Kabanata 19

34 1 0
                                    


Ang Ikalabing-Siyam na Kabanata


Patuloy pa ding humahagulgol si Matilda habang yakap-yakap ko siya. Hindi ko mawari sa aking isipan kung bakit ba bigla na lamang siyang umiyak nang makita ang bracelet na binigay sa akin ni Alexander.

"Anong problema Matilda?" naguguluhan kong tanong. Naramdaman kong unti-unti na siyang nahimasmasan kaya humiwalay na siya sa akin. Inabutan ko siya ng panyo na agad naman niyang tinanggap.

"Bakit ba ganyan ang reaksyon mo nang makita mo ang bracelet na suot ko?" muli kong tanong sa kanya. Tumingin siya sa akin na nagmumugto ang mga mata dahil sa sobra-sobrang pag-iyak.

Umiling siya sa akin at ngumiti.
"Ah may naalala lang akong hindi maganda" saad niya.

Napatango na lang ako kahit hindi ako sigurado kung nagsasabi ba siya ng totoo.
"Wag mo sanang kakalimutan na magsabi ka lang sa amin ha" ngumiti siya  sa akin at yumakap muli.

Hindi mo man sabihin sa akin, Matilda. Alam kong hindi ka okay.

"Oh anyare na?" Nagulat na tanong ni Mia na kararating pa lang. Wala siyang alam! Joke.

"Wala napuling lang ako" pagsisinungaling na sabi ni Matilda.
Napa-ahh na lang si Mia na parang sinang-ayunan na lang ang sagot ni Matilda.

Umupo na siya at tumabi sa amin. Nag-open siya ng ibang topic na pinakisamahan na lang namin. Magaling din ito sa pag-iiba ng usapan.

Lumipas ang ilang oras ng pagkwe-kwentuhan namin ay napagdesisyunan na naming umiwi dahil mag-gagabi na. Tumayo na din kami at nagpaalam kay Matilda.

"See you in Monday!" Saad ko kay Matilda. Nae-excite din siya dahil nasabi ko sa kanya na ako ang bida.

"Oo naman" saad niya.

Yumakap kaming dalawa sa kanya ng mahigpit. Parang nararamdaman kong ayaw namin siyang pakawalan. Eh kasi ilang araw na naman namin siyang hindi makikita.

"Aasahan namin iyon, Ha!" masayang saad ni Mia.
Tumatawang napatango na lang si Matilda dahil umiiral na naman ang kakulitan ni Mia ngayon. Pagkatapos naming magpaalam ay umuwi na kami.

Kinabukasan ay ginising ako ni Nay Elisa dahil magsisimba kami.  Namimiss ko na din ang magsimba.
At para na rin naman makahiling ako na sana maging successful ang roleplay namin bukas. Namili na ako ng damit. Pinili ko na lang ang white dress at agad na akong pumasok nang cr. Pagkatapos kong mag-ayos ay sinuot ko na ang bracelet na binigay ni Alexander. Kahit man na nagugulugan ako sa bracelet na ito. Weird.

Bumaba na ako ng tawagin na ako nina Mommy At Daddy. Bumungad sa akin ang pormal na suot nila. Nakapink dress si Mommy habang si Daddy ay naka-polo na kulay pink din. Sweet naman.

Si Kuya Anthony naman ay nakabarong. Charot. Naka-kulay white polo at nakapantalon siya, naka-gel ang buhok niya na nakapagbagay sa outfit niya ngayon. Pero inaamin ko mukha siyang ibuburol sa suot niya hindi mukhang ikakasal. At dahil nasa mood ako ngayon inasar ko siya.

"Kuya, kulang na lang magpakuha na kami ng kabaong mo para sayo. Gusto mo na bang mag-order na ako ngayon. Sila Mommy at Daddy ang bahala sa libingan mo." Natatawa kong biro. Narinig kong tumawa sila Mommy at Daddy na magkahawak ng kamay na ngayon.

"Mag-decide ka na po" muli kong pang-aasar. Napansin kong kunot ang noo siyang tumingin sa akin. Pinanlinsikan niya ako ng mata. Aha alam ko na hindi pwedeng hindi ito gumanti. Kaya Cassandra maghanda-handa ka na dahil babanat na ang Kuya mo. Lawyer yan eh!

"Ikaw ba? Kung makapagsalita ka ng ganyan ay parang hindi din pang-patay ang suot mo" napatingin ako sa suot kong bistida. Anong problema sa suot ko? Ang ganda ko kaya!

Our Lovestory (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon