Kabanata 33

21 0 0
                                    

Ang Ikatatlong Pù't Tatlong Kabanata


"Cassandra?"

Naalimpungatan ako ng marinig ko ang pangalan ko. Unti-unti kong idinilat ang mga mata ko. Nakita ko ang nag-aalalang mukha ni Mia. Nagtaka ako kung bakit ganun na lamang ang mga reaksyon nila. At higit sa lahat mas lalo akong nagtaka ng makita ko ang hindi pamilyar na kwarto. Hindi ko din pamilyar sa akin ang hinihigaan kong kama.

"Anong ginagawa ko dito?" Tanong ko sa kanya. Tumingin ako sa kanya ng naguguluhan. Napahinga siya ng malalim at hinawakan ang kamay ko.

"Hinahanap ka namin kanina dahil kailangan na nating umalis hanggang sa nakita ka na lang namin dito na walang malay. Buti na lang ay nandoon ang babaeng matanda para tignan kung ayos ka lang ba" pagkwe-kwento niya. Tulala lang ako nakikinig sa kanya habang nagsasalita siya patungkol sa nangyari sa akin kanina.

"Bakit bigla-bigla ka na lang nawalan ng malay. May sakit ka ba?" Patuloy niya. Umiling ako sa kanya bilang sagot. Maski ako ay hindi ko alam kung bakit bigla na lamang akong nawalan ng malay. Ang naalala ko lang ay may hawak akong litrato then may binasa ako sa likod non. Tapos nawalan na lang ako bigla ng malay.

"Sino pala yung matandang babaeng sinasabi mo?" Tanong ko sa kanya. Nagkibit balikat siya bago niya sagutin ang tanong ko.

"Nay Lourdes daw ang pangalan niya" gulat akong napatingin sa kanya.

"Nasaan siya?" Tanong ko muli. Naguluhan naman siya ng biglaan ko na lamang siyang tanungin.

"Nasa labas kausap niya si Alexander" sagot niya. Agad-agad akong bumaba sa hinigaan ko at lumabas. Narinig ko pa ang pagtawag sa akin ni Mia pero hindi ko siya pinansin. Importante itong tatanungin ko kay Nay Lourdes. Nilibot ko ang paningin ko upang hanapin si Nay Lourdes hanggang sa nahagip ng paningin ko si Nay Lourdes na kausap si Alexander. Kusa na lang naglakad ang mga paa ko habang tinitignan sila. Nakakaramdam na naman ako ng pamilyar na eksena. Ano ba ito? Bakit ba nakakaramdam ako ng ganito? Nag-uusap si Nay Lourdes at Alexander nang masinsinan. Malayo pa ang nilalakad ko bago ko sila malapitan. Nakatingin lang ako sa kanila habang naglalakad.

"Oh hija? Maayos na ba ang pakiramdam mo?" Tanong niya sa akin. Hindi ko alam pero napayakap na lang ako bigla sa kanya. Akala ko tatanungin niya ako kung bakit yumakap ako sa kanya pero wala akong narinig na reklamo mula sa kanya. Niyakap niya din ako pabalik.

"Magiging maayos din ang lahat, hija. Magiging matapang ka, iyon lamang ang kailangan mo" nagtaka man ako sa sinabi niya pero hinayaan ko na lamang siya. Hindi ko man maintindihan pero nakapagpaluwag naman ito sa looban ko.

"Nagugutom na ba kayong dalawa?" tanong niya sa aming dalawa ni Alexander. Umiling ako kahit man nagugutom na ako. Kahiya kaya!

"Opo" nagulat ako nang sumagot si Alexander ng ganun. Wala ba 'tong manners? Kung sabagay hindi na niya kailangang mahiya dahil close sila ni Nay Lourdes simula pagkabata pa niya.

"Hali na kayo ipagluluto ko kayo ng masarap na pagkain" masaya siyang lumakad papunta sa kainan. Wala akong nagawa kung di sumunod. Saka nagugutom na din naman ako kaya wala ng hiya-hiya dito.

Umupo na ako sa paborito kong inuupuan. Sumunod naman sa akin si Alexander na mukhang bored na bored. Hindi ko siya pinansin dahil baka masakit lang ang pakiramdam niya. Pero nag-aaalala pa din ako.

Our Lovestory (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon