Chapter 12

3K 81 1
                                    

Naabutan ko si Daddy na nagbabasa ng dyaryo pagkababa. Hinalikan ko siya sa pisngi bago umupo. Nakahanda na ang agahan namin.

           

“What took you so long?” Ibinaba na niya ang binabasa niya.

“Tinignan ko pa po kasi ang regalo niyo sa’kin mula kay Mommy tsaka…” Inilapag ko ang car keys sa lamesa. “You’re now allowing me to drive?” Halata ang excitement sa boses ko.

“Yes. I’m now allowing you to drive.” Kumpirma ni Daddy “Pero, kailangan mo na munang lakarin ang driver’s liscence mo.”

“Sure, I will, I will, I will!” Paulit-ulit kong sabi sabay yakap ng mahigpit sa kanya. Bahagya pang umalog ang lamesa dahil sa ginawa ko.

“Careful.” Natatawang sabi ni Daddy.

           

Matapos ‘non ay nagsimula na kaming mag-agahan ni Daddy. Ang dami niyang tanong sa’kin tungkol sa mga naging school activities namin, tungkol sa mga kaibigan ko, mga expenses at kung anu-ano pa. Halata ang kagustuhan niyang makabawi sa’kin. Kahit nasa iisang bahay lang kasi kami ay wala na kaming balita sa isa’t-isa. Tinanong ko rin sa kanya kung kamusta na ang company. Mas naging maayos daw kumpara sa dati. Hindi na ako magtataka dahil doon lang naman niya ibinuhos ang oras niya.

           

“Is Blaze courting you?” Nahinto ko ang pag-inom ng juice. Dahan-dahan ko ‘yong ibinaba para makapag-isip pa ng isasagot kahit sandali.

“Blaze. Well, he’s special.” mala-showbiz kong tugon. Ayoko namang diretsuhin ang sagot. Hindi ko rin namang pwedeng sabihin na may nangyari sa’min kagabi sa mismong pamamahay niya, sa mismong kwarto ko pa at higit sa lahat nandoon pa rin siya.

“Its obvious, I see. I like him for you.” napangiti ako sa sinabi ni Daddy ngunit agad ding naglaho iyon dahil magugustuhan pa ba niya si Blaze kung malaman nito na may nangyari na sa’min? Syempre. Syempre hindi niya magugustuhan ‘yon. Wala namang magulang na pinangarap ang ganoong sitwasyon sa anak niya.

           

Tanggapin na na’tin na ang mga magulang ay likas na konserbatibo kung ang pinag-uusapan ay seguridad ng kanilang anak lalo pa’t kung babae ito.

Pero mahal ko si Blaze kaya hindi ako nagsisisi.

           

Pero mahal rin kaya niya ko?

           

Ilang beses ko siyang sinabihan ng ‘I love you’ kagabi pero hindi naman siya tumugon. Dahil ba sa tingin niya ay deal pa rin ‘yon? Uminom ba siya ng isang litrong anesthesia kaya naging ganoon na lang siya kamanhid o ano? Ayts. Ewan ko ba. Ewan ko ba kung ano’ng relasyon meron kami ngayon.

“I have to go, baby.” lumingon ako kay Dad, natapos na pala siyang kumain. Tumayo na siya.

“Take care, Dad.” tumayo na rin ako para maihatid siya hanggang gate.

“You too.” nakangiting sabi niya.

Ilang segundo lang ay nakarating na kami sa harap ng gate. Nakalabas na ang kotse ni Daddy. Siya lang ang nagda-drive para sa sarili niya dahil na rin sa kagustuhan niya. Biglang huminto si Daddy kaya napahinto rin ako. Tinignan ko ang mukha niya. Nakakunot-noo siya. Sinundan ko kung ano ba ang tinitignan niya. Natakpan ko ang aking bibig. Oh no.

Call Me, "I Love You"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon