Chapter 2

3.6K 108 4
                                    

Kadiri man ngunit nalunok ko ang laway ko. Hindi ko maiangat ang tingin ko. Hindi. Ayoko talaga siyang tignan. Ang dapat lang niyang tignan at suriin ay ang suspect (Onycha), urger (Ynah) at hindi ang witness (ako). Inosente ako. Sadyang nasaksihan ko lang ang kapilyahan ng mga ito.

"Ladies?" Banggit niya ng walang sumagot sa tanong niya.

"Ahh..." sabay at alanganing sabi ni Ynah at Onycha.

Bahagya kong inangat ang tingin sa dalawang babaeng kaharap ko. Kapwa sila nakatingin sa'kin. Pinandilatan ko sila pero deep inside mas lalong nadagdagan ang intensity ng kaba ko. Mukhang alam ko na kasi ang tumatakbo sa isipan nilang dalawa. Hindi maari. Hindi dapat sa'kin ibuntong ang kasalanang hindi ko naman ginawa.

Naiintindihan ko naman. Ako ang ituturo nilang may kasalanan dahil ayaw nilang mapahiya sa Loveyones at Onlyone nila. Napapikit na lang ako ng mata dahil alam kong pursigido na ang dalawa sa binabalak nila. Ako pa ang madadamay sa kalokohan ng mga 'to. Badtrip!  Iniyuko kong maigi ang ulo ko bago nagsalita.

"I-I'm sorry." Tanging namutawi sa bibig ko. Naramdaman ko ang pagsipa ni Ynah sa paa ko. Palihim kong inirolyo ang mga mata ko.

Ako pa maga-adjust sa kasalanan niyong dalawa? Gusto ko sanang isinghal sa kanila ngunit hindi ko magawa. Kaibigan ko pa rin sila at alam ko naman kung ano ang nararamdaman nila.

"I...it's just..." Kumapit ako sa palda ko. Sana maniwala. "...an accident. They – I...didn't i-intend to do that." Ang hina ng boses ko. Sobrang hina. Nababalot ng kaba ang buong sistema ko. Bakit pa ba ko pumayag na ipagtanggol ang dalawang 'to kung pwede ko namang sabihin ang katotohanan?

Kaibigan. Yeah. Dahil sa pagkakaibigan na 'to, nandito ako. Badtrip.

"Hindi po talaga niya sinasadya." Panggagatong ni Ynah sa alibi ko.

"Maganda po siya kaya 'wag na kayong magalit pa." Kinagat ko ang ibabang labi ko para pigilan ang nagbabadya kong pagtawa. Pero tumawa ang apat. Sino pa ba kundi ang mga magkasintahan. Tanging ako at ang lalaking hindi ko pa alam ang pangalan ang nanatili sa iisang mood. Kahit ang tahimik namin, alam kong may tensyong namumuo sa pagitan naming dalawa. Nagsisimula ng mamawis ang kamay ko. 

"Care to explain why you did that?"

Why the voice so cold mister?! Pinukulan ko ng masamang tingin ang mga may sala. Ewan ko ba. Kaibigan ko ba talaga ang dalawang 'to o ano?

"U-uhm...to get...to get their boyfriend's attention?" Sagot ko ng patanong. Hindi ko naman kasi talaga alam kung ano ang rason ng dalawang 'to para ibato nila ang crumpled paper na 'yon! Muli akong tinadyakan ng dalawa sa ilalim ng kinauupuan namin.

Darn, I am starting to get pissed! Isadlak ba ko sa kasalanang hindi ko naman ginawa?!

"Should I believe you?" Mas lalong lumamig ang boses ng lalaking 'to. "Here." Dito ko na iniangat ang tingin sa kanya ngunit sinalubong ako ng papel na binato ni Oncyha sa kanya. Ibinalik niya ito, tinanggap ko iyon agad. Ibinuka ko ang bibig ko ngunit walang salitang lumabas sa bibig ko. Ang liwanag. Para siyang anghel. Agad kong iniiwas ang tingin sa kanya. Nakakasilaw!

Oh, Jesus H. Christ! He is more handsome vis-à-vis.

Kahit saglit ko lang siyang tinignan. Napansin ko na dark brown ang kulay ng buhok niya. Though may pagka-black pa rin ngunit agad mo 'tong mapapansin dahil sa kaputian niya. Mukhang hindi siya nagpakulay ng buhok. Natural ang kulay ng buhok niya. Wow.

Pero kahit pa gwapo siya, wala akong pakialam. Mas lalo lang niyang dinagdagan ang pagka-badtrip ko ngayong araw. Nagtitimpi na lang ako.

"Loveyones kausapin mo naman 'yan oh." Pakiusap ni Ynah kay Matt, ang nobyo niya. Nasilip ko pa ang paghawak ng kamay niya sa kanya para sa tahimik na pakiusap. Ngunit wala namang magawa ang boyfriend niya. It seems na takot din ito sa lalaking kaharap nila ngayon.

Call Me, "I Love You"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon