Kabanata 36

25 0 0
                                    

Ang Ikatatlong Pù't Anim na
Kabanata

"Sinusumpa ko na lahat kayo ay magdudurusa! Walang matitira! Sinisigurado ko iyan!"

Napabangon ako agad na hinihingal. Bumungad sa akin si Nay Lourdes na nakatingin sa akin ng seryoso. Nakaramdam ako ng nanlalamig na tingin niya kaya hindi ko magawang magalaw ang sarili ko dahil nakapako lang ang tingin niya sa akin. Umiwas ako ng tingin dahil talagang hindi ko alam ang kahulugan ng mga tingin niya. Pero ang siyang pagkakamali ko ng mapamilyaran ko ang kwartong kinaroroonan ko.

HINDI ITO ANG KWARTO NI NAY LOURDES! KWARTO ITO NI ISABELLA! SO IBIGSABIHIN NITO AY NANDITO PA AKO SA SINAUNANG PANAHON!

"Binibini?" muli akong nagulat nang makita ko si Alexander na nasa tabi ko. Nanlalaki ang mata ko habang tinitignan siya papalapit sa akin.

"Maayos na ba ang iyong pakiramdam?" nag-aalala niyang sabi. Hinawakan niya ang kamay ko. Kung kaya't napahawak ako sa bibig ko.

"Anong problema?" Saad niya saka hinawakan ng malambot ang aking kamay. Namuo ang luha sa aking mga mata habang rumerehistro sa isipan ko ang panaginip na saksi ang dalawang kasama ko ngayon.

Kamatayan.

"Binibini kayo po ay pinapatawag ng iyong Ama" napalingon ako nang marinig kong saad ng Babae. Tulala akong tumayo at sumunod sa babae. Kahit sa pagbaba ko ay patuloy akong naguguluhan sa napaniginipan ko. Napansin ko ding napapadalas ang iba ibang klase ng panaginip ko.

Pagdating ko sa dining room ay rinig na rinig ko na ang tawa nila Ama at Ina. Napatigil ako dahil napagtanto kong wala pa pala ako sa tunay Kong pinanggalingan. Huminga ako ng malalim at hinanda ang sarili ko. Tumuloy ako sa paglalakad hanggang sa maagaw ko ang atensyon nila. Ngumiti sila sakin at tumayo si Ina at inambangan ako ng halik sa pisngi. Napangiti naman ako sa kanyang ginawa.

Hanggang dito ay dala-dala pa din ni Ina ang nakaugalian niya. Napakalambing niya pa din.

Nakangiti akong umupo sa tabi niya at kumain na din. Susubukan kong maging ganado pa din upang hindi magalala si Ama at Ina. Susubo na sana ako ng tinapay ng may upo sa tabi ko. Nakanganga akong tumingin sa tabi ko at laking gulat ko ng natatawang tignan ako ni Alexander.

Pabitaw kong nilapag ang kutsara kaya nakabuo ito ng malakas na tunog. Kung kaya't pati si Ina at Ama ay naagawan ko ng atensyon.

"Ayos ka lamang ba anak?" Saad ni Ina sabay hawak sa aming kamay.

"Ah opo ayos lang po ako" hiya kong sabi. Narinig kong natawa si Alexander kaya tinignan ko siya ng masama.

Hanggang dito pala dala-dala niya ang pagiging mapang-asar niyang ugali. Kainis naman!

Mukha namang nahalataan niyang naiinis ako sa pagtawa niya kaya tumigil siya.
"Pasensya na, Binibini. Gusto ko lamang pangitiin ka"

Natawa naman ba ako? Nice excuse, huh?

"Tama nga naman si Ginoong Vicente, Anak. Sapagkat napapansin din naming wala ka sa iyong sarili magmula kahapon at sa iyong paggising" paliwanag ni Ina.

Our Lovestory (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon