Chapter 6

3.2K 80 6
                                    

"Ahh…ano pa bang gusto mong pag-usapan?" Pilit akong ngumiti sa ikalimang ka-blind date ko ngayong araw.

Kanina ko pa nga iniisip kung saan ba napagkukuha nila Onycha at Ynah ang mga lalaking inihaharap nila sa’kin ngayong tanghali. Dalawa’t kalahating oras na ko nakaupo dito sa coffee shop na pagmamay-ari nila Ynah. Sa dalawa’t kalahating oras at limang lalaki na naka-date ko, wala akong matipuhan. 

“Gustong pag-usapan? Ahh, tribong Aztec?” Mungkahi ko. “Pamilyar ka ba sa kanila?” Napakamot ng ulo ang lalaki. Puno ng kaplastikan akong ngumiti sa kanya. "Iba na lang, hindi mo alam eh.” Straightforward kong sabi.

Mukhang napahiya ko ito pero inirolyo ko lang ang mata ko. Medyo nagu-guilty man ako sa ginawa ko pero kasi naiirita na ko, ang init na ng pwetan ko dito pero ni isa wala akong makausap na matinong lalaki.

Nilingon ko si Ynah at sinenyasan na palitan na ang kausap ngunit hindi nila nakuha dahil may lalaking dumaan sa harapan ko na may dala-dalang brownies at cappuccino.

"Blaze?” tawag ko sa kanya ngunit pabulong lang…sinigurado ko muna kasi kung siya ba talaga ‘yon at hindi lang namamalik-mata. “Blaze!” Tawag ko sa kanyang muli. Palabas na siya ng shop. Tinawag ko pa siyang muli ngunit hindi niya ko nilingon. Hangga’t si Onycha na ang tumawag sa kanya na katabi ngayon ni Ynah.

“Hey.” Agad na bati ni Blaze kaila Onycha. Gumanti rin sila ng bati at itinuro ang direksyon ko. Agad namang lumingon sa’kin si Blaze. Pinukulan niya ko ng tingin na nagtatanong. Iyong deal.

Dito na ko napaisip, bakit ko nga ba siya tinatawag kanina? Binalik ko ang tingin sa ka-blind date ko pabalik kay Blaze "I love You" sabi ko ngunit walang boses. Agad siyang ngumiti sa’kin. Mukhang nakuha naman niya agad ang sinabi ko. Lumapit na siya papunta sa kinauupuan ko ngayon.

Now what? Ano ba ‘tong ginagawa ko?

“Who’s with you?” ngiting-ngiti na sabi niya.

"My blind date.” Alanganin kong sagot.

"Pero paalis na rin ako.” Mabilis na sabi ng ka-blind date ko.

"Really? Pwede ako na diyan?" Mas lalong lumawak ang ngiti ni Blaze. Tumango-tango ang lalaki. Mabilis itong tumayo at kisapmata ko lang ay agad ng nawala ang lalaki. Pagkalingon ko sa exit ng coffee shop nakalabas na ang ka-blind date ko.

Ang kaharap ko na ngayon ay si Blaze. Natupad nga ang gusto kong mangyari na mapalitan ang ka-blind date ko ngunit hindi ko naman sinabing si Blaze!

"Parang takot naman sa’yo ang ka-blind date mo.” Natatawang puna niya.

“He’s boring.” Nababagot ko ring sagot at sinabayan ko pa ng pagrolyo ng mata.  

"I see. So, nakikipag-blind date ka pala?” amuse na amuse na sabi iya.

"Sila ang may gusto, hindi ako.” Nginuso ko ang direksyon nila Ynah at Onycha na kasulukuyang nakangiti ng makahulugan..

“Since, nakikipag-date ka naman pala ngayong araw. Tayo naman ang mag-date ngayon.” Bigla akong umalarma sa sinabi niya.

"Asa ka! Ayoko nga ‘no.” Niyakap ko ang sarili ko, tanda ng pagkontra.

Call Me, "I Love You"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon