Kabanata 17

35 1 0
                                    


Ang Ikalabing-Pitong Kabanata


"Ang swerte mo!" kinikilig na sabi sa akin ng babaeng kaklase ko.

"Hindi naman" nahihiya kong sabi. Hindi ako sanay na pinupuri. Nahawa na siguro ito kay Mia. Ang hilig-hilig mamuri.

Nakakaloka!

"Pero ang tanong bakit ganun yung reaksyon ni Sir Francis?" saad niya.
Napatingin ako sa ibang direksyon nang maalala ko ang nangyari kanina matapos i-announce ni Kristina ang mga gaganap sa gaganapin na roleplay namin.

Flashback.

Sa pagsilay ng aking ngiti ay siyang pagkagulat naming lahat nang padabog na tunog ang narinig namin mula sa pintuan.

"Anong nangyari kay Sir Francis?" nagtatakang tanong ng mga kaklase ko.

Wala ni isang may alam kung bakit ganun ang reaksyon ni Sir Francis. Pati na din si Kristina na nakatulala pa din sa pintuan.

"Hayaan niyo na pagod lang siguro si Francis" nakangiti na si Kristina ngayon.

Ngumiti na lamang kami sa kanya at inintindi ang dahilan ni Sir Francis.

Sana ganun nga ang dahilan niya..

End of Flashback.

Kasakukuyan akong nag-aayos ng gamit ngayon. Kanina pa lumabas ang mga kaklase ko. At oras na para umuwi. Hindi ko mawari sa isipan ko kung naguguluhan din ako sa naging reaksyon ni Sir Francis kanina. Siguro dahil pagod lamang siya. Mahirap din siguro ang maging professor.

Nilagay ko na sa shoulder ang bag ko. Naglakad na ako paalis ng room namin pero hindi pa ako nakakahakbang ay may tumawag sa likod ko.

"Baby C!" kumunot ako sa narinig ko. Agad akong lumingon at siyang pagkakamali ko naman dahil napakalapit ng mukha niya sa akin.

Alexander The Mokong.

"Oh!" sigaw ko. Napangisi siya sa naging reaksyon ko.

Kaaagad akong lumayo para maiwasan ang mga mata niyang nakatingin sa akin. Hayss talagang mokong 'to. Inirapan ko siya na ikinatawa na naman niya.

"Saya mo noh?" masungit kong sabi. Ngumiti lang siya sa akin at itinaas ang kamay niya para guluhin ang buhok ko.

"Ang cute cute mo kase" he giggled.

Sira.

Inipakan ko ang paa niya at dahil hindi niya inaasahan yun ay napasigaw siya sa sakit.

"Masakit?" nang-aasar kong sabi habang pinagmamasdan siyang mangilipit sa sakit.

"Ayan ang nababagay sa mga mokong na katulad mo" nang-aasar ko na namang sabi.

"A-aray!" nawala ang ngisi ko nang napansin kong umiyak siya. Hala!

"Anyare sayo?" nagtataka kong sabi.

Hinawakan ko ang kamay niya para alalayan siya. Patuloy pa din siyang lumuluha.

"Bakit ka umiiyak, Alexander?" nag-aalala kong saad.

Umiiyak pa rin siya na parang bata. Hindi ko alam ang gagawin ko dahil humahagulgol siya. Hinawakan ko ang mukha niya para punasan ang luhang pumapatak sa mga mata niya. Pero laking gulat ko nang hawakan niya ang mukha ko at akala ko ay hahalikan niya ang labi ko pero nilapit niya ang labi niya sa noo ko. Marahan niyang hinalikan ang noo ko. Hindi ko alam ang gagawin ko kung itutulak ko siya palayo o hahayaan ko na lamang siyang gawin iyon. Pero sa nararamdaman ko ngayon ay nakakapagtaka dahil maski magalit ako ay natutuwa ang puso ko sa ginawa niya. Naramdaman kong binitawan niya na ako at humarap sa akin na tulala pa din.

Our Lovestory (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon