilya niya dahil ayoko ng gulo.” Mapait ang ngiti ni Ava. “Mami-miss ko din naman ang showbiz, pero it’s time to move on.”

“Ano ang balak mo?”

“Mag-a-abroad. Magpapahinga at mag-iisip muna. Bahala na kung ano ang plano sa akin ng Diyos. Ipinagdasal ko nang gabayan Niya ako.” Tiningnan siya ni Ava. “Ikaw, anong plano mo?”

“Babalik sa school. Alam mo namang yun ang priority ko.”

“Oo nga. Naiinggit nga ako sayo, kasi noon pa man, alam mo na talaga ang gusto mo. Naisip ko ring bumalik sa pag-aaral. Tutal hindi pa rin naman huli ang lahat.”

“Bakit nga ba hindi? Kung magnenegosyo ka, mas maganda kung may background ka sa marketing or finance.”

Nag-uusap pa sila nang tumunog ang doorbell. Napatingin tuloy si Madie kay Ava. “May ini-expect ka pang bisita?”

“May dinner lang diyan sa baba. You can join us if you want.” Tumayo si Ava saka nagtungo sa pinto para buksan iyun.

Ipinasok naman ni Madie ang ibinigay na cheke sa kanya ni Ava. Hindi pa rin siya makapaniwala sa laki ng amount na nakalagay doon.

“Hi Madie!” Nagulat ang dalaga nang makitang si Brey ang tinutukoy ni Ava na ka-dinner nito!

“Hi.” Alanganin tuloy ang ngiti ng dalaga. Bakit nandito ka, gusto niyang itanong sa lalake. But of course, alam niya kung bakit. May gusto ito kay Ava!

“Magdi-dinner kami ni Ava sa baba. Sumama ka na sa amin.” Naka-light brown na polo ang lalake at naka-dark jeans. Bagong gupit din ito.

Nakaramdam ng kurot sa puso si Madie habang tinitingnan si Brey. Matikas ang tindig ng lalake, mukhang kahit anong giyera ay hindi aatras. Bagay ito kay Ava dahil he looked every inch of a cavalier ready to fight for his princess. Brey looked like a knight, minus the shining armor.

“May pupuntahan pa kasi ako,” tanggi ni Madie. “Thank you nalang.”

“Sigurado ka? Sinong kasama mong uuwi?”

“Marami namang taxi sa baba,” sagot niya kay Brey.

“I’ll call you tomorrow,” wika naman ni Ava. Tumango ang dalaga.

Nang makalabas ng kuwarto ay halos takbuhin niya papuntang elevator. Laking pasasalamat niya nang makita niyang may taxi sa harap ng lobby. Pagsakay niya ay agad niyang sinabi kung saan siya pupunta. Saka siya umiyak.

AFTER several days ay naglabasan na ang mga balita tungkol sa biglaang pagretiro ni Ava sa showbiz. By that time ay nasa Singapore na ang babae, nagpapagamot ng mukha. But of course, it was all confidential. Marami ang nagtaka at nagtanong kung ano ang dahilan ni Ava. Maging si Madie ay dinagsa ng mga tawag at inquiries kung bakit tatalikuran ni Ava ang pag-aartista. Walang sinabi ang dalaga sa press, sa halip ay ang abogado ni Ava ang pinaharap niya. She also changed her personal number para hindi na siya makontak ng mga gustong makiusyoso tungkol sa artista.

Wala na rin siyang narinig mula kay Brey. Naisip niyang mabuti na nga rin at kusa nalang nawala ang lalake sa buhay niya. At least matatahimik na siya.

The Cavaliers: BREYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon