Chapter 3

3.6K 97 4
                                    

"Zef! Tara dito." tawag ng mga kaibigan kong ngayon ay nakaupo na. Mabigat ang paa kong sumunod sa direksyon nila at umupo tabi ni Ynah. Katabi na niya ngayon ang nobyo niya. Sunod naman si Arlou na nakaakbay kay Onycha. Parang ayaw na nilang pakawalan ang isa't-isa. Si Matt naman ay nakaw ng nakaw ng halik sa kay Ynah. Napailing na lang ako.

PDA. Nakakainis.

Pilit ko mang pigilan ang sarili ko na huwag tumingin sa entablado ay hindi ko magawa. Masiyadong malakas ang unidentified force sa pagitan naming dalawa kung kaya't napalingon ako sa entablado. Parang may nakatagaong magnet sa lalaking 'to. Bigla naman siyang lumingon sa direksyon namin. Nagpako ang tingin namin sa isa't-isa. Agad akong umiwas. Isang segundo lang naman ang dumaan ngunit parang isang oras na ang katumbas? Pambihira, pambihira, pambihira. Bumuntong-hininga akong muli ng malalim. Ng nginitian niya kasi ako kanina bago siya naglakad papuntang stage ay biglang nanginig ang tuhod ko. Gusto kong kumapit sa balikat niya para sa suporta ngunit hindi ko magawa dahil inaway-away ko siya kanina. Baka iba ang isipin niya kung ginawa ko pa 'yon.

"Iwas tingin din kasi. 'Wag namnamin..." asar nila Arlou at Matt.

"Shut up." Naiinis kong sabi.

Nagsitawanan silang apat. Asar! Ayoko na ngang tumingin sa kanya. Hindi pa natatapos ang araw na 'to pero puro na ka-badtripan ang nangyari sa'kin. Ayoko na ngang tumingin sa kanya, nahuli pa tuloy ako.

"Greetings Ricafortians! This day is treated to be special not only for our dearest Director but for all of us as well..." simula ng Emcee.

Ano bang espesyal sa araw na 'to? Kalokohan. Ang ipapakilala nilang anak ng direktor ang sarap lihain ng ugali sa sobrang kagaspangan! Ang gwapo nga kinulang naman sa magandang asal. Kumunot ang noo ko ng marinig ang bulong-bulungan ng mga babae sa likod, harap at gilid ko.

"Oohh! That body! So hot!"

"Ugh! That pointed nose!"

"That captivating eyes! Kiyahhh!"

Gusto kong lapatan ng duck tape este duct tape ang mga bibig nila sa sobrang pagkainis.

"Sige pagpantasyahan niyo yan. Hanggang looks lang yan. Ma-deceive kayo sa kagwapuhan ng lalaking yan." Nangingitngit kong bulong.

Kung anu-ano pang papuri at pangu-uto ang sinabi ng Emcee bago niya tuluyang ipasa ang mikropono sa mismong director ng school. Mabulaklak ang panimulang banggit ng aming direktor bago siya nag-proceed sa tunay na pakay niya kung bakit niya pinatawag ang lahat ng estudyante sa napakalawak na gymnasium na 'to. Ang ipakilala ang walang modo niyang anak.

"I am so pleased that my son agreed to me for continuing the rest of his study here in this University. He studied in France for years and I'm glad he come back. Ricafortians...Meet my Unicohijo, Blaze Ricafort." So, Blaze pala ang pangalan niya.

Sumunod na ang malakas na palakpakan. Para hindi ma-out of place ay pumalakpak din ako ngunit gamit lamang magkabilang hintuturo. Binulungan ako ni Ynah na lakasan pa. Ginawa ko naman ngunit pinigil ko rin agad dahil mukhang mababali na ang daliri ko.

"'Di ko na kailangang gawin 'to no! Bakit maririnig ba niya ko?" Atungal ko.

"Ang taray mo naman sa kanya. Hindi pa ba kayo bati?" Tanong ni Onycha.

"Isa ka pa. Baka inisip na ng lalaking yon na may gusto ako sa kanya!" Tukoy ko sa nangyari kanina dahil narinig ni Blaze ang 'irresistible guy' thing na 'yon.

"Talaga namang may gusto ka sa kanya ah." Konklusyon ni Ynah.

Akma pa sana akong kokontra pero napilingon ako sa pinanggalingan ng baritonong boses na umalingawngaw sa kabuuan ng gymnasium.

Call Me, "I Love You"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon