Kabanata 35

30 0 0
                                    

Ang Ikatatlong Pù't Limang Kabanata


"Gusto kong iparamdam sayo ang bilis ng tibok ng puso ko" hinawakan niya ang kamay ko at inilapit ito sa dibdib niya. Naalarma ako nang maramdaman ko ang bilis ng tibok ng puso niya. Kaya agad-agad kong binitawan ang kamay ko mula sa dibdib niya.

"Ah pasensya na mauuna na ako" hindi ko hinintay pang magsalita siya, umalis ako agad-agad. Balisa akong umupo sa pwesto ko. Masyadong okyupado ang isipan ko kung kaya't hindi ko na sigurado kung sino kasama ko.

Baka mamaya iba na naupuan kong pwesto. Lagot ako!



"Isabella, pinapasabi ng iyong kasamahan na ika'y maghanda na. Kanina ka pa nila hinahanap ngunit hindi ka nila masumpungan" Saad ni Ate Teresa. Tumango na lamang ako at tumayo na upang magpunta sa sinasabi niya.

Mabuti na lamang ay sinenyasan ako ni Mia ay este Francisca kung saan ang mga kasama ko. Ngumiti na lang ako para hindi ipahatalang kinakabahan ako. Tumabi ako sa gilid malapit sa mga kasama ko. At kahit man nahihiya ako nagawa ko pa ding tumabi sa kanila.

Galing, no!


"Isabella, ika'y luminya na dito sapagkat magsisimula na" sumunod na lamang na hindi nakakasigurado. Napatigil na lang ako nang mapagtanto ko kung saan nila ako ipipila.

"Bakit ka tumigil, Isabella?" Saad ng babae sa akin. Napalunok ako dahil lahat ng tingin nila ay tutok sa akin.  Taka sila nakatingin habang ako ay hindi alam ang gagawin.

"Ano pa ang iyong ginagawa riyan?" Napalingon ako ng marinig ko ang pamilyar na boses sa akin. Nanlalaki ang mga mata ko nang mabosesan ko kung sino siya.

Lumapit siya sa akin at hinawakan ang kamay ko. "Halika na, Isabella" hinila ako ni Matilda papunta sa unahan ng linya. Gustuhin ko mang pigilan siya pero baka magtaka siya sa ginawa ko.

Wala na lamang akong nagawa kung hindi tumunganga dito. Kinakabahan ako dahil hindi ko alam ang gagawin ko. Pinaglaruan ko ang mga kamay nang dahil sa kaba.



Hindi ko alam yung stepss!


Kinabahan na ako ng marinig ko na ang kanta. Hudyat na sasayaw na kami. Natataranta akong tumingin sa kasamahan ko pero nakita ko silang nakahanda. Nagpapadyak ako sa inis at wala nagawa kundi gayahin ang ginagawa nila. Nawala ang kaba ko ng makita ko si Mia ay este Francisca na senyasan kong kaya ko ito. Ngumiti ako dahil nahimasmasan ako ng kaunti. Ngunit naroon pa din ang kaba.

Naglakad na ako at buti na lamang ay may makakasalubong akong sasayaw. Ginaya-gaya ko ang steps nila kahit nahuhuli ako. Mabuti na lang din ay kay Matilda ang tingin nila at hindi sa akin. Iyon lamang ang pinanggagawa ko hanggang sa matapos na ito.

"Hayss" saad ko nang maka-upo ako sa upuan. Nawala na din ang kaba ko dahil natapos ko na din ang task ni Isabella.

Aakmang kukuha sana ako ng maiinom nang may maglapag na basa ng tubig sa harapan ko. Lumingon ako at tama nga ang aking hula.

Si Mokong.


Umupo siya sa tabi ko at ngumiti sa akin. "Ang husay mong sumayaw" puri niya. Nagulat ako nang ilagay niya ang kamay niya sa dulo ng upuan ko. Kaya napausog ako kaagad.

Our Lovestory (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon