Chapter 1

9.2K 149 31
                                    

A.N.: Nasulat ko no'ng 17 y/o ako and like from my other notes, this story is not properly revised. If you ever encounter some typos and grammar mistakes...sorry na. Paki-correct na lang sa isip. Haha! Maraming salamat!

****

Pulang-pula na ang braso ko sa kakakamot. Ramdam na ramdam ko pa rin kasi ang kagat ng lamok sa braso ko. Isang kuskos pa, mababalatan ko na talaga ang sarili ko. Badtrip. Ang ganda ng bungad ng umaga sa'kin.

"Zef? Ayos ka lang?" Tanong sa'kin ni Kuya Eddie. Ang matagal na naming driver.

"Iyong lamok po kasi feeling alarm clock, siya po ang gumising sa'kin." Sarkastikong tugon ko. "Hindi ko nga po alam kung paano nakapasok ang lamok sa kwarto ko." Muli kong kinamot ang aking braso.

"Hindi bale. Sasabihin ko na lang kay Dolores na pa-sprayan ang kwarto mo." Nginitian ako ni Kuya Eddie sa rear view mirror. Ang thoughtful talaga.

"Si Daddy nga po pala...Wala po bang binilin?"

"Wala namang nabanggit. Nagmamadaling pumasok sa opisina."

Bumagsak ang balikat ko. Lagi na lang ganito si Daddy. Wala na siya laging panahon sa'kin. Puro kompanya na lang niya ang inaasikaso. Hindi naman siya dati ganito noong buhay pa si Mommy. Simula kasi ng mamatay siya, itinuon na niya ang atensyon sa trabaho, sa pagpapalakad ng kompanya, sa pagpapalago ng pera to the extent na napabayaan na niya ang anak niya. Ni hindi na nga kami nagkikita araw-araw kahit nasa iisang bahay lang kami. Alam ko mahal ako ni Daddy pero hindi pa niya 'ata nare-realize na kailangan ko ng pisikal na suporta't alaga niya hindi lang ng pera niya para sa tuition ko, allowance ko at iba pa.

 "Wazzup." Bati ko kay Ynah ng sinagot ko ang tawag sa cellphone ko. Isa siya sa aking mga kaibigan.

"Magpaganda ka lalo ah. Maghahanda kami ng mga makaka-blind date mo, for you." Napakatamis ng boses nito ngunit naging mapait ang tugon ko.

"BLIND DATE?!" Singhal ko. Hindi ko gusto ang ideyang 'yon. "I don't wanna! I'm not ready for heartbreaks 'no!" Kontra ko. Ilang beses na nila kong niyaya na makipag-blind date ngunit lagi akong tumatanggi.

"HEARTBREAK AGAD?! Nakita mo na ba? Kayo na ba? Blind date pa nga lang eh. Napaka-advance technology nitong babaeng 'to." Hindi ko maiwasang matawa sa huling sinabi niya. Baliw talaga 'to.

"Whatever. Ayoko. Kayo na lang." walang buhay kong banggit.

"Oh, come on, Zef." Narinig ko ang pagpadyak ng paa niya sa kabilang linya. "What do you want? Maging LONER ka forever? Kapakanan mo lang naman ang iniisip namin eh." Inirolyo ko ang mga mata ko. Wow. Nata-touch ako sa pagiging thoughtful ng mga kaibigan ko.

Halos araw-araw na lang akong kinukulit ng mga ito sa nakakalokong set-up na 'to. Ang makipag-blind date. Napapailing na lang ako sa kanila sa tuwing nababanggit nila ang tungkol dito. Uso pa ba ang ganoon? Sa pananaw ko, kahibangan lang 'yon. Ano namang gagawin ko sa date na 'yon? Usap-usap tungkol sa music, movies, books etc.? At kapag nalaman niyong marami kayong mutual interest eh meant to be na kayo? Pathetic.

Isa pa, hindi pa ko handa. Mentally, emotionally, physically and spiritually hindi pa ko handa. Nahihimlay pa ang lahat ng mga aspetong 'yan sa'kin. Siguro kung dumating si 'someone' baka mabuhay ang mga 'yan. Even if my friends told me na sinasayang ko lang 'daw' ang ganda ko ay hindi pa rin ako pumapatol sa kahibangan nila.

Call Me, "I Love You"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon