Kabanata 18

38 1 0
                                    


Ang Ikalabing-Walong Kabanata


Kasalukuyang nagsisimulang mag-praktis ang mga kaklase ko sa stage. Habang ako ay isinasaulo pa lang ang mga lines ni Isabella. Dapat kanina pa ako natapos kaya lang inuna ko pa ang excitement ko. Binasa- basa ko lahat ng lines niya ng mabilis. Kaya eto ako ngayon nagmamadali dahil ako na ang susunod na magpapakitang gilas sa stage. Pero kahit ganun ay nae-excite ako. Binilisan ko pa ang pagsasaulo. Inulit-ulit ko pa ang mga lines na iyon para hindi ko makalimutan.

"Hindi ka pa pala tapos" nagulantang ako ng marinig ko ang boses ni Alexander. Haysss akala ko kung sino na.

"Hindi pa" saad ko na hindi nililingon si Alexander.

Itinuloy ko na ang pagsasaulo sa isip dahil ayokong marinig niya ang maganda kong boses. Wag sa ngayon mamaya mo na lang paringgan iyon para suprise. Naramdaman ko ang pag-upo niya sa tabi ko pati na ang pagmamasdan niya sa akin habang nakapikit ako. Mahulog ka sana dyan!
Hinayaan ko na lang ang presensya niya at itinuon na lang sa pagsasaulo. Pero ilang sandali lang ay hindi na ako nakapag-pigil. Ewan ko na kung bakit ako nahihiya sa kadahilanang tinitignan niya lang ako.

"Pwede bang iwan mo muna ako dito?" pangungulit ko. Naramdaman ko naman ang pagtawa niya ng mahina.

"Wag mo akong pagtawanan dyan" saad ko habang nakapikit.

"Ang cute mo pala kapag nakapikit" bigla ko namang iminulat ang mga mata ko at diretsong tumingin sa kanya.

"Oh? Iyan lang pala ang makakatuon sayo ng atensyon sa akin eh" biro niya. Tinaasan ko siya ng kilay at sinenyasang hindi ako natutuwa sa pinagsasabi niya.

"Tigil-tigilan mo ako, Mokong. Kung hindi makakatikim ka sa akin ng palo" banta ko. Ipinikit ko muli ang aking mga mata at nagsaulo na. Buti na lang ay marunong siyang sumunod kaya napagaan na ang pakiramdam ko dahil sa wakas makakapag-saulo na ako ng maayos ng tahimik.

Pero malapit na sana ko sa katapusan ng huling line ay nakaramdam ako ng malamig na bagay sa palapulsuhan ko. Iminulat ko ang aking mga mata at tumingin sa pulso ko. Napakunot ang noo ko nang makita kong may bracelet na nakasuot sa akin. Kunot-noo akong tumingin kay Alexander na ngayon ay pinapanood ang reaksyon ko.

Magsasalita na sana ako pero inunahan niya na ako.
"Wag ka ng magtanong kung bakit ko ibinigay iyan dahil uunahan na kita" paliwanag niya.

Mas lalo naman ang nagtaka sa sinabi niya. "Napansin ko kasing hindi mo isinusuot yung ibinigay ko sayo noong kaarawan mo" naalala ko naman ang silver na bracelet na niregalo niya sa akin. Oo nga pala! Masyado kasi akong ginulo sa nangyari noong gabi ng kaarawan ko kaya nakalimutan kong isinusuot iyon.

Ngumiti ako ng nahihiya sa kanya.
"Pasensya na" nahihiya kong sabi.
Ngumiti lang siya sa akin at pinat na naman ang ulo ko na lagi naman niyang ginagawa sa akin. Hayss hindi na ako nasanay sa kanya.

"Naiintindihan ko saka kapag umaalis mo lang naman pwedeng suotin iyon" tugon niya.

"Pero ito namang ibinigay ko sayo ay lagi mo naman sana suotin" turo niya sa binigay na nakasuot sa akin. Isa siyang simpleng bracelet na gawa sa kahoy. Nakaukit doon ang isang bulaklak sa gitna.

"Ang ganda" bulong ko namg nakangiti.

"Kagaya mo" sabat niya. Tumingin ako sa kanya na natatawa.

Our Lovestory (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon