Kabanata 1

108 6 2
                                    

Ang Ikaunang Kabanata

Year 1994

"Cassandra Vasco!" tawag sa akin ng bestfriend kong si Mia. Lumingon naman ako kaagad sa kanya.

"What?" sagot ko.

Nagulat naman ako nang hawakan niya ang mukha ko.

"Cass nandito yung crush ko!" sigaw niya, tumingin naman ako sa direksyong tinitingnan niya. Nang makita ko na kung sinong kinakikiligan niya ay bumalik na ako ng tingin sa kanya.

"So?" mataray kong saad.

Tumaas naman ang kilay niya.
"Aba naman ah! Ginaganyan mo na ako ha!" kunyaring galit niyang sabi. Napangisi na lang ako dahil halatang hindi siya galit.

"Eto naman oh biro lang." sabay batok sa kanya. Natawa naman siya kaya mukha kaming tangang nakatakas ng mental na tumatawa nang mag-isa sa gitna ng campus.

Napatigil kami sa biruan at kakatawa nang marinig namin ang pagtunog ng bell.

"Cass halika na! Baka malate tayo sa First day natin." pag-ayayang sabi ni Mia.

Tumayo na ako at sinuot na ang mini bag ko pero bago ako maglakad ay lumingon ako sa mga babaeng kinikilig dahil sa campus crush ma binansagan nila dito sa UST. Nagtama ang paningin namin at nahuli ko siyang nakatingin sa akin.

"Cass Tara na!" tawag sa akin ni Mia.
Tinarayan ko na lang yung lalaking nakatingin sa akin. Pero ilang saglit lang ay ngumiti siya sa akin. Susugod na sana ako kaya lang nahila na ako ni Mia. KAINIS!

Siya lang naman si Alexander Carl Nepomuceno, kilala bilang campus crush ng UST. Galing sa mayamang pamilya, at apo ng may-ari nang UST.
Malaki ang respeto ng mga estudyante sa kanya dahil isa siya sa mga nasali sa topnotcher. Oo, pogi siya pero napakamayabang naman. Aanhin mo pa ang magandang itsura at katalinuhan kung wala din kwenta ang ugali mo.

"Huy!Ayos ka lang?" napabalikwas ako nang upo nang tawagin ako ni Mia. Nandito na pala kami sa room.

"Oo ayos lang ako may iniisip lang." saad ko.

"Baka si----" hindi na natapos ni Mia ang sasabihin niya ng dumating na ang propesor namin.

"Goodmorning Students! Before we start, may gusto akong ipakilala sa inyo." kinikilig na saad ng propesor ko.

Napatingin naman ako sa labas at hindi na ako nagulat dahil nandito ang dean. Sa pogi ba naman.

"Meet our handsome dean!" kinikilig na sabi niya.

Napatingin naman kami sa kanya dahil sa sinabi niya.

"Oh I mean our Dean." nahihiyang sabi niya.

Pumasok na ang dean at bumati sa amin.

"Goodmorning Students!!" masayang bati niya sa amin.

"Goodmorning Sir!" pabalik naming bati namin sa kanya.

"Mukha namang kilala niyo na kung sinong kasama ko. Right?" saad niya.

"Opo!" sigaw ng nga babae kong kaklase. Huh?

"Halika na dito." tawag ng dean doon sa lalaking naghihintay sa labas ng pin--- WHAT! ANONG GINAGAWA NG LALAKING YAN DITO?!

"I want you to all to meet my nephew. Siya ang bagong kaklase niy---" hindi pa natatapos ng dean ang sinasabi niya nang sumigaw ang mga kaklase at nang dahil sa pagngiti nang mokong na'to.

HINDI PWEDE ITO! IYANG MAYABANG NA IYAN ANG MAGIGING KAKLASE KO. AYOKO NGA!

**************************

THANK YOU FOR READING!

VOTE AND COMMENT!

Our Lovestory (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon