Chapter 7:

2.7K 79 6
                                    

Tumalikod na ko at naglakad pabalik ng coffee shop. I can’t believe this. Fun? For fun lang? Ano’ng klaseng utak ba meron ang lalaking ‘yon? Hindi ba niya naiintindihan ang sinabi ko? Hindi ba niya nakuha ang gusto kong iparating sa kanya? Hindi lang basta-basta ang salitang ‘I love you.’

           

Napailing ako. Ano bang klaseng henerasyon ang kinabibilangan ko ngayon? Napatunayan ko lang ang ang nabasa ko sa isang tweet. Ang pariralang ‘I love you’ ay parang katumbas na lang ng simpleng ‘Hi.’ Nakakadismaya.

           

Buti kasi sana kung seryosohan na lang.

           

Napahinto ako sa tinig na narinig ko. Seryosohan? Ano ba? Walang seryosohan na magaganap kung kapwa kaming dalawa ni Blaze ay hindi seryoso. Hindi naman kami in denial. I mean, hindi naman, diba? Diba, diba, diba?

           

Napabuntong-hininga ako. Sino ba ang pinipilit kong paniwalain na hindi ako in denial? Sarili ko lang naman. Ano bang nangyayari sa’kin? Ipinikit ko ang mata ko ngunit agad akong nagsisi dahil bumalik sa alaala ko ang pagyakap ko sa kanya.

           

Damn, did I just hug him? Did he just hug me back? And damn, I’m lying if I say I didn’t enjoy that moment. Feeling my head resting on his chest, I recognize that…I can literally and emotionally lean him on. When I secretly inhale his minty-masculine scent…God, he is so addictive and…solid and…real.

           

Gusto kong magsalita kanina at ibuhos lahat ng sakit na nararamdaman ko tungkol sa pagkamatay ni Mommy at sa pagiging pabaya sa’kin ni Daddy. I mean, hindi naman pabaya, masiyado lang talaga siyang kulang sa pagbibigay ng atensyon sa’kin. Gusto ko ikwento lahat kay Blaze kanina, hindi ko alam kung bakit iyon ang gustong itulak na salita ng bibig ko kanina. Saglit pa lang kami magkasama ni Blaze pero…ang laki na agad ng tiwala ko sa kanya. Tama ba ‘tong nararamdaman ko o baka sadyang nabubulag lang ako?

"Oh?! Asan na si Blaze?" Agad na tanong ni Ynah pagkapasok ko ng shop.

"Nand–" naputol na naman ang dapat ko sanang sasagutin.

"I'm here!" masiglang sabad ni Blaze. Tuluyan na kong nawalan ng gana. 

"Tapos na kayong mag-date?" Narito na pala si Matt kasama si Arlou. Nakaupo sila sa pinakadulo ng coffee shop kung saan may mahabang sofa na mismong nakadikit sa dingding. Hanggang ngayon iniisip ko pa rin kung paano nagawa iyon.

"Tapos na nga ba, Zeff?” Ngiting-ngiti na tanong ng lalaking katabi ko.

Ayoko ngang sumagot.

Tahimik akong napasinghap ng inakbayan niya kong muli. Inamoy pa niya ang buhok ko at marahang hinalikan sa sentido ko. Ano bang gusto nitong palabasin? Iniangat ko ang tingin sa kanya at hindi sinasadyang nagsagi ang labi naming dalawa. Napatalon ako ngunit mababaw lang. Naramdaman ko ang biglaang pagpisil ng kamay niya sa balikat ko. Narinig ko ang pagtili ng dalawa kong kaibigan at pagsipol ng mga nobyo nila.

We did just more than that but I still can feel this irritating goosebumps. Damn, I made the wrong move. Wrong move that I can’t decide if I will regret or relish---

“I’m sorry.” agad kong sabi bago ko pa maituloy ang sinasabi ng makulit kong isip.

“I’m not sorry.” mabagal niyang bulong dahil bakas pa rin sa kanya ang pagkagulat, katulad ko. Napansin ko ang pamumula ng tenga’t pisngi niya. Teka? Nagba-blush ba siya? Sa sobra niya kasing kaputian mabilis lang mapansin ang pamumula niya, mas maputi pa nga siya sa’kin kung tutuusin. Marahil ay dahil na rin si klima ng kinalakihan niyang bansa kaya naging ganito siya kaputi.

Call Me, "I Love You"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon